ang aking
isipan,
ang puso ko n~gayon ay naliwanagan
pa kislap n~g iyong
mahalagang aral.
Dapat nang lumaki ang iyong pagasa
sa pagliliwayway n~g bagong
umaga,
ang daan mo n~gayo'y puno n~g sampaga't
ang daan ko'y
puno n~g tinik at dusa.
Magkakahiwalay itong ating palad
na gaya n~g Dilim at Haring
Liwanag,
ikaw'y magtatago't... sa pamamanang
at may ibayo kang
gayuma't pan~garap.
Samantalang ako'y tan~ging magtatago
sa utos sa akin n~g Hukóm na
Puso,
sa pagliliwayway ay talang malabo
ang makakatulad n~g
aking pagsuyo.
Napakapait man sa aking pagibig,
kita'y iwawalay sa pitak n~g isip,
sa abo n~g aking papanaw na awit
ay baban~gon itong buhay kong
malinis.
Kung walang tiwala sa aking sinabi'y
saksi ko ang bagu't bagong
mangyayari,
kung muling malisya ang aking pagkasi'y
tugunin n~g
_sumpa_ itong pagsisisi.
III.
ALBUM NG DALAGA...
HANDOG:
=_Kay Bb. Concepcion T. Garcia_.=
_San Nikolas, Maynila_.
Album ng Dalaga...
I.
=_Simula_.=
_La princesita está bella_.
Ruben Dario.
Ipahintulot mo, dalagang mayumi,
Na ilarawan ko ang ganda mong
ari,
Ipahintulot mong awitin kong lagi
Ang kagandahan mong
makahibang-pari.
Bulaan ang madlang balitang _Prinsesa_
Kung sa ganda mo n~ga'y
makahihigit pa,
At para sa akin, ikaw'y siyang _Reyna_
N~g m~ga
kapwa mong masamyong sampaga.
Ang kaharian mo'y iyang kagandahan,
Ang m~ga buhok mo't matang
mapupun~gay,
Ang paa't pisn~gi mo ay siya mong yaman.
Sa dalang ugali, ikaw'y isang birhen,
Kamia ka sa ban~go't sa
pagkabutihin,
Sa hinhi'y sampaga't sa ganda'y... tulain.
II.
=Ang mga buhok mo=..._
_Tu pelo es una nube del Oriente_.
Salvador Rueda.
Ang m~ga buhok mo'y mahahabang ahas
Kung nakasalalay sa iyong
balikat,
M~ga ulang waring di lupa ang hanap
Kundi sampagitang
humahalimuyak.
Sa itim ay gabing walang buwa't tala,
Sa haba ay halos humalik sa
lupa,
Sa lago'y halamang malago't sariwa,
Sa sinsi'y masinsin at
nakahahan~ga.
Naging katulad ka niyong Penelopeng
may timtimang pusong
miminsang kumasi't
Ang naging aliwa'y luha't paghahabi.
Sa haba n~g iyong buhok nakilala
Ang kadalisayan n~g pagkadalaga
At ang kahabaan n~g isang pag-asa.
III.
=_Ang mga mata mo..._=
_Cantar quise tus ojos_.
=Campoamor=.
Nang ikaw ay bago sumipot sa lupa'y
Ipinanghiram ka n~g mata sa
tala,
Dalawang bituing sa hinhi'y sagana
Ang naging mata mong
mayaman sa awa.
Sa m~ga mata mo'y aking nasisilip
Ang bughaw na pilas n~g
nunun~gong lan~git,
Mababaw na dagat ang nasa sa gilid
Na ang
naglalayag ay pusong malinis.
Di ayos matalim, ni hugis matapang,
Ni hindi maliit, ni di kalakihan,
Ang m~ga mata mo'y maamo't mapun~gay.
Kahinhina't amo ang nan~gan~ganinag,
Kalinisa't puri ang
namamanaag,
Umaga ang laging handog mo sa palad.
IV.
=_Ang mga pisngi mo_=.
_Naciente luz te corona_.
Espronceda.
