inang butihin.
Ang luha n~g aking nagsisising puso
Ay hindi nanggaling sa
pagkasiphayo,
Ni sa pagkaapi n~g aking pagsuyo,
Ni sa pagkagahis
n~g isang palalo.
Ang luha ko'y buhat sa di pagkataya
Na ang tao'y mayrong _balon_
n~g parusa,
Ang pagsisisi ko ay bumabalisa't
Bumawi sa akin n~g
aking ligaya.
Talagang ang tao'y sadyang walang tigil,
Namali nang minsa'y ibig
pang ulitin,
Ang tanaw sa _mundo'y mundong_ walang lihim
At sa
_Dios_ ay _Dios_ na di matandain.
Ang mundo n~ga nama'y batbat n~g paraya't
Nagkalat ang silo sa
balat n~g lupa,
Dito kung mayron mang sampagang dakila
Ay may
tinik namang pamutol n~g nasa.
Ang pagkamasakim sa ban~go at puri
Ang isinasama n~g lalong
mabuti,
Ang pagtin~ging labis sa pagsintang iwi'y
Siyang
pagkabagsak n~g isang lalaki.
Oh! _ban~gong_ pan~garap n~g uhaw na puso!
Oh! _puring_
nagbuwal sa lalong maamo!
Kayo ang _berdugong_ may
bihis-pagsuyo
N~guni't iyang loob ay pagkasiphayo.
Ang sabik sa ban~go n~g isang sampaga't
Ang uhaw sa puri n~g
isang dalaga'y
Siyang sumusunog sa kanyang pagasa't
Siyang
nagsasabog niyong m~ga Troya.
Dakilang bulaklak: Ako'y naniwala
Na ang nagawa ko'y
kahiban~gang pawa,
N~gayon ko natantong _birhen_ kang dakila,
May wagas kang puso't banal na akala.
Ako'y naririto't pinagsisisihan
Ang aking nagawang m~ga kasalanan,
Aking babaunin hanggang sa libin~gan
Ang hinanakit mo't
magagandang aral.
Talagang nalisya ang aking pan~garap,
Puso ko'y inabot n~g bagyo
sa dagat,
¿Ano't ikaw pa n~ga yaong binagabag
Gayong ikaw'y
isang _anghel_ na mapalad?
Pawiin sa puso ang m~ga nangyari
At iyong alaming may ban~go
ka't puri,
Samantalang gayon, ako'y nagsisisi
At binabawi ko ang
m~ga sinabi.
N~guni't isang tanong: ¿Kaya ang patawad
Sa namaling puso ay
iyong igawad?
Ang m~ga _luha_ ko'y siyang ihuhugas
Sa
napaligaw ko't nagsisising palad.
=_Ang hamak na palad_...=
II.
Aywan ko kung ikaw'y magtaglay pang awa
sa nagsisi ko nang lakad
at akala,
aywan ko kung ikaw'y kulang pang tiwala
sa m~ga
nasayang at natak kong luha.
Kung natatalos mo ang luhang nasayang
sa mata ko't pusong laging
naglalamay,
sana'y nasabi mong mayrong katunayan
ang dinaranas
kong m~ga kahirapan.
Ang hinanakit mo, sumbat at paglait
ay pawang nakintal sa dila ko't
isip,
at ang ating lihim sa silong n~g lan~git
ay siyang sa aki'y
nakakaligalig.
Pinag-aralan kong ikaw'y kausapin
nang upang ihayag ang buo kong
lihim,
lihim n~g sa wari'y nagbigay hilahil
sa napakabatang puso
mo't paggiliw.
Ang pagtatapat ko'y di mo minarapat
ang kawikaan mo, ako'y isang
hamak,
ang naging ganti mo sa aking paglin~gap
ay isang
_libin~gan_ at _kurus_ n~g hirap.
Ang hamak n~ga nama'y hindi naaayos
umibig sa isang Reyna n~g
Kampupot,
ang _hamak_ na palad ay dapat umirog
sa kaisa niyang
_hamak_ di't _busabos_.
¿Maaari kayang ang isang _granada'y_
maihulog sa di gusto n~g
_princesa?_
¿maaari kayang ang isang sampaga'y
makuha at sukat
n~g taong bala na?
