Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia | Page 4

Not Available
na Am��,i, caya nagpalagay gloria,t, infierno na pag pipilian.
Ang tauo sa mundong inap�� ni Eva anomang ibiguin pahintulot niya, cun caya nag lagay ay laang talaga sucat pag palagyan pagdating nang ora.
At ang letrang =a=, bilang catapus��n cahulugan naman ay inyong paquingan, pagdating nang arao na tayo,i, hucum��n mayama,t, mahirap paparehong tunay.
Sa Dios ay uala na malaqui,t, muntic at ualang marunong ualang ignorantes, uala namang Papa,t, ualang Cardenales paparehong lahat pagdating nang guhit.
Narin~gig na ninyo lahat cong binaybay di na dapat yata na aco,i, mag-aral, hindi macasag��t in��,i, natiguilan at pauang totoo ang man~ga sinaysay.
Ani Juang Tamad umoui na cayo sa bahay in�� po,t, doo,i, ualang tauo, houag pag pilitan na paalsin dito at dito po nama,i, ualang basag-ulo.
Ang in�� ni Juan tantong nagtataca sa man~ga sinaysay tungcol sa cartilla, ganitong cabata,t, di nag-aaral pa ano,t, naalaman tanang significa.
Anhin co ang letra,t, siya,i, tinuruan caya naquilala ang man~ga pan~galan, ay baquit naalman dalang cahulugan sulat na cartilla quinapapalagyan.
Sa ganitong ito ay pahat pang pahat sasampuo pang ta��n dinadalang edad, natutuhan itong casaysayang lahat biyaya nang Dios na sa caniya,i, lagac.
At saca umalis canyang iniuan na habang lumalacad n��luha ang mat��, aco ay paano uala ang asaua saca ang an��c co ay di macasama.
Yaring catauan co caya ay paano na caaua aua ang calagayan co, ?oh V��rgen Mar��ang In��ng masaclolo matiis co rin po ang hirap na ito!
Itong aquing an��c na iisang tunay dapat casamahin sa gabi at arao, touing magugutom siya,i, saca lamang na naparirito,t, pagcain ang pacay.
Macapangyarihan na iisang Dios lauitan nang aua ang palad cong cap��s, alalayan mo po mahina cong loob na houag din nauang madaig nang tucs��.
Bugtong niyang an��c na si Juang Tamad na nasa sa pul�� sa loob nang gubat, ang canyang cartilla,i, laguing hauac hauac binabasa niya at buclat nang buclat.
Ang pagbasa niyang inuulit ulit ?oh Dios na Haring aquing iniibig, hulugan mo aco nang biyayang bait at biyayang graciang ualang caholilip!
Saca isusunod hulugan mo aco nang biyayang aua sa pagca higa co, ipanatag mo po yaring catauan co sa ligayang lubos ilay�� sa tucs��.
Macapangyarihang Am��ng maauain bigyan mo po aco nang aquing cacanin, sa pagca higa co,i, idulot sa aquin iinuming tubig naman ay gayon din.
Cun siya,i, in��p na niyong pagca higa sa canyang oyayi siya ay babab��, sa pag mamadali nagcacandadapa pupunta sa in��,t, mag papacabuya.
At cun macatapos siya,i, macacain aalis na muli pul��,i, tutun~guhin, hihiga pagdaca sa oyaying baguing matutulog siya nang himbing na himbing.
Ano,i, nang dumating yaong canyang am�� agad itinanong sa esposang sinta, ang buns��ng an��c co,i, nasasaan baga baquin uala rito,i, di co naquiquita.
Sa casi,t, esposang isinag��t naman nang macaalis cang quinaumagahan, macaban~gon aco,i, uala,t, cun nasaan at nag balic pala sa dating tahanan.
?Ano caya Dios? ang uica ni Fabio gayon ang ugali nang anac cong buns��, marami rin naman na naquiquita co, caiba at tamad di tumahan dito.
Sag��t ni Sofia ay mabuti naman at doon ay uala na macacaauay, cun palaguing sama sa man~ga laroan ay macacausap nang sino,t, alin man.
Caya houag mo nang piliting hanapin ang tamad na tauo,i, anhin man at anhin, sintang esposo co,i, pamanhic at hil��ng aguantahin mo na,t, talaga sa atin.
Hindi na tumutol nang anoman siya sinunod ang hil��ng nang casi,t, esposa, mag mula na noon silang mag-asaua lumagay ang loob di na alintana.
Sa touing darating na gustong cumain ni anoma,i, uala silang sasabihin, pinapara nilang uala sa panimdim panatag ang loob sa Dios ay hayin.
Ito namang an��c ay di nag tatanong at anoma,i, uala na inioon~goy, sa canyang tahana,i, laguing naroroon sa oyaying baguing humiga,t, buman~gon.
Mana,i, isang gabi na catahimican sa oyayi niya ay nagugulaylay, himbing nang pag tulog siya,i, linapitan nang isang matanda,t, cagyat na pinucao.
Juan ang uinica icao ay gumising at aco sa iyo ay may sasabihin, nag ban~gon pagdaca ang sag��t ay baquin ano po ang gusto ibig cong malining.
Tinatatap quita caya naparito at cucumustahin ang calagayan mo, mahaba nang arao pagtahan mo dito di nag caca pulong icao man at aco.
Nuno po,i, malaqui tinangap cong toua tinatatap ninyo calagayang ab��, maraming salamat Dios ang mag pala pagcalooban din tayo nang biyaya.
Sa matandang sag��t dito sa cay Juan pagtahan mo dito,i, nag-iisa lamang, icao,i, bibigyan co,t, pagcacalooban isang bat��ng munting perlas ang cabagay.
Iniabot niya cay Juan ang bat�� at pinag bilinang ang uica,i, ganito, pacaiin~gatan at mamahalin mo houag masasabi sa alin ma,t, sino.
At ang bat��ng iya,i, ang virtud na dala anomang hin~gin mo,i, agad bibigyan ca, pacamamahali,t, in~gatan mo siya houag masasabi sa ama mo,t, in��.
Tumangap nang touang hindi ano lamang pag papasalamat niya,i, ualang hangan, nuno po,i, sa inyong caloob at bigay ano cayang aquing igaganti naman.
Sag��t nang matanda,i, houag cang manimdim at anoma,i, houag may alalahanin, anopa,t, ang aquing muli,t, muling bilin dati mong ugali houag babaguhin.
At halos dagdagan pag tauag sa Dios pa pag-alabin mo puso sa pag-irog, pag papalain ca,t, gagantihing lub��s loualhating
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 19
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.