Buntong Hininga | Page 8

Pascual de Leon
mawiwika
na ikaw'y akin pang
_sinisintang kusa_,
magiging totoo ang iyong hinala
kung ang
puso'y muling hagkan n~g paghan~ga.
Kung muling gumiit ang panghihinayang
ikaw ay muli kong
sisintahing tunay,
ang isa pa'y iyo namang nalalamang
ang
_pagsisisi_ ko'y _pagbibigay_ lamang!

=_Ang panghihinayang_...=
IV.
May ilang araw nang ako'y kalung kalong
n~g bisig n~g dusa't kamay
n~g linggatong
may ilang araw nang sa mata'y nanalong
ang pait
n~g luhang usbong n~g paglun~goy.

Nakikita, mo mang ako'y tumatawa
nama'y tawang pilit at busog sa
dusa,
di lahat n~g n~giti'y lagda n~g ligaya,
may n~giting singpait
n~g luha't parusa.
Ang nakakatulad nitong aking buhay
ay mundong ulila sa sikat n~g
araw,
katulad ko'y isang _prinsipeng_ mayaman
na uhaw at salat sa
aliw at layaw.
Upang pumanatag ang aking pagluha'y
aking kailan~gan ang lin~gap
mo't awa,
awang magbibigay n~g yutang biyaya,
awang sa lungkot
ko'y tan~ging papayapa.
Nasabi ko na n~gang nagsisi ang buhay
sa nais na kita'y
mapagbigyan lamang,
kung susunurin ko itong kalagaya'y
di ka
malilimot hanggang kamatayan.
¿Paano ang aking gagawing paglimot
sa iyong ang ban~go'y higit sa
kampupot?
Sa ganda n~g iyong dibdib, baywang, batok,
ay sinong
banal pa ang hindi iirog?
¿Sa puti n~g iyong kamay na nilalik,
sa m~ga labi mong may pulot at
init,
sa m~ga paa mo't binting makikinis
ay sinong pihikan ang
hindi iibig?
Kung sinusukat ko ang ganda mong ari,
puso ko'y ninibok at
nananaghili,
aking nasasabing _Talo ko ang Hari
kung ako ang
iyong mamahál na tan~gi_!
Ang panghihinayang ang siyang sa aking
puso'y bumabayo't
sumusupilsupil,
kung ikaw'y bigla ko't buong makakai'y
kinain na
kita nang ikaw'y malihim.
Huwag mong sabihin na ako'y gahaman
kung kagahaman n~ga ang
layon ko't pakay,
para ko sabihin ang katotohana'y
walang taong
hindi may _imbot_ sa buhay...

Sakaling sa aki'y ayaw kang manalig
ang lahat n~g sumbat sa aki'y
ikapit,
ang m~ga sumbat mo nama'y itititik
sa dahon n~g aking
lagás na pagibig.
Ikaw'y maniniwalang ang aking pagasa
sa iyo, kaylan ma'y hindi
magbabawa,
sa iyo sisikat ang isang umaga
na dala ang aking
magiging ligaya.
Kung walang tiwala sa aking pan~gako'y
saksi ang halik kong iyong
itinago.
halik na sa iyong pisn~ging maaamo'y
nakintal na tanda
n~g aking pagsuyo.
Kung kulang ka pa ring tiwala buhay,
ako'y magtitiis sa kapighatian,

magtitiis ako, kahit nalalamang
ang _lungkot_ n~g tao'y isang
_karamdaman_.

=_Kung ikaw'y binata_=...
V.
Gaya nang hula ko: ikaw'y untiunting
nalayo sa aki't nagtatampong
wari,
ikaw'y umilap at nabibighaning
ako'y pakanin mo n~g dusa't
aglahi.
Panibagong lungkot na naman ang aking
naragdag sa iyong pihikang
damdamin,
talaga na yatang ang aking paggiliw
ay di matutubos sa
_sala't hilahil_.
Ninanais ko nang ako'y makaguhit
n~g bagong palad kong walang
bahid dun~gis
ay kung bakit ako'y lalong nabibin~git
sa
pagkakasala at ikatatan~gis...!
Hanggang nagiin~gat itong kabuhaya'y
lalong nabubulid sa
kapighatian,
hanggang ninanais yaong kalinisa'y
lalong
dumurun~gis itong kapalaran...

