sa buhay. 
Naroon na'y ano pa ang gagawin kungdi ang magtiis! At nagtiis nga 
ako. Datapwa't nang may apat na buwan na kami roo'y inisip ng tatay 
ko ang kami'y bumalik sa bayan sa pagka't siya'y magaling na sa 
kanyang sakit at nagpapalakas na lamang. 
Nang ipabatid sa akin ang kanyang tangkang iyon, ako'y lumigaya at 
nasabi kong wala nga palang hirap na di napapalitan ng kaginhawahan. 
Sa bayan, ¡oh, sa bayan! nororoon ang ligaya, doo'y masayang lahat 
ang tao; nguni't dito dito sa bukid ay bihira ang tao mong makikita na 
hindi dumadaing sa sungit ng palad na nagtataboy sa kanila sa
kabundukan upang doo'y humanap ng ikabubuhay at sa gabi ay wala 
kang mapapakinggan kundi huni lamang ng libo-libong kulilig. 
Makaraan ang ilang araw ay nilisan namin ang bukid. 
Sa baya'y nadama ko ang aking kinasasabikan; ang ginhawa, ang 
kasayahan, at noon ko nawikang sa lalawigan pala'y maari ding 
mabuhay na gaya ng kabuhayan sa Maynila at higit pa, sapagka't bihira 
ang gabing walang harana, at madalas ang buencomer sa tabi ng ilog ó 
kaya'y sa palayan. 
Nang may ilang araw na kami sa bayan ay nakatanggap ako ng isang 
sulat. Akala ko'y iyo at dali dali kong binuksan; nguni't nang tunghan 
ko ang lagda'y natalastas kong ako'y namali; sapagka't yaon pala'y kay 
Enchay, upang ipagbigay--alam sa akin na kayo'y magiisang dibdib 
pagkatapos ng iyong pag-aaral. 
¿Ano ang dahila't ako'y sinulatan ni Enchay? ¿Pinasasakitan kaya ako? 
Siya'y namali. Wala tayong salitaan nang kami'y paroon sa lalawigan. 
Siya, ni sino man, ay walang katunayang máihaharap na tinanggap ko 
ang iyong pag-ibig at ngayo'y hindi ko masabi kung sa pagiibigan ang 
ating napaguusapan noong araw at kung pagiibigan nga ay hindi ko rin 
masasabing inibig kita sa hayagan ó sa lihim man, sapagka't noo'y 
musmos pa ako at wala akong muwang sa ngalang pagiibigan. Nguni't 
kung ang mga pagkalungkot ko pag tayo'y hindi nagkikita ay 
nagkakahulugan ng pag-ibig ay ginanti ko ang tibok ng iyong puso. 
Nguni't ¿hindi ba't ang bagay na iyan ay nangyayari din naman sa 
magkaibigan na nagmamahalang parang makapatid? 
Sakali mang hindi ako musmos noon at sinagot kita ng oo, ay namali 
siya, si Enchay sapagka't nang tanggapin ko ang kanyang liham ay 
nalimot ko na ang nakaraang panahon. 
Kaya't nasabi ko tutoy sa sarili nang matapos kong basahin: 
"¿At maano sa akin? ¿Mawawalan ba ako?" 
Makaisang lingo'y na katanggap ako uli ng liham din niya'y at iba 
naman ang ibinabalita sa akin: ngunit ako'y tunay na nayamot pagka't 
bawa't talata'y may salitang napakarumi at kung isipisipin ko ang 
kahulugan ay sa akin patama. Gayon ma'y hindi ko sinagot, at ¿bakit ko 
sasagutin? Ay ¿di pinantayan ko pa ang baba niyang singbaba ng 
nakasusuklam na lusak?... 
Ako'y hindi mataas magsalita. ¿Ano ang aking ipagmamataas sa ang uri 
ko'y mababa rin namang katulad ng iba? Datapwa't ang kanyang
ginawa ay nakaririmarim na gaya ng pusali na amoy lamang ay 
nakasasama ng sikmura. 
Hindi ko nga siya sinagot at siya'y pinatawad ko pa, at kung kami'y 
magkikita ngayon ay hindi niya ako kahahalataan ng sama ng loob. 
 
X 
Ang tatay ko'y lumakas. 
Kami'y naparito sa Maynila, at ang una kong nabalitaan ay ang paglililo 
sa iyo ni Enchay na pinaglalaanan mo ng iyong karrera.... Huwag kang 
magkaila, huwag; may katunayan akong walang kasing laking 
kasinungalingan ang sinasabi mong hindi ako nawawalay sa iyong 
isipan. Huwag mong nasaing maikubli ang isang katotohanan. 
--¡...! 
--¿Sumusumpa kang totoo ang sinabi mo at ako lamang ang iyong 
iniibig? Ito nga namang mga lalaki, pag-ibig magsinungaling ¡inaku! 
hindi mo ako mapaniniwala ... Huwag kang magpumilit, huwag; at 
baka sabihin ko pang kaalam ka ni Enchay nang ako'y padalhan ng 
sulat.... 
At ... namula ka. May katwiran yata ako, ha, ha, ha. 
--¡...! 
--¿Wala? ¿Bakit ka namula? Talagang may sala ka. 
--¡...! 
--¿Namamali ako at iniibig mo pa ako hanggang ngayon? 
--¡...! 
--Sagutin ko kung may maasahan ka pa sa akin? Oo, sasagutin kita; 
datapwa't tugunin mo muna ako: 
Ngayon ba't tinalikdan ka na ng pinaglalaanan mo ng iyong karrera ay 
akong ihinabilin mo na sa limot ang iyong pamamanhikan, akong 
pinagtangkaan mong malugmok sa hirap, sa pamamagitan ng dalawang 
liham na ipinahatid sa akin ni Enchay? 
--¡...! 
--¿Isinusumpa mong hindi ka kaalam? ¿Bakit niya naalamang lumigaw 
ka sa akin? 
--¡...! 
--¿Aywan? Wala kang pinag-iwan sa ilang taga bukid na nakikilala 
namin; huli na'y nagkakaila pa. At hindi ako nagtataka, sapagka't ang 
taong nagkukubli ng katotohanan ay talagang ganyan at matapang pa
kung minsan, hindi yata? 
¡Naku! kung gaya ng dati na tayo'y mga musmos, ay tatawagin ko ang 
ating mga kaibigan at sasabihin kong: narito ang bulaan, ang 
sinungaling, narito ¡itignan ninyo! 
Nguni't napapalayo ako. Pagbalikan natin ang iyong tanong. 
Manuel, tanggapin ang tungkos ng mga liham na ito at sa mga iya'y 
mababasa mo ang aking sagot ... Huwag mong buklatin dito, sa inyong    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.