marahil ay inaway ko;
oo, pagka't ng mga araw na iyon ay naghahari pa sa akin ang kainitan
ng ulo.
Ang paghihigpit sa akin ng tatay ko'y hindi naman nag-tagal; ilang
linggo lamang at ako'y pinahintulutan nang makapagpasyal na gaya ng
dati.
Ako'y natuwa sapagka't madadalaw na namang kita; nguni't ¡naku!
hindi naglao't nakita ko na ang katapal na dusang walang kasing laki ng
aking katuwaan sapagka't nang ako'y paroon sa bahay na inyong
tinirhan ay nakita kong naka-dikit sa nakalapat na pintuan ang isang
papel na kinababasahan ng SE ALQUILA.
Ipinagtanong ko kayo sa mga kakilala; datapwa't walang nakapagsabi
kung saan kayo nalipat. Ako'y bumalik sa amin at itinanong ko sa aking
tatay kung saan kayo nakatira.
--Aywan ko--aniya--nagsi-alis ng hindi man lamang nakapagpaalam sa
atin, sapagka't ang ama daw ni Edeng; ay dinapuan ng sakit, na
pinakikialaman ng mga sanitario.
Ako'y nalungkot, hindi lamang nalungkot, nagtiis pa ako ng hirap
sapagka't hindi ko maalaman kung saan kayo naparoon. Hindi ko
maalaman kung saan kita susulatan.
At buhat noon ang puso ko'y naging laruan ng hirap. Natulad sa isang
putol ng kahoy sa gitna ng dagat na sunodsunuran saan man dalhin ng
alon.
At sa mga bayo ng sakit ay hindi ko naikubli ang akin pagtitiis.
Nahalata ng aking mga kaklase sa Ateneo at sa isa sa kanila na
nagngangalang Pedro Batobalani ay naipagtapat ko ang aking
dinaramdam.
--¡...!
--Madalas ba rito ngayon at noon mo pang araw nakikilala?...
Ang binatang iya'y isa sa mabubuti kong kaibigan, siya ang umaliw sa
akin at dahil sa kanya'y nagbawas ang aking pamimighati. Datapwa't
hindi nagbago ang aking pag-ibig sa iyo at bagkus pang lumago at sa
twing magugunita ko ang aking pagiisa, ay lalo pa akong
nagsusumigasig sa pag-aaral sapagka't hindi nawalay sa akin ang
paguusap na tayo'y magkikitang uli at maidudulot ko sa iyo ang aking
napagaralan.
VI
Mahabang panahon ang dumaan.
At isang gabing ako'y naglalakad sa daang Azcarraga ay nabasa ko sa
isang anunsiyong naka-dikit sa pader na tinatamaan ng liwanag ng ilaw
sa lansangan, na ang pelikulang VIVIR PARA AMAR ay itatanghal sa
Dulaang Zorrilla.
Ako'y napatigil at naibulong ko sa sarili ang ganito:
"VIVIR PARA AMAR" ¿Mabuhay upang umibig? ¡Oh ...! Panonoorin
ko ang pelikulang ito at baka nakakamukha ng malungkot kong
kabuhayan sa pag-ibig.
At dalidali akong pumasok sa dulang Zorrilla; nguni't pag-upo kong
pag-upo sa aking luklukan ay siya namang pagka-tapos pelikulang
"VIVIR PARA AMAR".
Ang mga ilaw ay nagliwanag. Ang mga mata ko'y aking pinagala sa
loob ng dulaan, at ¡oh, anong pagkakataon! Sa palkong kapiling ng
aking kinalalagyan ay may namasdan akong isang babaeng himala ng
ganda. Sa biglang pagkakita ko'y hindi ko nakilala kung sino, datapwa't
nang aking titigan ay nasayahan ang aking pusong kung ilan nang
taong hindi hinihiwalayan ng lungkot at nanariwa sa aking gunita ang
nakaraang panahon.
Nakikilala mo kung sino ang babaeng iyaon?...
Ang aking langit, ang aking paraluman, ang aking pag-asa, sa ibang
salita'y ikaw, Edeng, ikaw na buhay ng aking buhay.
Sa aking pagkatitig sa iyo'y napatingin ka sa akin at nagtama ang ating
mga mata.
¡Oh, anong ligaya ng dumalaw sa aking puso! Ang madilim kong
hinaharap ay waring nagliwanag at parang may nakita akong landas na
patungo sa kaluwalhatian ng aking pag-ibig.
--Maligaya na ako, maligaya na ako--ang bulong ko sa aking
sarili--maligaya na ako pagka't siya'y nakita kong muli. Bukas, bukas
na bukas ay paparoon ako sa kanyang bahay at sasabihin ko ang lahat
ng hirap na aking tinitiis. Siya'y malulungkot, nguni't masasayahan
agad pag sinabi kong naparam na ang lahat, pagka't ang ligaya ko'y
ligaya rin niya.
Nguni't saglit pa lamang ang nakararaan ay binayo na ako ng dusa; oo,
sapagka't napuna ko na ang iyong kapiling sa upo'y isang lalaking
balingkinitan ang katawan at maganda ang tindig ... ¡Anong lungkot ng
dumalaw sa aking kaluluwa ...! Ang mahahayap na palaso ng
panibughong mapapahirap sa taong ninibig, ay sunodsunod na tumimo
sa aking puso at dahil dito'y sinumpa ko ang muli kong pagkakita sa
iyo.
Ang mga ilaw ay muling nangulimlim. Sa maputing kayong
nakatatakip sa tanghalan ng dulaan ay itinanyag ang sumusunod sa
pelikulang; "Vivir para amar"; nguni't natapos ng hindi ko nawatasan
sapagka't hindi nawalay sa aking isipan na may kapiling kang lalaki sa
inyong palko.
--¿Sino kayang lalaki iyaon? ang tanong ko sa sarili--¿Kanya kayang
asawa? ¿kanya kayang katipan ó isang kaibigan lamang?
Ang mga ilaw ay muling nagliwanag. Nilingon kita sa inyong palko na
parang isang hukom na nagmamasid sa mga salaring lalapatan ng
parusa.
Sa paglingon kong ito'y muling nagtama ang ating mga mata at sa
iyong titig ay waring nabasa ko na mayroon kang ibig sabihin.
Noon di'y lumipat ako sa inyong palko na nagpuputok ang kalooban sa
akalang ang kahulugan ng titig mong iyon ay isang pag alipusta sa akin
dahil sa ikaw ay mayroon nang

Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.