nangaghiyas na nagsisipagkuwintás n~g ginto, nagsisipaghikaw at 
nagsisipagkalombigas. 
Bagay namán sa kalinisan, lalaki't babae at lalo na ang m~ga máginoo, 
ay totoong malinis sa kanikanyang katawa't bihis; nan~gagpapaitim na 
mainam ng buhók na nagsisipaggugo at nagsisipaglan~gis n~g língáng 
may pabangó. Sa n~gipin ay lubhang maingat na lahat, na mula sa 
pagkabata ay pinapantay ng m~ga bato't iba pang mga kasangkapang 
pangkiskis at pinaiitim hangang sa tumanda, na tuloy sinasaglitan n~g 
ginto at nililinis pagkakain at pagkakagising. 
Bata't matanda ay naliligo sa m~ga ilog at sa malaking bangbang na, 
ani Morga'y, kahi't sa anong oras, dahil sa di umano'y inaaring 
pinakamainam na kagamutan: kaya't pagkapanganak (anyá) ng babaye 
ay agád naliligo at pati bata'y pinaliliguan din[4]. At ani Colin, ang 
karaniwang oras na ipinaliligo ay sa pagkalubóg n~g araw, pagkatapos 
n~g gawain at sa pangagaling sa pakikipaglibing na naging kaugalian 
din sa Hapón. Saka kung naliligo ay mahinhing naúupo na inilúlubóg 
ang katawán hangang sa lalamunan na nangagpapakaingat upang 
huwag maging tudláng n~g matá nino man. 
TALABABA: 
[4] Ani Rizal, ay di lubhang mapaniniwalaan ito dahil sa 
pinakaiingatan n~g mga tagarito ang maligo sa tanghali, pagkakain, 
pagká bagong kalilitaw ang sipon at pagka pinápanahón ang babaye at 
iba pa. 
 
=Ikaanim na Pangkat.=
=Kaugaliang pinanununtunan sa mga Kapaslangan at Sigalutan.= 
Palibhasa't ang mga Tagarito ay nan~gamamayan at may mga tatag na 
pamahalaan ó balangay ay may mga hukom at tuntunin ring 
pinanununtunan. 
Itong mga tuntuning pinanununtunan sa kanikanilang balangay ay 
pawang alinsunod sa kanilang m~ga alamat at kaugaliang kinagisnan[5] 
na di binabago at mahigpit nilang tinatalima. Datapuat di umano'y may 
mga pan~gulo rin namang nagsisipaglagda n~g mga kautusan, saka 
itinatanyag sa bayánbayán nang isang mánanawag na pinanganganlang 
Biuhahasan. Sa pagtatanyag, di umano, ay nagdádála n~g isang 
batingaw na tinutugtog upáng mapag-alaman n~g mga tao. 
Ang mga hukom sa mga usapin nila ay ang kanikanilang 
pinakapangulo[6] na kung minsa'y nagiisa at kung minsa'y kasama n~g 
isang datò sa balangay ó n~g isang maginoo sa nayon: at ang pangulo 
sa balangay ay may sakdal na kapangyarihan na maaaring gumawa ng 
ano man na walang sanguni sa iba, at sa ganito, ang magkulang sa 
kanya ay naparurusahan niya ng kamatayan ó pagkaalipin ó 
pagbabayad kaya ng isang gayon. 
Ngunit sa pagmumungkahian at m~ga sigalot n~g magkakasambahay 
ó ng magkakamag-anak ay karaniwang ang matatanda na lamang sa 
nayon ang pinagsasakdalan na siyang humuhusay at ganap na dinidinig 
naman n~g m~ga may sigalot: 
Sa pagpaparusa naman ay walang bilibid ó bilanguang gaya n~gayon, 
kundi ang kaugaliang parusa na inilalapat sa nagkasala ay ang 
pagbayarin n~g isang gayon ó alipinin kaya at kung totoong mabigat ay 
nilalapatan ng parusang kamatayan. At upáng matanto ng manbabasa 
ang mga tuntunin sampú n~g m~ga salang kinalalapatan n~g mga 
parusang nábangit ay aking ihahanay dito sa sumusunod. 
* * * * * 
=Sigalot ng m~ga pan~gulo sa dalawang balangay=
Kung ang mga pan~gulo sa dalawang balangay (na magkasundô 
marahil) ay magkaroon n~g ano mang sigalot ó usap ay pumipilì sa 
ibang balangay n~g isang pangulo na mailalagay nilang pinakahukom 
upang humatol sa kanila n~g walang hilig; sa pagka't bagá man sa iba't 
ibang balan~gay ay may iba't ibang tuntuning pinanununtunan ay halos 
magkakaayon di umano.[7] 
* * * * * 
=Pag-aasawa sa taga ibang balan~gay.= 
Kung ang isang maharlika ó timawà, (maging lalaki maging babae) sa 
isang balangay ay mag-asawa sa taga ibang balangay ay hindi 
makalilipat sa balangay na tinatahanan ng magiging asawa, kungdi 
magbayad ng isang gayong halaga na paratang n~g mga datò. Ang 
paratang na ito ay mulâ sa isang putol na gintô hangang tatlo ayon sa 
paratang ng balangay, bukod pa ang isang paanyaya sa boong 
balangay na aalisan. Kung ito'y hindi ganapin ay maaaring digmain ng 
balangay na aalisan ang balan~gay na lilipatan, malibang 
pagkasunduan na ang mga anák n~g mag-asawa ay hahatiin sa 
kanikanyang balangay. 
* * * * * 
=Katungkulan ng mga kampon sa isang balangay.= 
Ang sino mang kampon ay hindi bumabayad ng buis, nguni't 
napatutulong ng pangulo sa kanyang m~ga kailangan, gaya sa 
pagtatayô ng kanyang bahay ó sa kanyang pag-aani, sa pagbungkal ng 
kanyang bukid, sa paggaod sa kanyang sasakyan at ibp.; n~guni't ayon 
sa salaysay ni Morga ay ibinubuis ng mga kampon ang kanilang naaani 
sa kanikanilang bukiran. 
* * * * * 
=Sa Nakamatay.= 
Ang nakamatay ng isang alipin at humin~gi ng tawad ay hindi
pinarurusahan n~g lubhang mabigat, kungdi pinapagbabayad lamang sa 
panginoon n~g halagá n~g aliping napatay saka hinahatulan ng 
hukom ng iba pang parusang kanyang magalingin. 
Ang nakamatay n~g isang timaua ay kamatayan rin ang parusang 
inilalapat; nguni't kung humin~gi ng tawad ay inuuurong ang gayong 
parusa at ipinaaalipin na lamang sa namatayan. Di umano'y kung 
sakaling salapi ang nagíng kahatulan ay kalahatí lamang ang ibinibigay 
sa namatayan at ang kahahatí ay sa hukom. 
Datapua't ang nakamatay ng pangulo ó maginoo ay pinapatay ng 
walang patawad at ang mga    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
