Buntong Hininga | Page 2

Pascual de Leon
aking pag-giliw
ay isang pulubing
dumadaing-daing
na sa kanyang taghoy at pananalan~gin
ay
walang maawang maglimos n~g aliw!
VI.
Kanyang sinusubok ang aking pagsuyo,
kanyang tinatarok ang luha
n~g puso,
kanyang binabasa sa pamimintuho
yaong katunayan n~g
sinamo-samo.
VII.

Samantalang ako'y tumatawag-tawag,
lumuluha-luha sa gitna n~g
hirap,
ay walang kapiling maging sa pan~garap
liban sa anino n~g
m~ga bagabag.
VIII.
Ulap n~g hinagpis, ulap n~g parusa
ang nagpapasasang aking
dinadama,
n~guni't kaylan kaya sa aking pagsinta'y
ang ulap na
iya'y magiging ligaya.
=¡ANG LUHA NG HIBANG=.....!
Ayun, tumatan~gis! Ayun, lumuluha't
tumataghoy-taghoy na
nakaaawa.
Malasin ang hibang, ang sira ang diwa,
ang taong
nanan~gis sa gabing payapa
na minsa'y maiyak, at minsa'y matuwa.
Malasin ang ayos n~g kahabaghabag
n~g pusong dinusta n~g
kanyang pan~garap;
malasin ang luha, ang luha n~g palad,
ang
luhang nagmula sa kanyang pagliyag
na pinagkaitan n~g tamis n~g
lin~gap.
Tuman~gis na muli! At saka humibik
na mandi'y puputok ang latok
na dibdib;
kanyang ipinukol ang mata sa lan~git
kasabay ang
sabing:--"¿Kailan pa sasapit
ang mithing ligaya n~g aking pag-ibig"?
"¡Oh! Diosa n~g aking yaman n~g pag-asa,
¿kailan mo tutubsin ang
puso sa dusa?
¿kailan papalitan n~g tunay na saya
ang nagluluksa
kong ulilang pagsinta
na nananambitan...!"--at saka tumawa.
Ha! ha! ha! oh! irog! Aking paraluman,
hantun~gan n~g aking buong
kabuhayan!
kung hinihiling mo'y tulang tula lamang
n~g upang ang
dusa'y minsang mabawasan,
naito't dinggin mo ang tula n~g buhay.
"Halika! halika! Tangapin mo n~gayon
ang tula n~g aking pusong
lumalan~goy;
basahing madali't dingging mahinahon
ang hibik n~g

bawa't talatang nanaghoy,
ang awit n~g palad, ang sigaw, ang tutol.
"Oh! pusong maramot! Pusong mapang-api,
walang awang tala sa
pagkaduhagi,
halika! ha! ha! ha! ang dilim n~g gabi,
ang halík n~g
han~gin ay pawa kong saksí
sa panunumpa kong kita'y kinakasi.
Halika't sinagin sa luha n~g puso
ang kulay n~g aking sinimpang
pagsamo,
halika't basahin sa pamimintuho
ang gintong pan~garap
n~g aking pagsuyo
na nananawagan hanggang masiphayo",

. . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . .
Dito na
natapos yaóng panambitan,
dito na naputol ang pananawagan
n~g
sira ang bait, n~g ulól, n~g hibang,
n~g pusong ginahís at pinagkaitan

niyang luwalhating katumbas n~g buhay.
¡Anóng hirap pala n~g gawang humibik
sa isang ayaw mang
tumugo't makiníg!
¡Anóng hirap pala n~g gawang umibig
lalo't
aapihín sa silong n~g lan~git
n~g hiníhibikang pinapanaginip.....!
=¡KURUS AT LIBIN~GAN..!=
(PAMAMANGLAW)
(Irog: Kung ang kalungkutan
ko'y tinutugon n~g iyong
damdamin
ay pamuli't muling
basahin mo lamang ang
awit na ito. At ako'y
talagang
may ugali na _matapang_ sa
likod, at _duwag_ sa harap.)
I.
Narito't malasin itong kalagayan
At tutop ang noó sa kapighatian,