Hindi ko malaman itong nangyayari
sa kabuhayan kong bihag mong
parati,
ang Aklat n~g aking tunay na Pagkasi'y
puno na n~g aking
m~ga pagsisisi.
Aking nalalamang hindi makukuha
n~g pagsisisi ko itong m~ga sala,

n~guni't bayaan mong ang aking pag-asa'y
mag-abang sa iyo, n~g
awa't ligaya.
Kung ikaw'y hindi ko makatkat sa diwa'y
sapagka't _lunas_ ka sa
aking pagluha,
ikaw sa _lungkot_ ko'y kamay n~g biyaya,
ikaw sa
_uhaw_ ko'y hamog na mabisa.
Para ka mawaglit sa aking isipa'y
kailan~gan ko pa ang isang
libin~gan,
at para maubos ang aking kundima'y
magbalik ka muna
sa pinanggalin~gan.
Gaya n~g alam mo: kita'y iniibig
n~g isang pagsintang singlawak n~g
lan~git
n~guni... ano't ikaw'y tila nahahapis
sa pagmamahal kong
wagas at malinis?
¿Nalulungkot ka ba? Di ko akalaing
iyong ikalungkot ang aking
paggiliw,
di ko inasahang _dun~gis_ na ituring
ang pagmamahal
kong may wastong layunin.
¿At kung ikaw kaya ang naging lalaki't
ako ang pinalad na maging
babae,
kung hinahamak ko ang iyong pagkasi
ay ilang puso mo ang
di maruhagi?
Sana'y nalaman mo, kung ikaw'y binata
ang hirap sa mundo nang
lumuhaluha,
sana'y natalos mong ang lalong dakila
ay nagiging
taksil sa laki n~g nasa.
Huwag kang malungkot! Busugin sa layaw
ang uhaw sa iyong aking
kabuhayan,
sa m~ga labi mo, ako'y nauuhaw,
sa m~ga pisn~gi mo,
ako'y mabubuhay.

Kung marun~gisan ka n~g aking pagibig
ay pagibig ko rin ang siyang
lilinis,
at kung nahawa ka sa taglay kong hapis,
hapis mo't hapis ko
ay magiging lan~git.

=_Sa abo babangon_=...
VI.
Sa huli'y natumpak itong aking puso't
natutong tumupad sa aral mo't
samo
titiisin ko nang ang aking pagsuyo'y
malibing sa hukay n~g
pagkasiphayo.
N~gayon ko nalamang ang aking landasi'y
singdilim n~g iyong
tinamong damdamin,
n~gayon ko natalos na ako'y sinupil
n~g
matinding udyok n~g isang paggiliw.
Yamang sumikat na sa puso ko't isip
ang kaliwanagang bumihis sa
hapis,
ay masasabi kong ang aking pagibig
ay handang lumagak sa
pananahimik.
Magmula sa n~gayon, kita'y igagalang
sa n~galan n~g ating
pagkakapatiran,
kinikilala ko itong kamalian
na siyang naglagpak
sa aking pan~galan.
Ituring sa wala ang m~ga nangyari't
iguhit sa tubig ang m~ga nasabi,

ang laki at alab n~g aking pagkasi,
n~gayo'y gawing abo nitong
pagsisisi.
Hindi pagkan~galay n~g aking panitik
ang naging dahilan n~g
pananahimik,
kung hindi sa nasang huwag maligalig
ikaw pa n~g
aking bulag na pagibig.
Napagaralan kong ikaw'y isang talang
kakambal n~g aking
damdamin at diwa,
aking natutuhang tumpak n~ga at tama
ang
m~ga aral mong mahalagang pawa.

Ang m~ga lungkot mo ay aking damdamin
at ang damdaming ko ay
damdamin mo rin,
ang _akin_ ay _iyo't_ ang _iyo_ ay _akin_
at
tayong dalawa'y may isang layunin.
Huwag nang ituring na ako'y kalaban
pagka't nagbago na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.