Sa Ano Nabubuhay Ang Tao 
 
Project Gutenberg's Sa Ano Nabubuhay Ang Tao, by Leo Nikolayevich 
Tolstoy This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and 
with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away 
or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included 
with this eBook or online at www.gutenberg.net 
Title: Sa Ano Nabubuhay Ang Tao 
Author: Leo Nikolayevich Tolstoy 
Release Date: April 15, 2005 [EBook #15628] 
Language: Tagalog 
Character set encoding: ISO-8859-1 
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK SA ANO 
NABUBUHAY ANG TAO *** 
 
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and 
Distributed Proofreaders. Para sa pagpapahalaga ng panitikang 
Pilipino. 
 
[Transcriber's note: Mistakes in the original published work has been 
retained in this edition.] 
[Paalala ng nagsalin: Hinayaang manatili sa edisyong ito ang mga 
pagkakamali sa orihinal na pagkakalimbag.] 
 
Sa Ano Nabubuhay Ang Tao 
I 
KATHANG-SALAYSAY NG KONDE LEON TOLSTOY NA 
NASALIN SA WIKANG KASTILA AT ISINALIN NAMAN SA
TAGALOG 
NI 
SOFRONIO G. CALDERON 
Ikaw ay yumaon ... at malalaman mo: 
I. Ang sumasatao; II. Ang hindi ipinabatid sa tao; at III. Ang 
bumubuhay sa tao. 
M. COLCOL & Co. 
Publisher 878 Rizal Avenue, Manila 
 
SA ANO NABUBUHAY ANG TAO 
 
I 
Isang magsasapatos ay nananahanan sa isang nayon na kasama ang 
kanyang asawa't anak. Sila'y nakatira sa bahay ng isang mujik (may 
pagawaan ng sapatos), sapagka't sila'y walang bahay o lupa man at 
bahagya nang makakita ng kanilang maipagtatawid-buhay. Ang tinapay 
ay mahal, at may kahirapan ang panahon; kung gaano ang makita niya 
ay kanilang pinagkakasiya, siya'y walang anumang tinatangkilik at ang 
kanyang asawa'y wala kundi iisang chuba[1] na totoong luma na. May 
ilan nang taong naghahanap ng salapi ang magsasapatos upang maibili 
ng mga balat ng tupa at ng kanyang magawang bagong chuba o 
pambalabal. 
Ng panahong tagulan ay nakatipon ng kaunti, ng tatlong rublo na 
kanyang naingatan sa sisidlan ng kanyang baba (asawa). Sa kapit 
nayon ay may nagkakautang sa kanya ng limang rublo at dalawang 
pung kopek [3]. 
Isang umaga ay pinasiyahan ng magsasapatos na maghanap ng mga 
katad. Nagbihis, nagkubong sa ulo ng isang panyo, isinilid sa bulsa ang 
tatlong _rublo_, kinuha ang kanyang tungkod at pagkatapos na 
makapag-agahan ay yumaon. 
Sisingilin ko sa muhik ang limang _rublo_,--aniya,--idaragdag ko rito 
sa tatlo, saka ko ibibili ng mga katad na magagawang chuba. 
Pagsapit sa kanyang sinadyang nayon ay tinungo ang bahay ng muhik. 
Ang muhik ay nakaalis na: at ipinangako na lamang ng baba na sa 
linggo ring yaon ay dadalhin ng kanyang asawa ang kuwarta, nguni't 
walang ibinigay.
Sa ibang bahay ay ipinagtapat sa kanya na walang maibabayad, kundi 
dalawang kopek muna. Iniisip ng magsasapatos na siya'y makauutang 
ng mga katad; datapwa't di siya pinagkatiwalaan ng maytinda. 
Bayaran mo ako,--ang sabi sa kanya,--at pumili ka ng iyong ibig, 
sapagka't alam na namin kung gaano kahirap ang maningil. 
Hindi nga nangyari ang panukala ng mag-sasapatos; wala naman siyang 
dala, liban na sa dalawampung kopek na kanyang nasingil sa pagtatagpi 
ng isang _valenki_[1] na sa kanya'y ipinagawa. 
Sa sama ng kanyang loob ay napasa isang tindahan ng alak at iniinom 
ang kanyang dalawampung kopek saka yumaong walang dalang katad. 
Ng umagang yaon ay di siya nakaramdam ng ginaw at subali ay 
nainitan pa, dahil sa pagkainom ng alak. Sa kalasingan ay tignan ninyo 
at pinaiikot ang tungkod at isinasaksak sa mga dakong pinamumuuan 
ng tubig; natutuwa at pinapipihitpihit sa kanyang mga kamay ang mga 
_valenki_; at nagsasalita ng ganito: 
Wala man akong chuba o balabal ay naiinitan ako, sapagka't tumungga 
ako ng kaunting alak; ang tiyan ko'y busog sa alak; anupang 
ipangangailangang ko ng isang balabal na pampainit? Nilimot ko ang 
aking karalitaan; ako'y isang tao lamang; walang kabuluhan sa akin ang 
lahat. Ako'y makapamumuhay na maigi ng walang balabal; hindi na 
ako gagamit niyan kailanman. Ngunit totoong daramdamin ng aking 
asawa at may matwid. Ipinaghahanap-buhay namin ang mga _mujik_, 
pakinabangan nawa nila ang aming kapaguran. ¡Teka! Di mo ako 
dinalhan ng kuwarta. ¡Maraming salamat! ¡May Diyos! Sulong ..." 
Ganyan ang pagbabayad ng dalawampung kopek lamang. Anong 
mapapakinabang sa dalawampung _kopek_? Itungga ng alak at wala na. 
Saka sasabihing "¡Ang hirap!" ¡Aha, aha! ¿Ang hirap ko nga? Ikaw ay 
may bahay, may hayop at lahat ng kailangan, at ako'y walang anuman. 
Ikaw ay may kinakaing bunga ng iyong lupa, at ako upang kumain ay 
kailangang bumili; kailangan ko'y tatlong rublo sa bawa't sanlinggo; 
kung dumating ako sa bahay ay wala nang pagkain at maggugugol pa 
ako uli ng isang _rublo't_ kalahati. Pagbayaran mo nga ako ng iyong 
utang. 
Papaganito ang kanyang anyo hanggang sa nakarating sa tabi ng isang 
simbahan, at may namataan sa likuran nuon na wari maputi. Gumagabi 
na at ang magsasapatos ay nagkantitignan. 
Anong naroon? Wala namang batong maputi. Baka ba kaya, yaon?
Hindi, hindi mandin baka. Ayon sa    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
