nananalaytay ang dugong buhay 
n~g kasipagan, lalo na si Biang na anak n~g may bukid. 
--Juan!... humanda ka't n~gaion kita bibigyan--ang pabulong ni 
Tandang Tacio kay Juan. 
--Opo Lelong; 
At magkakainan na ang lahat n~g kumuha n~g alak si Tininting Isiro at 
ipinanagay ni Biang na inuna n~gang tagayan si Matandang Tacio, si 
Juan at si Ambo. 
--Totoong sistidor ang matandang Taciong yaan--ang sabi ni Tiningting 
Isiro sa isa niang kaharap. Makikita natin at hangang mamaya'y ...
gagawa n~g sisté! 
--Aba!...--ang pabiglâ n~g matanda sa kay Biang na tumatagay-- 
Ang unang tiro'y sa botillera At ang ikalawa'y sa kastillero; 
Huag kang magkakawikaan Ineng at talagang kalakarán--ang dugtong 
n~g matandà. 
Ang dalaga'y tumatangui sana'y di naman na gawí na at una nan~gang 
uminom n~g isang tagay, na ipinamaalam, at saka panibagong sinidlan 
ang tagayanat inilapat sa matandà. 
--Ako'y patawarin mo Ineng; at ako'y may na din~gig na isang awit 
kastila na ania'y, 
El dinero del sacristan Cantando viene y cantando van. 
Samakatawid ko baga Neneng, kung tatagaluguin ko sa sarili lamang 
ay. 
Ang tuba daw sa karitan ay di tutulo kundi pan~gulukatikan. 
Ang ibig sabihin ay iawit mo!...ang sabihang pabiglâ n~g m~ga 
nanonood; kaya n~ga naman ang dalaga ay umawit n~g ganito na 
tan~gan ang tagayan; na sinaliwan n~g tugtog n~g biguela n~g isang 
binata. 
Utos ng matanda'y Mahalay di sundin Kinabubusun~gan Batang paris 
ko din Larán-larán larin larin larán Larán larán larin larin larán... 
......................At pagka ikot n~g umaawit ay hinarap ang matanda at 
dinugtong. 
Kaya n~ga: 
Inom na, inom na't Sa kamay ko galing Sukdang ito'y laso'y Di ka na 
tatalbín... Laran laran larin.
Ehoy!... Ehoy ...! ang sigawan n~g marami. At saka inilapit sa matanda, 
upang ipainom. 
--Dalawa ineng, itong aking kasama ay pumili ka, n~g makakahalig sa 
akin,--at itinuro ang magkasigbay na si Juan at si Ambo.--Sapagka't 
totoong masama sa aking n~gaion ang alak, linisan ko na ang malabis 
na pag inóm dahil sa ako'y nagkakasakít kung ako man lamang ay 
makaamoy. Uminom ako n~g alak kung kagamutan at kung kailan~gan 
lamang, n~guni't hindi ako naglalan~gó, sapagka't nakita ko na ang 
kapagitan n~g ugaling paglalan~gó, at di ko na sabihin pa sa iyo. 
Sia n~ga; sia n~ga, ang payo n~g Isiro si pareng Tacio ay sasakupin ni 
pareng Juan. Kaya iniliwat kay Juan na kasigbay n~g Tacio. 
...Prrrf!.... Prrf!... Prrrf!.... at na laguinlin ang m~ga nanonood sa 
bandang yoon sapagka't biglang ibinuga ni Juan sa mukha ni Ambo ang 
alak na kaniang ininom na anhin mo ang nagbubuga sa mukha n~g 
manok, na sasabun~guin. At bakit kaya? Walang makasabi n~g tiak, 
dapua't waring nagkakaisa ang lahat na dahil daw sa na lagyan n~g 
sileng pacite ang tagay na yoon. Sa ganito n~gay na sunod ang sabi ni 
Tingting Isiro. Sistidor n~ga si Matandang Tacio! 
Nag kainan na ang lahat pagkatapus n~g paghihinumó n~g tawanan 
n~g lahat. 
Bagama't na hanghan~gan n~g sile si Juan ay nag papa walang anoman, 
n~guni't hianghia sa m~ga dalaga, sapagka't naguing parang sagâ ang 
mukhâ, at gaion din ang m~ga mata nia. 
Natapus ang kainan; n~guni't nabigò ang m~ga naghihintay na mag 
sisté pa uli sa pagkain ang matandang Tacio. Hindi n~ga nia guinawà 
ang gayon at ania'y hindi dapat na sa loob n~g panahón n~g pagkain ay 
magkatawanang lubha sapagka't malaki aniang kalapastan~ganan sa 
gracia at biayá n~g Dios, at isa pa'y hindi nakatutunaw n~g kinain, 
kung baga ma'y pagkatapus n~g pag kain. 
 
V
At ganoon n~ga ang nangyari. 
Tapus nang kumain ang lahat, ay tinawag n~g matanda sa gawing labas 
n~g kamalig si Ambo at sarilinang nag usap. Tinawanan n~g ilán. 
Pinulsuhan muna si Ambo, binasá n~g tubig ang batok at saka 
pínagsabihan: 
--Ang hatol ko sa iyo ay magliguíd ka n~g magliguíd dian sa walong 
pilapil na yaan, sabay na itinuro ang m~ga pilapil, na pag dating mo 
dito'y patuloy ka pa n~g patuloy hangang patiguilin kita. Ako nama'y 
kukuha n~g iinomín mong gamot na ewan ko lamang sa baat n~g aking 
salokot na nasa kamalig. 
Ang hinatulan ay walang liwag na sumunod. Líguid-ke líguid sa m~ga 
pilapil at sa sikat n~g mainit na araw samantala'y sa loob n~g kamalig 
ay naghihinugang ang tawanan n~g lahat. 
Hindi naluatan at dumating si Angue, na kayâ natagalan n~g pag sunod 
ay nag bayo muna n~g palay na kakanin nila nag saing at nag pakain 
muna sa kaniang m~ga anak. Nakita nia ang kaniang asawa sa guitnà 
n~g bukid at sa pagkaawà, palibhasà baga'y asawa ay nagmakaamong 
lumuluhod at tumatan~gis sa matanda, na ania'y patawarin ang kaniang 
asawa. Kayâ naman na ululan pa mandin ang tawanan n~g lahat, na 
nanonood. 
--Ibig mo bang gumaling sia?--ang tanong n~g matanda sa 
nananan~gis. 
--Opò, ay huag mo po namang pahirapan at ... 
--Angue;--ang tugon n~g matandà; 
Pag ang sakit ay masamá ang gamot malaking lubhâ, Pag ang sakit ay 
maliit ang gamot ay gaga hanip. 
--At tunay bang    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
