ulo ay tila isang tao; nguni't bakit 
maputi? At bakit magkakatao rito? 
Lumapit si Semel at lubos nalinawan! Katakataka! Tao nga; buhay o 
patay? Nakaupo, na hubad; nakasandig sa pader ng simbahan, hindi 
gumagalaw. Ang magsasapatos ay sinidlan ng takot at nasabi sa sarili: 
--Pinatay; hinubdan ng damit at inihagis dito; kung lapitan ko ay baka 
ako pa ang mapahamak. 
Kanyang linagpasan, tinalikdan na sa kanyang paningin ang taong yaon. 
Makaraan ang sandali, ay lumingon siya at nakita niyang ang tao'y 
lumayo sa pader at gumalaw na wari tinititigan siya. Sa tuwi-tuwi na ay 
lalu siyang nahihintakutan, nag-antanda ang magsasapatos at tinaya ang 
kanyang kalooban kung uurong o tatakas. 
Kung siya'y lapitan ko,--dinidilidili niya--di malayong ako'y 
mapahamak. Ano kayang tao ito? Tila mandin masama; dadaluhungin 
ako at ako'y hindi maliligtas. Kung hindi man ako patayin ay hahalayin 
ako. Gayunman, hindi ako makapaghuhubad upang bihisan ko siya, 
upang ipagkaloob ko sa kanya iring tanging suot. Magtutumulin ako. 
At dinalas ang hakbang. Pagdaka'y napatigil sa daan,--Anong inaasal 
mo sa sarili. Anong gagawin mo? Namamatay ang isang tao at iyong 
kinatatakutan at nilalayuan. Mayaman ka na ba kaya? Natatakot ka 
bang mawalan ng kayamanan? Ano, Semel, ito'y hindi magaling. 
 
II 
Pagdaka'y bumalik si Semel sa simbahan at tinungo ang tao. Pagkalapit 
ay minasdang maigi. Ang taong yaon ay bata pa at may mabuting 
katawan. Wala namang anumang bugbog na nababakat sa kanyang 
katawang hubad, nguni't nanginginig sa ginaw at parang nagulat. Sa 
pagkasandal sa pader ay hindi tumitingin kay Semel; sa pagkahiya 
mandin ay hindi man lamang maidilat ang mga mata. Tinunghan ni 
Semel at agad nabuhay ang loob ng taong yaon, idinilat ang mga mata, 
inilingon ang ulo at minasdan si Semel. 
Pagkamalas ng magsasapatos ng tinging yaon ay nagtaglay ng pag-ibig 
doon sa taong di niya kilala. Inilapag ang kanyang dalang bota; kinalag 
ang kanyang sinturon at naghubad ng sako. 
--Hala,--aniya,--huwag ka nang magbadya pa ng anuman; magbihis ka; 
madali ka; hala, dali-daliin mo ... 
Tinagnan ni Semel sa bisig yaong di niya kilala, ibinangon, itinayo,
saka minasdan ang kanyang katawang maganda. Maputi at pati nga ng 
kanyang kaayaayang mukha. 
Ipinatong ni Semel sa mga balikat ang sako; nguni't di matumpakan ng 
lalaki ang pag-susuot ng manggas. Isinuot ni Semel, ibinutones, 
nilagyan ng sinturon, inalis ang kanyang gorang sira-sira at isusuot 
sana, datapwa't nakaramdam siya ng ginaw sa ulo at inisip: 
--Ako'y kalbong-kalbo, at siya'y may mahahabang buhok na kulot. 
At muling isinuot ang gora. 
--Mabuti manding suutan siya ng bota. 
At pagkaluhod sa siping nuong lalaki, ay isinuot ang mga bota niyang 
dala. Saka, ng maitindig niya, ay kanyang pinagsalitaang: 
--Ano, kapatid! Hala, gumalaw ka ng kaunti. Ikaw ay magpainit. 
Huwag na tayong magluwat dito. Tayo na. 
Nguni't ang lalaki ay nakatayo pa, di umiimik, malugod na minamasdan 
ni Semel; di makapagbigkas ng isa man lamang salita. 
--Anong nangyayari sa iyo? Bakit di ka magsalita? Hindi maaaring 
magparaan tayo ng taginaw rito. Kailangang umuwi tayo ng bahay. Eto 
ang aking tungkod, iyong tungkurin kung nanghihina ka; hala, tayo na. 
At ang lalaki ay lumakad at di naiwan. 
Sila'y magkasabay at nangusap si Semel. 
--Tagasaan ka? 
--Hindi ako tagarito. 
--Kilala ko ang mga tao sa lupang ito; eh, bakit nasa likuran ka ng 
simbahan? 
At ang tugon ng kasama: 
--Hindi ko masabi. 
--Ikaw baga'y hinarang? 
--Hindi, walang humarang sa aking sinuman; pinarusahan ako ng 
Diyos. 
--Alam na natin, na ang lahat ay galing sa Diyos; nguni't may 
pinagbubuhatan. Saan ka paroroon? 
--Kahit saan. 
Namangha si Semel. Ang taong ito'y walang pagmumukhang masama, 
ang boses niya'y kalugod-lugod, nguni't walang ipinagbabadya na 
tungkol sa kanyang sarili. Inisip ni Semel na may mga bagay na di 
masaysay at pinagsalitaan ang kasama. 
--Sumama ka sa aking bahay at ng mainitan ka.
Nagpatuloy lumakad at sinabayan ng kasama. Humihip ng malakas ang 
hangin at pinaspas ang baro ni Semel. Sapagka't napawi na ang alak, ay 
nagdamdam ng ginaw. Nagmadaling nagbububulong at iniisip: 
--¡Mabuting gawa ito! Mabuting balabal ang dala ko! Ako'y nanaog 
upang bumili ng isang balabal, at sa pagbalik ay wala man lamang ako 
kahi't sako at may dala pa akong isang taong hubad. Di nga ako 
katutuwaan ni Matrena. 
Si Matrena, ay ang kanyang asawa. Sa ganitong pag-aala-ala kay 
Matrena ay nagulomihanan si Semel; nguni't paglingon niya sa kasama 
ay naalaala niya yaong tinging ipinamalas sa kanya mula roon sa 
simbahan at muling nagdamdam ng kagalakan sa kalooban. 
 
III 
Ang asawa ni Semel ay nag-ayos ng bahay na maaga; nagsibak ng 
kahoy, sumalok ng tubig, nagpakain ng mga bata at kumain pati siya, 
saka nag-isip. Iniisip ang kakanin, nararapat kayang ihanda ngayon o 
bukas. May natitira pang kaunti sa paminggalan; kung si Semel ay 
nakakain na sa nayon at hindi humapon mamayang gabi ay may 
kasiyang pagkain sa kinabukasan. Muli't muling tinignan ang 
nalalabing pagkain. 
--Hindi ako magtitinapay ngayon,--aniya;--saka kakaunti ang aking 
harina; baka    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