Aking binabakas yaong kasayahang
Nasulat sa dahon nitong
kabuhayan.
II.
Hindi makakatkat ang m~ga talata
Na tikóm sa guhit n~g m~ga
biyaya,
At kung mayroon pang tagistis n~g luha
Ay luhang

nanggaling sa pagkariwara.
III.
Sa aking kalupi, sa aklat n~g palad
Ay may m~ga bagay na
nan~gasusulat,
Diyan makikita ang mukhang may hirap
At pusong
malaong lunod sa pan~garap.
IV.
Diyan mamamalas ang isang larawang
Sipi sa ulila't payapang
libin~gan,
Diyan makikita ang dusta kong buhay
Na sawang-sawa
na sa kawáy n~g hukay.
V.
Hindi ko matalos itong nangyayari't
Ang namamalas ko'y dilím na
parati,
Bulo sa pagsuyo, bigo sa pagkasi,
Kurus sa baunan n~g
naduduhagi.
VI.
Sa pinto n~g puso'y nanawag na lagi
Ang tinig n~g dusang
nakaaaglahi,
Parang nananadyang sa aki'y bumati
Ang labi n~g
hirap, tinik, dalamhati.
VII.
Nais kong umibig. N~guni't natatakot
Na ako'y umibig at saka
lumuhog,
Pagka't nan~gan~gambang sa aki'y matapos
Ang lahat
n~g aliw nitong Sangsinukob.
VIII.
Wala nang parusang gaya n~g tuman~gis
Sa harap n~g isang hindi
umiibig,
Wala nang parusang gaya n~g tumitig
Sa sun~git n~g
dilím n~g gabing tahimik.

IX.
Sukat na sa akin ang ako'y malagak
Sa pamamangka ko sa ilog n~g
hirap,
Sukat nang masabing lagi kang pan~garap.
At matitiis na ang
pasang bagabag.
X.
Walang kailan~gang mamatay sa dusa
Huwag ang bawiin ang
pagkikilala,
Aking katuwaan kung ikaw'y makita
Sa piling n~g aliw
na di magbabawa.
XI.
Aking matitiis na sarilihin ko
Ang lahat n~g pait sa buhay na ito

Kahit ang magtimpi'y halik n~g simbuyó
Huwag ang abuting ikaw
pa'y magtampo.
XII.
Ipalalagay kong masayang aliwan
Ang namamalas kong kurus at
libin~gan,
Sapagka't sa aki'y darating ang araw
At diyan uuwi ang
hiram kong buhay.
XIII.
Di ko pinupukaw ang pagkamapalad
Niyang iyong buhay na bagong
ninikat,
Ikaw ang bituwing takpan man n~g ulap
Ay maghahari din
ang ningning na in~gat.
XIV.
Lamang ang han~gad kong iyong mapaglining.
Ay ang aking lungkot
na di nagmamaliw,
Lungkot na aywan ko kung saan nanggaling

Kung sa m~ga aklat n~g isang paggiliw.
XV.

Matapos mabasa ang awit n~g buhay
Ay limutin mo na ang aking
kundiman,
Sapagka't ayokong mahawa kang tunay
Sa taglay kong
lungkot at kapighatian.
=KUNG AKO'Y SINO=...
I.
Huwàg nang itanong; iyong akalaing
akong naghahayag n~g
maraming lihim
ay isang binihag n~g m~ga hilahil,
isang
kaluluwang busabos n~g lagim,
isang nan~gan~garap sa ganda mong
kimkim,
isang tumatan~gis, isang dumadaing,
isang nagaalay n~g
kanyang paggiliw,
isang umaasang hindi hahabagin.
II.
At kung ako'y sino? Sukat na n~ga sinta!
ako ang tutugon sa mithi
mo't pita...¡
Ninanais mo bang ako'y makilala...?
Kung gayo'y
makinig:--Akong sumasamba
sa iyong larawan sa tuwi-tuwina'y

pusong laging bihag n~g hirap, n~g dusa,
ako ang linikhang uhaw sa
ginhawa't
may ulap na lagi ang aking pag-asa.
III.
At kung ako'y sino? Isang nan~gan~garap
magtamong biyaya sa
iyong paglin~gap...
Isang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.