bahay mo na basahin ... ¡Ah! Huwag sana, at kung may tutol ka'y sa 
ibang araw ka na parito.... 
Hindi kita itinataboy. Ibig kong umuwi ka na, sapagka't baka hindi ka 
magkapanahon sa pag-aaral ng ililisyon mo bukas. 
--¡...! 
--Itinigil mo ang pag-aaral buhat nang mamatay ang iyong ama at ang 
kapatid mong Juan na lamang ang pumapasok sa Sto. Tomas? 
Sinayang mo ang panahon; nguni't may katwiran ka, may asawa na si 
Enchay ay ¿bakit ka pa magaaral, sa siya lamang ang pinaglalaanan mo 
ng iyong karrera? 
--¡...! 
--Ako raw at hindi si Enchay! Oy, manong matahan ka.... 
--¡...! 
Uuwi kana? Mabuti nga't nang maalaman mo ang laman ng mga liham 
na iyan.... 
--¡...! 
--Oo hanggang bukas. 
 
XI 
PANGWAKAS 
Nang si Manuel ay dumating sa kanyang bahay ay ang pagbubukas sa, 
tungkos ng mga liham ang unang ginawa, at matapos basahin lahat ay 
nag-buntong hininga at nasabi sa sariling: 
"Nahuli ako; nguni't iisa ang ipinahahatid kong liham ay ¿bakit naging 
tatlo...?" 
Matagal na inisip kung ilan sulat ang naipadala kay Enchay nang sila'y 
nag-iibigan; datapwa't hindi maapuhap sa alaala na ang una'y sinundan
pa ng dalawa. 
Maging isa man o tatlo na nga, ay nahuli na siya ni Edeng at dahil 
dito'y nalungkot ng gayon na lamang. 
--"¡Oh ...!" ¡Kahiyahiya kay Edeng!--ang bulong sa sarili--Isinumpa ko 
pa naman na liban sa kaniya'y wala na akong inibig at ipinagmatigas ko 
pang siya'y hindi nawawalay sa aking gunita ... ¿Ano kaya ang kanyang 
palagay sa akin ngayon ...? ¿Isang bulaan? ¿isang sinungaling? 
At ang mukha'y tinutop ng dalawang palad na parang may kaharap na 
kinahihiyaan. 
* * * * * 
Ang sulat na ipinahatid ni Manuel kay Enchay ay talagáng iisa nga. 
Ang dalawang hindi niya makuro kung saan nagbuhat ay gawa ng isang 
binatang taga Batangan na nangingibig kay Edeng. 
Isang buwan muna bago nalipat ng bahay sina Manuel, ang binatang 
iyon ay lumipat din sa bahay na kapiling ng tinitirahan nina Edeng at 
parang nahalinang inakit ng ganda nito sa gawang pag-ibig. 
Noo'y nagdadalaga na si Edeng. At nang mahalatang ito at si Manuel 
ay waring nagmamahalan, ay nagisip ng daan upang magiit ang 
kanyang pagliyag. 
Ang pagkakalipat ng bahay nina Manuel ay siyang sinamantala ng 
binatang iyon; nakitulong sa paglululan sa karreton ng mga 
kasangkapan at dahil dito'y kinagiliwan ni Don José at ni Aling Mirang 
na mga magulang ni Manuel. 
Nang gabi rin ng araw na iyon at samantalang sina aling Mirang at ang 
kanilang mga alila'y naghuhusay ng bahay, si D. José ay kaniyang 
kinausap at ibinalita na si Manuel ay malimit na hindi makalisiyon, 
kaya't palagi daw na nakakagalitan ng mga guro, at nang sina Edeng ay 
patungo sa lalawigan ay sinulsulan si Manuel na lumigaw kay Enchay.
Ang binatang iyon ay nagaaral sa paaralan ng mga Heswitas at nang 
dumating ang bakasyon ay umuwi sa Batangan at si Edeng ay 
makalawa sa isang lingong pinagsasadya sa bukid. 
Sa kanilang mga paguusap ay naino niyang si Manuel ay hindi 
nawawalay sa alaala ni Edeng, kaya't gumawa ng lahat ng paraan upang 
malimot ang binatang nagtitiis ng hirap sa pagkaulila sa kaniyang 
nilalangit. 
Nang buksang muli ang mga paaralan ay lumuwas dito sa Maynila at 
nang mga araw na yaon ay noon naman tumanggap si Edeng ng 
dalawang liham ni Enchay. 
Si Manuel at si Enchay ay nagkaibigan nga, datapwa't hindi naglao't 
ito'y umibig, sa iba. At nang ikakasal na sa kanyang bagong kasi ay 
ipinamanhik sa ating binata na isauli kay Manuel ang isang liham na 
kanyang tinanggap; nguni't ang liham na iyon ay hindi dumating sa 
kinauukulan. 
Nang sina Edeng ay lumuwas dito sa Maynila ay ibinalitang agad ang 
paglililo ni Enchay at si Manuel daw ay may bagong nililigawan. 
* * * * * 
Isang pagkakataon. Ang dating magkakilala'y nagkita sa teatro, at 
kinabukasan ay matalastas ng ating binata ang patatakpong iyon sa 
dulaan, sapagka't ibinalita ni Edeng. 
Ang ating binata'y dalidaling nagpaalam upang ang liham ni Manuel 
kay Enchay ay dalhin sa isa niyang kakilala na mahusay humuwad ng 
mga titik, upang magpagawa ng dalawa pa, na iba naman ang nilalaman 
sa tunay na liham ni Manuel. 
At gayon nga ang nangyari. 
* * * * * 
Nang gabing si Manuel ay umalis sa bahay ni Edeng, na taglay ang
tatlong liham, ang ating dalaga'y nilapitan ng kanyang ina: 
--Edeng--ani aling Juana--¿Ano ang pinaguusapan ninyo ni Manuel? 
--Wala po--ang tugon ni Edeng. 
--¿Wala? ¿Akala mo yata'y hindi ko naaalaman ang dahilan ng 
pagparito ni Manuel? Natatalastas ko na siya'y nangingibig sa iyo noon 
pang araw at pagiibigan ang iyong pinaguusapan. 
--Hindi po nanay. Ang napaguusapan po nami'y ang pagpapatintero, 
ang pagtatakip-silim at iba pang laro nang bata pa kami. 
--Huwag kang maglihim. Magsabi ka nang totoo kung ibig mong 
huwag akong magalit at kung ibig mong mahalin kita ng higit pa sa 
rati. 
--Totoo    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.