Ang lahat n~g buti'y natipon na yata
Sa kabataan mong ilag sa paraya,
Pati n~g pisn~gi mong pisn~gi niyong saga
Ay nakahihibang at
nakahahan~ga.
Ang m~ga pisn~gi mo'y malambot, maamo,
Mayumi, manipis at
hindi palalo,
Ang san~gahang ugat kahit humahalo,
Ay
napapabadha't... di makapagtago.
Kung ikaw'y hindi ko dating kakilala
Ako'y mamamangha kung
aking makita
Ang m~ga pisn~gi mong wari'y gumamela.
Naiinggit ako sa paminsanminsan
Sa dampi n~g han~ging
walang-walang malay,
Pano'y kanyang-kanya ang lahat n~g bagay..!
V.
=_Ang mga labi mo_=.
_Los labios del arcangel en sus labios_...
Menendez Pelayo.
Ang m~ga labi mo ay dalawang lan~git,
Lan~git-na di bughaw, ni
lan~git n~g hapis,
Labi n~g bulaklak na kapwa ninibig
Labing
mababan~go, sariwa't malinis.
Labi n~g sampagang may pait at awa,
Tipunan n~g pulót, tamis at
biyaya,
Sisidlang ang lama'y kaban~guhang pawa,
Pook na tipanan
n~g hamog at diwa.
Tagapamalita n~g lihim n~g puso,
May _oo_ at _hindi_, may _tutol_
at _samo_,
May buhay at palad, may tula't pagsuyo.
An~g m~ga labi mo'y may pulót na tan~gi
Kung iyan ang aking
pagkaing palagi'y
Talo ko ang lahat, talo ko ang Hari.
VI.
=_Ang mga kamay mo_=.
_Pudiera yo tu mano de azucena
Besar solo una vez_..!
Heine.
Aywan kung mayron pang hihigit sa kinis
Sa m~ga kamay mong
biluga't nilalik,
Garing na mistula sa puti at linis,
Sa lambot ay
bulak, sa ganda'y pagibig.
Ang m~ga daliring yaman mo't biyaya
Ay di hugis tikin, ni hubog
kandila;
Ang ayos at hugis ay bagay at tama
Sa sutla mong palad na
laman n~g diwa.
Ang makakandong mo't maaalagaan,
Ang mahahaplos mo't
mahihiranghirang,
Ang kahit patay na'y muling mabubuhay.
Mahagkan ko lamang ang iyong daliri,
Sa kapwa makata, ako'y
matatan~gi
At marahil ako'y isa na ring Hari.
VII.
=_¡Ang mga paa mo..!_=
_Tus pequeños pies
Son tropos
Para mis piropos_.
Machado.
Takpan ma't ipikit ang m~ga mata ko
Ay naguguhit din ang m~ga paá
mo,
Paang mapuputing nakababalino
Sa isip at buhay n~g
payapang tao.
Paáng makikinis at makaulul-palad,
Ang hubog ay bagay sa laki mo't
sukat,
Ang m~ga sakong mo'y may pulang banayad,
Ang m~ga paá
mo'y singlambot n~g bulak.
Parang m~ga paá n~g nababalitang
Cleopatra at Leda n~g panahong
luma,
Pano'y m~ga paáng sa ganda'y bihira.
Naiinggit ako sa bawa't yapaka't
siyang nagsasawa sa paá mong
hirang,
¿Ano't di pa ako ang maging tuntun~gan?
VIII.
=_Wakas..._=
_Tan dulce, tan bella,
tan tierna, tan pura._
J. de dios Peza.
Talagang natipon ang lahat n~g buti
Sa kabataan mong di pa
kumakasi,
Ang lahat n~g yaman n~g isang babae
Ay nasa sa iyong
sariwang parati.
Nasa sa iyo n~ga ang lahat n~g bagay,
Ang ban~go, ang tamis, ang
kasariwaan,
Ang yumi, ang awit, ang uri, ang kulay
Ang hamog,
ang sinag, ang tuwa't ang buhay.
Ikaw'y pagpalain, dalagang mapalad,
Ang kagandahan mo'y aking
ikakalat
Sa silong n~g lan~git, sa Sangmaliwanag.
Kung may naghahanap sa

Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.