ba ganoon ang turo mo? 
--Hindi;--Sinabi ko na n~ga't tila hindi ka maari, at sa unang lision
lamang ay hindi ka naka lampás ... Bueno! mag pahin~ga;--at sa ulî ay 
iba naman ang gagawin natin. 
At nag si pamahin~ga na n~ga silâ, palibhasa't malalim na ang gabí; 
n~guni't pinagbilinan muna. 
--Sa Viernes, humanda ka Juan at kita'y susubuan n~g isang Anting na 
mabuti sa iyo..... Maliligo ka muna, sa ilog mag hilod na mabuti at ... 
bahala na. 
--Opô, opô; ang tugon n~g kausap. 
Patuloy ang panunuyo ni Juan sa mag asawa ni matandang Tacio. 
Dumating ang Viernes. Madilim-dilim pa'y na ligô na n~ga si Juan, at 
pagkawi sa bahay ay nag lutô, nag haien, kumaen sila sampon n~g mag 
asawa. Kaguinsaguinsa'y isang babae ang na pa tawo sa hagdanan. 
--Anó Angue?... at na parito ka? 
--Dahil pô kay Ambo, ay ibig ko pong patingnan sa iyo. 
--Oo; madali yoon, titingnan lamang pala eh ...! 
--Ibig kó pong ipagamot sa iyo. 
--At anó bang sinasakít? 
--Walá pô; 
--Walá palá'y bakit? 
--Meroon pô; 
--Na ano yoon? 
--Hindi ko n~ga po maalaman. 
--Baka pasmá?
--Baka n~ga po yoon ang pasma tabardillo. 
--Hindi ka maalam mag salita! "Asno Tamardillo", ang tawag sa sakit 
na yoon baga ma't hindi ko pa nakikita. 
--Ah!... asno tamardillo ... asno tamardillo ...! 
--Oo pabayaan mo't ako'y mapapadaan n~gaion sa inio at kami ni Juan 
ay pasasaanihan. At ang babae'y namaalam na. 
Gumayak na madalì ang dalawa ni Juan at ni Matandang Tacio, at halos 
ay inabutan pa n~ga nila ang tumawag na si Angue. Nanhik silang 
panabay at dinatnan n~ga namang si Ambo'y gugulong gulong sa sahig 
na anhin ang batang sangol. Pinulsuhan n~g matanda at iiling-iling na 
nagsabí. 
Oh!--Di sinabi ko n~ga. Di tama n~ga Angue ..."Asno Tamardillo" 
n~ga itong asawa mo! Ha! Ha ha ... ha!--ang patawa n~g mangagamot. 
--Hindi ba masakit ang ulo mo?--ang tuloy na tanong sa may sakit. 
--Masakit n~ga pô. 
--Ang tian, hindi ba parang walang laman? 
--Ganoon n~ga po. 
--Di ba ang ibig mo'y kain n~g kain ay ... wala ka namang ...? 
--Sia n~ga po. 
--Di ba ang ibig mo'y laging uminom ay?... 
--Tila n~ga po. 
--Di ba para kang hilo, walang maisipang gawin? 
--Sia n~ga po!
--Ano!--ang badling na sabi kay Angue--di asno tamardillo n~ga ... 
sinapantahâ ko na n~ga. Ano bang gawâgawâ n~gaion n~g m~ga tawo 
dito sa iniong bandahing itó? mapa ibá ako, n~g usap. 
Ah! marami po n~gaion ang anihin at nagkakalutlot ang palay. 
--Ay sino sa inio ang nan~gan~ganihan? 
--Wala po kundi akong saglitsaglit, dian lamang sa malapit; di n~ga po 
makaláyo'y itong si Ambo'y may sakit at may bata pa akong.... 
--Mahirap ano?... Marahil sa pagani sia na pasmá?--ang pasaring n~g 
kausap. 
--Sia n~ga po;--ang tugon na lamang n~g mabait na si Angue na 
ikinakanlong ang ugali n~g asawa nia--Ay ano po kayang mabuti?--ang 
patuloy na tanong nia. 
Ang matanda'y hindi nakasagot kaagad palibhasa'y inisip nia, na kung 
itóng aanihin na lamang at sukat, mabuti naman ang pahunusan ay 
kinatatamaran pa, ay ano pa n~ga kaya't di katamarán ang gawang mag 
bukid, at mag bugtá n~g lupâ na lalong mahirap kay sa umani, 
palibhasa'y nan~gan~gailan~gan n~g pagod, isipan at puhunan, ang pag 
bubukid na siang kauna-unahang batis n~g ikinabubuhay n~g m~ga 
tawo at n~g alin mang Bansa. 
--Ay ano pong mabuti kay Ambo?--ang ulit na tanong ni Angue. 
Kung makakaban~gon at makakalakad ay pasamahin mo sa amin ni 
Juan. 
--Opô ...anó, Ambo; sasama ka?--ang badling n~g Angue sa kaniang 
may sakit, daw, na asawa. 
--Kung ako'y gagamutin mo pô ay bakít ako ipagsasama--ang tanong 
naman n~g may sakit na talagang ayaw buman~gon. 
--Kailan~gan sumama ka; at n~g pagtulò n~g gamot na ihahaplas ko sa 
batok mo't likod ay malamig lamig pang mapasakatawan mo ...
Sumama ka't n~g ikaw ay madáling gumaling at n~g umabot ka n~g 
anihin, sayang ang palay at mapapásalupa lamang ay hindi 
mapakinaban~gan, tutukain lamang n~g m~ga ibong kung saan saan 
galing na m~ga pook. 
--Ako po'y baka di makatagal ah! 
--Bahala na, utay-utay ... banay banay tayong lalakad at nagkakataong 
dumarating tayo'y ... 
Hindi sumasagot si Ambo; nag tindig na n~gang wari hahapayhapay, sa 
panglalatâ lamang n~g katawang kusang ayaw na igalaw, at n~gaio'y 
tatlo na silang lumalakad sa paroroonang anihan. Si Angue ay saka 
susunod kung maihabilin sa kalapit bahay ang kaniang m~ga anak na 
mumunti. 
Dumating ang tatlo sa kamalig n~g anihan. Na tanaw nila ang 
maraming tawong sumasabukid na ang karamiha'y babaieng malalapad 
ang salakot at mapupulang kundiman at dinampol ang m~ga baro't saya 
kundiman kaya'y sadyang pinulahan.--Hindi na luatán at nagdatin~gan 
ang lahat na pawang may kanikanilang sunong na uhay n~g palay sa 
kanilang m~ga sisidlan. Nagkatipon sa kamalig na maluang din naman, 
ay pawang nagdaramdam kapaguran at init n~g namimitik na araw, 
nagbibigay n~g kasaganaan. Gaion din ang m~ga dalaga, na sa 
kanilang m~ga pisn~gí ay waring na    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
