turing in�� po,i, di baga yao,i, bitoo rin di ninyo sinabi at ipinalining bitoong may lama,i, siya cong cucunin.
Ang uica sa canya,i, icao pala naman di naquiquilala bitoong may laman, lumuti,t, may taquip iyong tatandaan cun icao ay aquing muling pag utusan.
Cayo po ang tacsil ina,t, hindi aco di liniliuanag cun mag utos cayo, di dapat sisihin acong an��c ninyo ualang casalanan at na sasa inyo.
Sa ganitong pulong at pag uusapan asauang may damdam naquiquinig naman, nag uica,t, sinabi na may catouiran esposa cong sinta ang an��c tang iyan.
Sag��t ni Sofia sa casi,t, esposo sa an��c tang iya,i, nag tataca aco, di naman marunong at ualang estudio cun baquit maalam parang abogado.
Tingnan mo esposo,t, aquing sasabihin nang na sasa pul��ng aquing cacaonin, sulat na cartilla,i, sinaysay sa aquin tanang significa ay ipinalining.
Di sucat mamangha ang puso mo,t, loob sa canitang an��c maalam at tal��s, pag quinacasihan niyong Poong Dios daig pa n~ga,t, talo ang nan~gag estudios.
Salamat sa Dios ang uica nang am�� at di man nag aral may sinimpang ciencia, cahimanauari ay ituto siya sa capayapaan na toua,t, ligaya.
Sa usapang yaon nang canyang magulang hindi umiimic cahit caputoc man, anopa,t, ang puso,i, tumatangap naman nang galac na toua ayon sa sinaysay.
Ano,i, nang matapos ang canilang pulong sa am��,t, sa in�� ang uica ay gayon, man~ga loob ninyo,i, houag malingatong at mag hahanap na mag pamula n~gayon.
Maguing ilang arao siya ay nalis na reino nang Portugal ang canyang pinunta, ang nasa nang loob at ticang talaga balang hanap buhay papasucan niya.
Nang dumating doo,i, di rin nag hahanap uala siyang gaua cun hindi humicap, ang pagcain niya ay sa bat��ng in~gat doon humihin~gi pag dating nang oras.
Sa lugar na ualang sucat macaquita siya,i, paroroon bato,i, tatangnan na, saca sasabihing daling mag handa ca n~g comida,t, aco ay nagugutom na.
At pagcacatapos siya,i, macacain ang uica sa bat��,i, madaling ligpitin, inaala ala ay baca malining nang capoua tauo na sino ma,t, alin.
Nang maguing sanglingo itong nacaraan pagca tahan niya sa reinong Portugal, isang hating gabi,i, na catahimican bat��ng encantado,i, quinuha,t, tinangnan.
At sinabi niyang icao aquing bat�� na bigay sa aquin matandang Nuno co, daluang sacong bigas sa ami,i, dalhin mo para cacainin nang am��,t, in�� co.
Gayon ang pan~gulam ay iyong samahan sundin mong madali,t, huag cang magculang, nang oras na yaon agad naganapan sinunod nang bat��ng canyang casangcapan.
Ano,i, nang maguising ang am�� at in�� daluang sacong bigas naquita pagdaca, sa guitna nang bahay at may casama pa na isda at ulam loob ay nag taca.
In��ng si Sofia ay agad namanglao malaquing totoo dalang gunamgunam, ang esposong sinta,i, canyang tinauagan aco ang uinica,i, hindi mapalagay.
Ito,i, saan galing na bigas na ito taglay cong pangamba,i, malaquing totoo, baca ito,i, dala nang an��c tang bunso pinagmulan nito ay ala-ala co.
Ang paquiramdam co cataua,i, malamb��t hangan di co ito matanto,t, matal��s, asaua cong sinta sa gusto co,i, sunod nang di alinlan~gan ang puso co,t, loob.
Icao ay umoui,t, pumasoc sa reino ang man~ga tindaha,i, pauang libutin mo, na cun may nangyaring anoman at ano hindi masasarhan ang bibig nang tauo.
Sa sintang esposa si Fabio,i, sumunod umoui sa reino at nag libot libot, siya ma,i, may roon na dala ring tacot na hindi mauala pan~gamb�� nang loob.
Nang ualang maquitang man~ga capulun~gan ni balitang hugong tungcol sa nacauan, cun dito,i, may roong tindahang naualan hindi malilihim pilit maaalman.
Lumagay ang loob umahon na siya sa Visadang villa tumun~go pagdaca, ano,i, nang dumating bati ni Sofia ano ang lacad mo n~gayo,i, magsabi ca.
Ang sag��t ni Fabio esposa cong irog ang bagay na yao,i, ualin mo sa loob, lahat nang tindahan ay aquing nalibot ualang nanaualan houag cang malungcot.
Man~ga calumbayan ni Sofiang sinta nang matanto yaong sabi nang asaua, nasaulang muli para nang dati ca an��c niya lamang siyang ala-ala.
N~gayo,i, sanglingo nang nacaalis dito di pa bumabalic na guilio na aco, saan cayang lugar yaon napatun~go baquin di hanapin sintang asaua co.
Ang sag��t ni Fabio,i, houag cang manimdim cun hindi narating aquing hahanapin, di baga,i, nang malis paalam sa atin mag hahanap b��hay cacainin natin.
Totoo n~ga yaon sangayonan quita mag hahanap b��hay nang paalam siya, una,i, ang pag guilio saca ang isa pa maalman ang bigas cun saan quinuha.
Hindi na natuloy si Fabio,i, naghanap cagy��t sa darating ang canilang an��c, nan~gag comustahan saca siniyasat cun sinong nagdala daluang sacong bigas.
Aco po ang sag��t mahal na in�� co ang siyang nag utos nag padala rito, at ala-ala co,i, magugutom cayo pinag hanapan po ang ibinili co.
An��c co,i, cun caya hindi mapalagay loob co,i, palagui na may gunamgunam, at hindi mauala pag aalinlan~gan pinag mulan nito,i, ibig cong maalman.
Diyata,i, cun gayong pinag hanapan mo malaqui ang toua nang puso,t, loob co, anong colocacion tanong co sa iyo ang pinapasucan ay anong trabajo.
In�� po,i, bala na na nacacayanan na iniuupa nang sino,t, alin man, pinapasucan co,t, macaquita lamang maiisustento sa man~ga magulang.
Sa iyong tinuran oh buns�� cong

Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.