gloriang ualang pagcatapos.
Saca napaalam matanda,i, nalis na at si Juang Tamad iniuan na niya, sa canyang oyayi nahilig pagdaca cartilla,i, tinangna,t, canyang binabasa.
Uala siyang tahan nang quinabubuclat fojas nang cartilla,i, nababasang lahat, na ang sinasambit sa canya,i, igauad nang Dios na Am�� yaong graciang uag��s.
Saca yaong tatlong cabanalang lub��s na dapat sunurin nang tauong cristianos, inuulit ulit na uicang mata��s na manampalataya,t, manalig sa Dios.
At yaong icatlo ay pacaibiguin ang Am��ng Maycapal sambahi,t, purihin, ang capoua tauo,i, sintahi,t, ibiguin para nang pag-ibig sa sariling atin.
Salit salit itong canyang binabasa touing bubuclatin sulat na cartilla, naguing ganting p��la ay binigyan siya bat��ng encantadong lubhang mahalaga.
Mahabang panah��ng canyang in~gat-in~gat ni sinoma,i, uala na na cacamatyag, bilin nang matanda,i, canyang guinagan��p pag mamahal niya,i, ualang macatulad.
Nang siya,i, mabigyan niyong Nuno niya bat��ng encantadong perlas ang capara, isang arao n~gani na icacain na sa bat��,i, humin~gi nang isang comida.
At uinica niyang icao aquing bat�� na bigay sa aquin matandang Nuno co, icao ay mag handa n~g putahing husto na aquing cacani,t, nagugutom aco.
Ualang liuag liuag lumabas na agad ang isang lamesa,t, casangcapang lahat, sari saring lutong man~ga masasarap nacaliligaya sa mat��ng mamalas.
Dumul��g na siya at agad cumain man~ga catouaa,i, di sucat sabihin, saca nang matapos ang ipinag turing icao aquing bat�� ligpitin n~gayon din.
Nasunod na lahat man~ga cahilin~gan lamesa at lahat agad nang naparam, pag papasalamat niya,i, ualang hangan sa matandang Nunong sa canya,i, nagbig��y.
At di na umuli na humin~gi siya tiniticman lamang bat��ng encantada, ang nasoc sa loob inaala-ala baca mamalayan nang magulang niya.
Sa capan~gilagan na baca malining ang ugaling dati ang guinagaua rin, sa touing tanghaling oras nang pagcain ay ualang pag sala,t, siya ay darating.
Yaong canyang am��,i, dinatnan nang damdam hindi macaalis na mag hanap b��hay, guilio niyang in�� loob ay mapanglao ualang macacain ala alang tunay.
Juan ang uinica niyong canyang in�� icao baga buns�� ay paano baga, am�� mo,i, may saqu��t ay saan cucuha nang ating cacanin cundi mag hanap ca.
Sumag��t si Juan o�� po In�� co houag pong manimdim ang bahala,i, aco, hindi mauaualan nang cacanin tayo humin~gi po lamang sa Poong cay Cristo.
Totoo n~ga yaon ang uica nang in�� at tayo,i, sa Dios lub��s umaasa, dapua,t, cun hindi mag tatrabajo ca di ca rin bibigyan cun nacaugmoc ca.
Umuling sumag��t sa in�� si Juan di n~ga po bibigyan cun hindi maalam, cun ang ating loob manalig na tunay humin~gi ma,t, di man ay caaauaan.
Cahulugan in�� nang ipinagturing tauo,i, cailangang sa Dios ay hin~gin, bago mag trabajo,i, dapat manalan~gin humin~gi nang aua,t, nang maquinabang din.
Houag pong manimdim mahal na in�� co di po mauauala ang aua ni Cristo, malac��s po lamang yaring catauan co ay mag tatrabajo,t, macaquita aco.
Salamat cun gayon dapat n~gang asahan palibhasa,i, uala cundi icao lamang, quita mona itong ating calagayan na ualang di uala at cahambal hambal.
Doon sa tubigan icao,i, pumaroon cahima,t, bitoo,i, manglimot ca roon, lacad nang madali,t, houag malalauon at ang iyong am��,i, lubhang nagugutom.
Naparoon siya at hindi sumouay tuloy nag dala pa nang sadyang sisidlan n~g siya,i, sumapit sa catubiganan may ilog na isang canyang tatauir��n.
Tumiguil na roo,t, di tumauid siya doon manglilimot ang nasang talaga, linibot ang ilog nag mamalas siya n~g man~ga bitoo ay di macaquita.
Di nalauong oras cagyat sa sisip��t ang man~ga bitoo na dala nang agos, natoua,t, ang uica,i, salamat sa Dios may madadala na sa in��ng nag-utos.
Hindi natatanto niya,t, naaalman ang bitoong yaon ualang man~ga laman, na tapon nang tauong man~ga balat laman ay siyang sinaguip isina sisidlan.
Yumao na siya,t, lacad ay matulin ang toua nang loob di sucat sabihin, sa pag mamadali halos na liparin ang canilang bahay agad nang marating.
Ano,i, n~g dumating maquita nang in�� ang toua nang loob ualang macapara, salamat ang uica,t, macacacain na may maiuulam may saqu��t mong am��.
Sa pag mamadali ni Sofia naman ang casi,t, esposo,i, quinagugutuman, hindi natatanto,i, ilinutong minsan ang m~ga bitoo,i, balat ualang laman.
Hinan~go sa palloc niyong maluto na saca pa naalman~g man~ga balat pala, ang uica sa an��c ay cun baquin baga man~ga ualang laman ano,t, nanglimot ca.
Sa dalauang mat�� luha,i, bumalisbis nalumbay ang loob at siya,i, tuman~gis, boong acala co at lulan nang dibdib may ma-iuulam ang esposong ibig.
?Ay! baquit ca caya naman nagca gayon pumulot nang balat na sa tauong tapon, sa tubiga,i, di ca pal�� nag tutuloy bitoong marami doon naroroon.
Hindi na tumutol sa uica nang in�� nag balic na muli na nag madali na, tumauid nang ilog at hinanap niya ang quinalalagyan bitoong lahat na.
Natagpuan niya yaong caramihan nanglimot na siya,t, lagay na sisidlan, ano,i, nang mapuno,i, umoui na naman at ang ala ala in��,i, nag-iintay.
Natoua ang loob nang siya,i, dumating ang uica,i, ito n~ga bitoong magaling, linuto pagdaca,t, caniyang inihayin sa sintang asaua ay ipinacain.
Sa aua nang Dios at V��rgen Mar��a niyong macacain nag tam��ng guinhaua, inulit cay Juan niyong canyang in�� baquit sa primero,i, balat ang dinala.
Ang cay Juang Tamad na ipinag

Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.