Kay laki n~g agwat n~g palad ta't uri,
ikaw'y isang lan~git na
kahilihili
at ako ay isang hamak na pusali,
ikaw ay sariwa at ako'y
unsyami.
Ang panghihinayang ang siyang nagtulak
na kita'y mahalin n~g buo
kong palad.
Ang panghihinayang ang siyang nagatas
na kita'y itala
sa aking pan~garap.
Kung ikaw sa akin ay walang hinayang
sa aki'y sayang ka at sayang
na tunay,
sabihin na akong kasakimsakiman
at ikaw sa iba'y di
mapapayagan.
Lalo pang mabuting kanin ka n~g lupa
kay sa mahulog ka sa ibang
binata,
¿Iba pa ang iyong bibigyang biyaya
gayong ako'y uhaw sa
iyong kalin~ga...?
Ipinipilit mong tayo'y pupulaan
kung sa lihim nati'y mayrong
makamalay,
¿at sinong pan~gahas ang pagsasabihan.
nitong ating
lihim sa sangkatauhan?
Ako'y nagsisisi't nabigyang bagabag
na naman ang iyong tahimik na
palad,
kundan~ga'y ang iyong ban~gong walang kupas
sa pagiisa
ko'y siyang nasasagap!
Sa kahilin~gan mo, kita'y lilimutin
kahit nalalaban sa aking
damdamin,
n~guni't ang samo ko'y iyong idalan~gin
ang papanaw
ko nang ulilang paggiliw.
=_Gayon man, gayon ma'y _...=
III.
Kung may kasayahan ang tao sa lupa
naman ay mayron ding
pagkabigo't luha.
Kaya n~ga't ang tao, sa aking akala
ay laruan
lamang n~g kanyang tadhana.
Yamang walang taong likas na mabuti't
walang nan~gamaling hindi
nan~gagsisi.
Sa ikasisiya n~g iyong sarili'y
itatakwil ko na ang
aking pagkasi.
Lulunurin ko na sa hukay n~g puso
ang aking yayaong nasawing
pagsuyo,
ipagluluksa ko ang pagkasiphayo
n~g aking pag-ibig na di
mo inako.
Pag-aaralan kong luman~goy sa dagat
na puno n~g aking sariling
bagabag,
pag-aaralan kong lumaban sa hirap
yamang siyang takda
n~g buhay ko't palad.
Aking natatantong walang pagkasayang
sa iyo ang aking maralitang
buhay,
sa iyo'y ligaya ang aking pagpanaw,
sa iyo'y lwalhati ang
_kurus_ ko't _hukay_.
Kung ikaw ay walang hinayang sa aki't
wala pang hinayang sa aking
paggiliw,
ay iyong asahang aking sasapitin
ang ninanasa mong
balón n~g hilahil.
¿Di mo nalalamang itong umi-ibig
sa lahat n~g bagay ay di
nan~gan~ganib,
ang kamatayan ma'y kanyang malalait
kundi na
makaya ang taglay na hapis?
Gayon man, gayon ma'y hindi masisira
sa akin ang iyong hiling at
pithaya,
gaya n~g hiling mo, ako'y magkukusang
maghandog n~g
iyong ikapapayapa.
N~guni't manumbalik kaya ang paglin~gap
sa aking namali't
nagsising pan~garap?
¿manumbalik kaya at hindi kumupas
ang
iyong pagtin~gin sa imbi kong palad?
Iyan ang isa pang di ko ikatulog
gayong nagsisi na ang aking pagirog,
iyan ang sa aki'y nagbibigay takot,
iyan ang sa n~gayo'y di ko
mapag-abot.
Hinuhulaan kong ang iyong paglin~gap
ay magbabago na sa imbi
kong palad,
ang kawikaan mo'y ang isang nabasag
mabuo ma'y
mayrong natitirang lamat.
Sa isang gawi n~ga'y may katotohanan
kung ganyan ang iyong
magiging isipan,
n~guni't alamin mong malinis na tunay
ang isang
maruming nagbago n~g buhay.
Magpahangga n~gayo'y iyong

Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.