at gaano man ang hirap, ay lumacad na siya, 
casama si Jesus at si María; datapua nahapis ang caniyang pusó, 
pagdating sa Judea, at ang dinatnang Hari ay si Arquelao, anac nang 
lilong si Herodes, at hindi siya tumahimic at naligaya, hangan sa 
pinagsabihan nang Angel na si Jesus at si María ay dalhin niya sa 
Galilea, at doon sila tumahan sa Nazaret. 
Tingnan natin at isaloob cailan man ang pan~gin~gilag ni Jesús sa 
man~ga pan~ganib, cahit siya ay Dios na nacapangyayari sa lahat, nang 
tayo ay matutong lumayò at man~gilag sa m~ga pan~ganib nang 
pagcacasala.
=ICAPITONG DOMINGO.= 
Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong si Jesús ay 
nauala at hinanap, at sa icatlong arao ay naquita sa templo nang 
Jerusalen. 
Sa Comunion nitong icapitong Domingo ihain ang pusó cay Jesús, 
María, y Josef, at ticahing gaoin at ialay taón taón itong devocion nang 
pitong arao na Domingo. 
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa 
Purgatorio, na sa buhay na ito ay nanatili sa naturang devocion. 
Pagninilay sa icapitong Domingo. 
Alinsunod sa ugaling hindi sumasala taón taón, ay dumalao sa templo 
nang Jerusalen si María at si Josef casama ang Niño Jesús, na ang edad 
ay labin dalauang taón, at sa pagdalao na ito ay natirá sa templo si 
Jesús, at hindi namalayan ni María at ni Josef, cundi niyong sila ay 
dumating sa bahay, at ang mahal na Niño ay uala. 
Hindi lubhang catacataca ang nangyaring ito, sapagcat sa panahong 
yaon ang man~ga lalaqui ay nabubucod sa man~ga babayi sa loob nang 
templo, at sa pag lacad naman, at ang man~ga batà lamang na para ni 
Jesús ang nacahahaló, cun saan nila ibig, cayá inisip ni María na si 
Josef ang casamang umaacay sa Niño, at inisip ni Josef na ang Niño ay 
hindi lumalayo sa mahal niyang Ina. 
Hindi n~ga casalanan ó capabayaan ni María at ni Josef, ang pagcauala 
ni Jesús, cundi calooban nang Dios, nang lalong magnin~gas, at 
madalisay ang pag ibig nila. Nalumbay si María, at nabalisa at nahapis 
si Josef, sa hindi maisip cun ano ang dahilan nang pagcauala ni Jesus, 
at cun ano ang nangyayari; datapua hindi dumaing, at hindi nasirá ang 
loob niya, at malaquing ligaya ang quinamtan sa icatlong arao nang pag 
lalacad casama si María, sapagcat naquita nila sa templo si Jesús, na 
nacaupô, at naquiquipagsagutan sa man~ga pantas, na nagpulong doon, 
at lubhang nagtataca sa mataas na carunun~gan nang batang caharap.
Iamó natin sa pamamaguitan ni María at ni Josef, na huag tayong 
mahulog cailan man sa casalanang mortal, nang huag mauala sa atin si 
Jesús, at siya ay mapanood sa calualhatiang ualang han~gan. 
Man~ga salitang nagpapaquilala nang malaquing aua at 
capangyarihan nang Patriarca San Josef sa man~ga biyayang 
nacamtan nang man~ga mauilihin loob sa caniya. 
 
=SA UNANG DOMINGO.= 
1. Dalaoang religiosos nang órden ni San Francisco, na nag lalayag sa 
dagat na malapit sa Flandes, ay dinatnan nang caquilaquilabot na samâ 
nang panahon, at sa dahas nang vaguió, ay tatlong daang tauo ang 
napahamac sa nasira at lumubog na sasaquián; n~guni sa auà nang Dios, 
ang naturang dalaoang religiosos ay nacatan~gan sa isang cahoy nang 
sasaquiang nabacbac, at sa paninimbulang yaon ay tatlong arao silang 
lumutang-lutang sa malaquing pan~ganib, sapagcat cun mauala ang 
cahoy sa cahinaan nila, ó sa hampas n~g alon, ay ualang sala ang pag 
lamon n~g dagat sa canila. Sa caguipitang iyon ay naalaala nila, at 
lubos na inasahan ang macapangyarihang tulong ni San Josef, na dating 
quinauiuilihan nang canilang devocion: nanalan~gin sila, at napaampon, 
at humupâ naman ang han~gin, at humusay ang panahon, at tumahimic 
ang dagat, at sila ay umasang macaliligtas. At nalubos ang canilang tuá 
sa pagpapaquita nang isang calugodlugod at mahal na bagon tauo, na 
bumati sa canila, at nagpalacad na parang piloto sa cahoy na 
quinalalaguian nila, at sila ay nagcapalad na madalíng sumapit sa lupá. 
Nagpatirapâ ang dalauang religiosos, at napasalamat sa magandang 
loob, na nag ligtas sa canila at sa pagpapahayag n~g tunay na paquilala 
nang biyayang tinangap ay tinanong nila ang bagontauo, cun sino siya, 
at ang bagontauo ay sumagót nang ganito: Aco ay si Josef, cun ibig 
ninyong gumaua nang caonting macalulugod sa aquin, arao arao huag 
sumala, ay magdasal cayó nang taimtim sa loob nang pitong Ama 
namin, at pitong Aba, Guinoong María, alaala at ganti sa pitong sáquit 
at pitong ligaya, na totoong dinamdam nang aquing pusò at caloloua, 
niyong aco ay nabubuhay sa lupá, casama ni Jesus at ni Maria. 
Pagcapan~gusap nang ganoon, ay nauala ang bagontauo, at sila ay
lubhang natuâ, at nalubos ang pag ibig nila, at pagnanasang maglingcod, 
hangang nabubuhay, sa maualhating Pintacasi. 
Sa nangyaring ito ay naquiquita natin ang pagtatapat, at madaling 
pagtulong ni San Josef sa man~ga mauilihin loob sa caniya, cun siya ay 
tinatauag sa man~ga hirap at pan~ganib, at ang cagandahan nang loob 
niya    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.