Nang Bata Pa Kami | Page 5

Pura Medrano
asawa ó katipan: datapwa't ako'y namali
sapagka't matapos tayong magkamay ay ipinakilala mo sa akin ang
kapiling mong lalaki at noong ko natalos na asawa pala ng kapatid
inong matanda, at pinagsisihan ko ang pagkakaroon ng maling hinala
sa titig mong puno ng lugod.
Makailang sandali'y nanariwa sa aking alaala ang mga nakaraang
panahon. Ibig ko na sanang noo'y itanong sa iyo kung ang aking mga
hirap na tinitiis ay gagantihin mo ng walang hanggang kaligayahan,
pagka't ibig kong noon di'y matalos kung ako'y mayroon pang pag-asa
at kung maipagpapatuloy ko ang aking naipahayag sa iyo noóng tayo'y
nakikinig ng serenata sa harap ng simbahan ng Sta. Cruz ... nguni't
ako'y nagpigil alangalang sa iyong mga kasama.
Natapos ang palabas sa Cine.
Inihatid ko kayo hangang sumapit sa inyong tahanan at bago tayo
naghiwalay ay nangako akong babalik kinabukasan.
Ng gabing yao'y hindi ako nakatulog boong magdamag at sa pag-asam
ko ng bukas ay napagn~gitn~gitan ko ang aming orasan, sapagka't
matay ko mang nasain~g magtumulin sa kanyang pagtakbo'y hindi
nagbabago at para pang ako'y hinahamon sapagka't mapatayo ako't
mapahiga'y napapakinggan ko ang nakamumuhi niyang tik-tak.
Sa pagn~gin~gitn~git ko ay walang nangyari at nagtagumpay din ang
hindi mababagong lakad ng panahon.
* * * * *
Umaga.
Lalo pa akong nagdanas ng yamot sapagka't hindi ko kilala ang ugali
ng iyong mga kasama sa bahay at nagalaala ako na baka kung dalawin
kita'y hindi ka nila ipakausap sa akin at mawikaan pa ako pagtalikod ko,
kaya't upang huwag magahis ng kainipan ay ginala ko ang lahat ng
bahay ng aking mga kaibigan.
* * * * *
Gabi.
Pinagsadya kita. Wala ang iyong ina. Pinaharap ka sa akin ng iyong
kapatid at matagal tayong nagusap, matagal na matagal. At buhat noo'y

tatlong buwan na naman ang dumaan na hindi tayo nagkita, tatlong
buwang panay na hirap para sa akin, bakit nadagdag pa sa dati ko nang
tinitiis ang pagdadalamhati sa pagkamatay ng aking ama.
--¿...?
--Oo; kumulang humigit sa dalawang buwan. Nguni't isinulat ko sa iyo
nang siya'y mamatay, ¿bakit hindi mo naaalaman?
--¡...!
¡Ah! Kaya pala ni ang sulat na padala ko sa iyo nang ako'y lumulan sa
bapor na patungo sa bayan niyang kinamatayan ay hindi nagkaroon ng
sagot, ay naparoon kayo sa Silangan. Datapwa't bayaan na natin ang
kanyang pagkamatay at ibaling natin sa dati ang salitaan:
¿Naaalaala mo na ba ngayon, Edeng, ang mga araw na dumaan ng ating
kabataan? ¿Ang puso mo ba'y gaya rin ng dati na may kalayaan sa
pagtanggap ng pag-ibig? At ¿maitutuloy ko ba ang ipinahayag ko sa
iyo noong tayo'y nakikinig ng serenata sa tapat ng simbahan ng Sta.
Cruz?
--¡...!
--Bukas mo na ako sasagutin? ¿Baka hindi?
--¡...!
--Aasahan ko

VII
=_MGA ALA-ALA NI EDENG KAY MANUEL._=
--Manuel, salamat sa pagpa-paalaala mo't nanariwa sa aking gunita ang
ating kahapon: ang maligaya nating kahapon.
Naaalaala ko ngayon na isang araw ng linggong kulimlim ang araw ay
naligo tayo sa dagat. Marami tayo, kasama natin pati mga pinsan kong
babae na kababata rin natin.
Noo'y palaki ang tubig, ang pulo'y hindi natatanaw at upang marating
natin nang walang sagabal ay nanghiram tayo ng isang malaking
bangkang lunday.
--Sa bangka'y masaya tayong lahat, lalong lalo na ikaw at habang tayo'y
nagpapaligid-ligid sa may pulo sa paghanap ng lugar na mababaw, ay
itinuturó mo sa akin ang mga ibong nagliliparan sa kalawakan at ang
mga isdang tulad nating malalaya't masasayang naglulundagan sa
ibabaw ng tubig.
¡Kay saya saya natin! nguni't walang ano ano'y tumaob ang bangka;

ikaw ay nagulat at kaming mga babae'y napatili ng malakas at
makasandali'y naghalakhakan ang iba nating mga kasama. Ikaw ay
nayamot sapagka't nahalata mong sinadya nila ang pagtataob ng bangka
upang tayo'y pagalitin.
Ang tubig ay hanggang dibdib lamang, at makaraan ang ilang saglit,
ang mga babae'y nagsamasama't ang mga lalaki nama'y
nagtulong-tulong sa paglimas ng bangka; datapwa't ikaw ay hindi
kumilos sa iyong kinatatayuan at waring galit ka pa.
Matapos nilang limasin ang bangka ay sila'y nagsipaglanguyan at
kaming mga babae'y nagtimbulan at ikaw ay nagpakunwaring
marunong lumangoy ng hampas tikin; datapwa't naino naming
nakasayad ang iyong mga paa, at dahil dito'y pinagtuksuhanan ka't
pinagsabuyanan ka namin ng tubig.
Nang may kalahati ng oras na tayo'y naliligo, ang mga pinsan ko'y
nagyayang umahon.
Tayo'y lumulan sa bangka; n~guni't hindi ang pangpang ang ating
tinungo, kundi ang libis at nang makita mong tayo'y nalalapit na sa
baklaran ay nanginig ka; _buhat sa ulo hanggang paa_, sa takot mong
baka doon ilubog ang bangka ay hindi maaari, ang langoy mong
nalalaman.
--Ilubog natin ang bangka, isa, dalawa, tatlo.--Ang sabay halos na
sigawan ng ating mga kasama.
--¡Ina ko! ang sigaw mong halos paiyak--¡Ina ko, ayoko, huwag!
Palibhasa'y patuloy ang pagbibiro ng ating mga kasama, ay nagsabi ka
ng totoo, na hindi ka marunong lumangoy.
Makaraan ang ilang saglit ay nagyaya
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 14
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.