ang 
aliping namamahay at ang aliping sagigilir; itong hulí sa Bisaya'y 
tinatawag na n~galon. 
Ang aliping namamahay ay pinagbibigyan pakundan~gan. Ito'y may 
bahay na sarili; kaya't may pamagat na namamahay, at sa panahong 
kinakailangan lamang naglilinkod sa panginoon, at ang paglilingkod 
na ito ay sa pagbubukid at pag-aani ng kanyang panginoon, at gayon 
din sa sasakyan kung sakaling naglalayag. Kailan~gan din tumulong sa 
pagpapagawa ng bahay n~g panginoon at tuloy naglilingkod sa bahay 
nito kung sakaling may panauhin, ano pa nga tungkulin n~g aliping 
namamahay ang maglingkod sa pan~ginoon kailan ma't kakailanganin; 
nguni't natatangi sa ibang alipin dahil sa may sariling bahay at saka 
hindi naipagbibili. Wala ring namang bayad sa paglilingkod, at sa 
madaling sabi ay siyang mga tinatawag nating kasamá, bataan_, 
kampon, tao at ipa pa. Nakalilipat din naman ang aliping ito sa 
kalagayang timawa ó maharlika kung nagbabayad sa kanyang 
panginoón ng katampatang halaga na ayon sa kaugalian. 
Ang aliping sagigilir ó n~galon ay siyang tunay na alipin na ang iba'y 
sa tanang búhay at sa akala ko'y tinatawag na sagigilir, dahil sa di 
nakalálayo sa gilid ó paligid ng panginoon. Ang pagkakapagíng alipin 
ng mga ito ay dahil sa pagkukulang sa Dato ó pang-ulo, dahil sa 
pagdidigmaan, pakikipag-usapín at gayon din sa pag-uutan~gan at ibp.
Ang mga alipin ito ay siyang pinakamalaking yaman n~g mga tagarito, 
dahil sa nákakatulong silang malabis sa kanilang n~ga bukira't 
hanap-buhay, at ang mga ito'y naípagbibili't náípagpapalit ng isang 
panginoon sa ibang pan~ginoon, n~g isang bayan sa ibang bayan, ng 
isang lalawigan sa ibang lalawigan at n~g isang pulo sa ibang pulo. 
Gayon man, ani Argerzola (sabi ni Rizal), ay hindi lubhang hamak ang 
pamumuhay ng mga alipin itó, dahil sa kasalong kumakain sa dulang 
ng kanilang panginoon at hangang sa naáaring mag-asawa sa kabahay 
ng pan~ginoon, maliban na sa ilang masamang panginoon, na saa't 
saan ma'y di nawawalâ. Nguni't ayon sa salaysay ng ibá (wika rin ni 
Rizal) ay lumubha ang kalagayan ng m~ga aliping ito nang masakop 
ng España ang mga tagarito hangang sa ang iba'y nangagpakamatay sa 
gutom at ang iba'y nangagpakamatay sa lason, at pinatay ng ibang iná 
ang kanilang anák sa panganganák (Basahin ang paaninaw ni Rizal sa 
dahong 295 n~g aklat ni Morga). 
Ang mga anák at inapó n~g m~ga aliping itó, magíng namamahay_ at 
magíng sagigilir ay nagmamana ng kalagayan ng magulang, na siyang 
dating kaugalian sa halos lahat n~g lupaing malayo. At ang pagkaalipin 
nitóng mga aliping namamahay at sagígilir_ ay sari-sari, dahil sa 
mayroong buô ang pagkaalipin, at mayroong kákalahati at mayroon 
namang ikapat na bahagi lamang. Ang dahil n~g pagkakaganito ay 
mababasa sa pangkat ng kaugaliang pinanununtunan sa m~ga 
kapaslangan at sigalutan. 
TALABABA: 
[1] Ang ganitong ayos ng pagkakahiwáhiwalay ng pámunuan dito ay 
minagaling ni Rizal. Anya'y kung napasa kapangyarihan n~g isang 
katao lamang ang pámunuan dito nang panahong yaon at anomang 
bagay ay isásanguni sa isang lugar, ay magiging mabigát sa 
bayán-bayán, at sa akala ko rin, dahil sa nang panahong yaon ay wala 
pa ritong telefono, telegrama at m~ga kasangkapang nagagamit sa 
madaling pagsasangúnian. 
[2] Ani Rizal, ay di malayong ang ganitóng paglalakip ay malaon nang 
inúugali rito, at sa katunayan (anya'y) ang pan~gulo rito sa Maynilá ay 
pinakapangulong General, ng sultán sa Bórneo; ayon sa patotoó ng mga
kasulatan noong siglo XII. 
[3] Ani Rizal ay naáayon sa kautusán n~g katalagahan (naturaleza) ang 
pag-uugaling itó ng m~ga dating pilipino, na higit kay sa mga tagá 
Europa na nawawalán n~g kamahalan ang babae kung nagsasawa sa 
mababa kay sa kanya, dahil sa isinasalalaki lamang ang kamahala't 
kababaan. Anya'y isang katunayan ito na ang mga babae nga rito'y 
pinagbibigyan na mula pa noong una. 
 
=Ikalimang Pangkat.= 
Dating Pananamit At kalinisan sa katawán ng mga tagarito 
Noóng unang dako ang mga tagarito ay magkakaibá ng pananamit; na 
anó pa,t, sa Luzón ay iba sa Bisaya'y iba at gayon din sa ibang dako. 
Ang pagkakáganitó marahil ay sapagka't galing sa iba't ibang dako n~g 
Kamalayahan ang mga tagarito at inugali ng isa't isa ang pananamit sa 
kanikanyang bayang pinangalin~gan. 
Dito sa Luzón (sa ilang lalawigan marahil) ay nananamit ang m~ga 
lalaki ng kanyan (barong azul) na lagpas ng kaunti sa baywang, 
isinasara sa harap, walang liig at maikli ang mangás; nguni't may 
nagsusuot din ng kulay itim. Ang sa mga maginoo'y kulay-pulá at sa 
India pa nangagaling. Bukod dito'y nagbibigkis sa baywang n~g isang 
kumot na tulóy ibinabahag; ang hita'y litaw, ang m~ga paa'y walang 
suót at ang ulo'y walang takip maliban sa isang makitid na panyo na 
mahigpit na itinali sa noó at kimót-kimutan na pinanganganlang potong 
ó putong. Ang putong na ito ay iniiíkid n~g sari-saring paraan, na kung 
minsa'y wari turbante ng m~ga moro_ na walang bunete, at kung 
minsan nama'y nakapulupot na parang kubóng n~g sumbrero. Ang 
nagmámatapáng ay naglálawit, ng m~ga dulo ng panyóng ito na 
pinaáabót hangang    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
