sa batok. Sa kulay nang panyo ay napagkikilala ang 
pagkapuno, dahil sa siyang ginagamit na pinakasagisag sampu sa 
kanilang pakay at kataasan. Ang síno mang hindi pa nakakapatay 
(marahil sa digmá), n~g isa man lamang, ay hindi tinútulutang gumamit
ng putong na pulá at kaya't makagamit n~g ikid ó pugong na parang 
corona, ay kung nakápatáy na n~g pitó. Ang pinakadagdág na kasuutan 
ay isang mainam na nakukulayang kumot na isinasalabat sa balikat, 
saka ibinubuhol sa may ibaba n~g bisig, at ang káyong dinaramit ay 
sutla't babarahin. Bagay naman sa paghihiyas ay nangagkúkuwintás ng 
tinanikalang ginto na iniíkid sa liig at ang pagkakákawing-kawíng ay 
gaya ng sa m~ga taga Europa; nangagsusuót sa bisig at 
galang-galangan ng kalombigas (pulsera) na gintong tinipi at may 
anyóng sarisari, na tuloy sinásaglitan n~g mahahalagáng batóng 
kawigin at ágata, puti't bugháw ang m~ga pinakamahál. Anáng iba'y 
gumagamit din ng garing; at sa m~ga daliri naman ay 
nangagsisingsing n~g ginto't iba't ibang bató. 
Sa ibang dako naman (sa katagalugan marahil) ay may kaibhán dahil sa 
nangagbabaro at nan~gagsásalawal ang mga lalaqui, at kung may 
pinaróroonan ó napasa sa simbahan (sa pagparoon lamang sa m~ga 
simbahan, sa akalá ko) ay nananamit n~g isang kasuutang kulay itim na 
kung tawagi'y sarampuli. Ang kasuotang ito'y mahaba na abot hangang 
paa at ang mangas ay makipot na di umano'y isang kasuotang lubhang 
mahinhín. Kung isuot ito ng mga tagalog ay buo at parang sapot, na ano 
pa't sa ulo pinapagdáraan at isang kasuotang karaniwan. Ang m~ga 
babayi naman ay nangagbabaro at nangagsasaya, at kung may 
pinaroroonan (sa pagpa sa simbahan din marahil) ay gumagamit n~g 
isang pantakip sa ulo na abot hangang paa at kulay itim ang 
pinakapipiling kulay, saká nangagtatapis; nguni't ito'y higit na inuugali 
sa katagaluga't kapanayan kay sa kabisayaan. Bukod dito'y 
nan~gaglalagay sila sa buhok n~g pusod na tangalin (postizo) na ang 
ipinang-aalalay ng lalaki't babae ay ipit na ginto ó pilak na may batóng 
perlas_ ó diamante sa pinakaulo, at kung hindi naglulugay n~g buhók 
ang lalaki ay nagtatalí sa noo ng panyô na kung tawagi'i purug at ang 
mga babae namán kung napasasadaan ay nan~gagsasalakot na ang 
tawag sa Bisaya'y sarok. 
Sa lalawigan nang Sambales, ang lalaki'y nag-aahit n~g buhók sa 
harapán ng ulo at sa kaymotan ay nag-iiwan ng isang kumpól na lugáy 
na, aní Rizal, ang ayos na ito n~g pagbubuhok sa Sambales at ang 
pananamit ng m~ga taga Bisaya, ay nahahawig sa kimono_ Hapón, At
ang mga babae sa lalawigang itó ay nan~gagbabaro ng sarisaring 
kulay at nangagsasaya rin, at ang m~ga may mahal na uri ay 
nangagkukundiman, nangagsusutla at nan~gananamit ng iba't ibang 
káyo na pinamumutihan ng ginto at n~g sari-saring gayák na palawít; 
nan~gagkukuwintas ng tinanikalang ginto, nangagkakalombigas 
(pulsera) sa galang-galangan, nangaghihikaw sa tain~ga ng makapal 
na tiping ginto at nangagsisingsíng sa daliri ng ginto rin at sari-saring 
hiyás. 
Sa Katanduanes naman ay nangagsasaya ang m~ga babae ng ayon sa 
ugali ng m~ga taga Bisaya, nan~gagsisigamit ng mahahabang balabal, 
ang buhók ay pusód, na mainam ang pagkasuklay at sa noo'y may 
sintás na nababatikan n~g ginto, na ang luwang ay dalawang dali. Sa 
bawa't tainga ay nakahikaw n~g tatlo, isa sa kaugalian ngayon at ang 
dalawa'y sa may dakong itaás na magkasunód: at marahil ay ang m~ga 
ito rin an sinasabi ni P. Chirino na nagsisipaggayák n~g kakatwa sa 
bukong-bukong. 
Ang mga taga Bisaya naman ay nan~gaggugupit n~g buhók na kagaya 
ng sa dating kaugalian sa España at nangagpipinta sa katawan ng 
sari-saring anyô at kulay. Ang pagkakapinta'y mainam at bagay-bagay 
at anang iba'y hindi lamang katawan ang pinipintahan kundi pati n~g 
baba't kilay. Ang paraan n~g pagpipinta, bago gawín ay ginuguhitan 
muna ng mán~gan~gatha ng akalang maáayo't mábabagay sa katawan 
at gayon din sa pagkalalaki ó pagkababae, saka pinipintahan. Ang 
panguhit na ginagamit ay kawayang parang pincel na matulis ang dulo 
at siyang ipinangduduro hangang sa lumabas ang dugo, saca 
binubúdburan n~g pulbós, ó kung dili ay usok n~g sahing na maitim, 
na kailan ma'y di na mangungupas. Hindi pinipintahang bigla ang 
boong katawan, kundi bahabahagi, at datiha'y hindi muna nagpipinta 
hangang hindi makapapamalas ng anomang katapan~gan. Ang mga 
bata'y hindi nagpipinta ng n~guni't ang m~ga babae ay nagpipinta ng 
Isang boong kamay at ng bahagi n~g ikalawá. Dito sa pulo ng Luzón 
ay nangagpipintá rin ang mga taga Iloko, hindi lamang lubós na kagaya 
ng sa m~ga taga Bisaya. Sa paghihiyás ay nan~gaghihikaw ng 
malalaking hikaw na ginto at garing at nan~gagkákalombigas; sa ulo'y 
nangakakulubóng n~g ukáng Wari turbante_ na may batíkbatík na ginto;
nangagbabaro ng makipot at mahaba na walang liig, at sa harapán 
isinásará. Hindi nan~gagsasalawal, kundi bahág lamang na ibinibigkis 
sa harapán. Ang m~ga babae'y may magagandang anyo't kilos, 
malilinis at, makikisig na lumakad; ang buhok ay maitím mahaba at 
nakapusód, nangakatapi sa baywang n~g kayóng sari-saring kulay at 
nangakabaro ng walang liig; hindi nagsisipagsuot sa paa, n~guni't,    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
