Buntong Hininga

Pascual de Leon
A free download from www.dertz.in

The Project Gutenberg EBook of Buntong Hininga, by Pascual De
Leon
This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Buntong Hininga
Mga Tulang Tagalog
Author: Pascual De Leon
Release Date: August 5, 2005 [EBook #16446]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
0. START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK BUNTONG
HININGA ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad,
Pilar
Somoza and PG Distributed Proofreaders from page
scans provided
by University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit.]
=BUNTONG HININ~GA=
MGA TULANG TAGALOG

NI
=PASCUAL DE LEON= _(Pasleo)_
_Mánunulat sa páhayagang "Ang Mithi" ("El Ideal")
at kasapi sa
"Aklatang Bayan"_
UNANG PAGKÁPALIMBÁG=
_Limbagang "LA FRATERNIDAD" Ilaya 672, Tundó_
=_MAYNILA, K.P.--1915._=
PANGBUN~GAD
=PANGBUN~GAD=
_Pasleo: Pagdamutan ang
nakayang handog n~g kapatid
sa
kapatid_:
_Tunay at ang mundó'y maginto't mamutya:
may dunong, may pilak,
may ganda, may tuwa,
may puri, may lahi't may bahay... datapwa,

ang lalong maran~gál sa ami'y: ang tula_.

_Ako'y hindi siláw sa ningning n~g ginto;
di takót sa dunong; di gulát
sa tayo;
sa mutya'y di kimi't sa ganda'y di dun~go,
n~guni't sa
dakilang tula'y: yukong-yuko._

_Pano, sa ang tula sa isáng panulat
ay siyang lahat na: dunong, puri,
pilak...
sa isáng makata ang tula'y: ¡lahát-lahát!_...

_Ayán si Pasleo: ayá't ang namana
niyáng Diwa't Puso'y
ipinababasa...
Lahát na'y naritó: apóy, tamís, gandá_...

=_Pedro Gatmaitan._=
_Maynila, Sept., 1915_.
I.
BUNTONG HININ~GA
=BUNTONG HININ~GA=...
Ako'y nagtataka! Aywan ko kung bakit
nagbabago yaring damdamin
ko't isip,
ganyan na n~ga yata sa silong n~g lan~git
ang gawang
mamuhay sa laot n~g hapis.
Aywan ko kung bakit! Sa aki'y pumanaw
ang lahat n~g tamis nitong
kabuhayan,
sa aki'y nag-iba ang lahat n~g kulay,
sa aki'y pag-api
ang lahat n~g bagay!...
Talaga n~ga yatang balot n~g hiwaga,
balot n~g pan~garap at
pagdadalita
ang palad n~g tao kung magkabisala!
Pawang
agam-agam ang laman n~g lupa...!
Walang kilos na di paghamak sa akin,
walang bagay na di anyaya
n~g lagim,
walang dulot na di sa aking panin~gi'y
aninong
malungkot n~g m~ga hilahil.
Aywan ko kung bakit nagbago ang lahat
sa kabuhayan ko't
matimtimang palad;
Samantalang ako'y inaalapaap
ay masasabi
kong: ¡Lahat ay pan~garap!...
=¡HINAGPIS=.....!
I.
Hindi ka na bago! Dati mo n~g alam
ang hindi pag-imik kung
naguulayaw;
ako'y pinipipi n~g aking paggalang,
n~g aking
pagsuyong mataos, dalisay.
II.

Pinunit sa harap upang makilala
ang alab n~g aking sinimpang
pag-sinta,
diyan masusubok ang mithi ko't pita,
diyan masisinag
ang luksang pag-asa.
III.
Wala ka n~gang sala...! Ang kurus n~g hirap
ay dapat matirik sa
dusta kong palad!
Ako ang pulubing sa tinawag-tawag
ay lalong
inapi... binigyang bagabag...!
IV.
Di ko akalaing ang lan~git n~g puso
ay man~gun~gulimlim... biglang
maglalaho,
di ko akalaing sa likod n~g samyo
n~g m~ga sampaga'y
may lihim na suro...!
V.
Animo'y nagtikom sa gayong sandali
ang pintong maramot n~g awa't
lwalhati,
sa aki'y para nang ang kahilihiling
sinag n~g ligaya'y
lumubog, napawi...!
VI.
N~gayo'y pamuli pang umaawit-awit
sa dilag mong kimkim, gandang
maka-Lan~git,
kung may alinlan~gan sa taghoy, sa hibik,
ay
maging saksi pa ang aking _hinagpis_.
¡DALAMHATI!...
I.
Aninong malungkot noong kahirapan
ang buhay n~g tao sa
Sangsinukuban,
ang tuwa't ligaya'y hinihiram lamang
kaya't ulap
waring dagling napaparam.
II.

Ang mabuhay dito'y kapan~gápan~ganib
sa munting paghakbang ay
silo n~g sakit,
umiibig ka na n~g buong pagibig
ay ayaw pang
dinggin ¡ay himalang lan~git!
III.
Hindi ka tatamo n~g bahagyang galak
kundi pa matulog at saka
man~garap,
gayon man, kung minsa'y paos na nanawag
sa
pagkakahimbing ang tinig n~g hirap.
IV.
Sa paminsanminsan, sa aking gunita
m~ga pagsisisi yaong tumutudla.

Bakit pa lumaki't natutong human~ga't
ang paghan~ga pala'y
kapatid n~g luha?
=¡AKO=...!
(... estoy enfermo y pálido
de tanto no dormir...
ACUÑA.)
Puso ko'y malungkot! Malungkot na tila
Ibong walang laya't lagas na
sampaga,
Sa pasan-pasan kong mabigat na sala'y
Lason at patalim
ang magpapabawa.
Ang ayos n~g mundo ay isang kabaong,
Nagtayong kalansay ang
puno n~g kahoy,
Dila n~g halimaw iyang m~ga dahon
At sigaw
n~g api ang in~gay n~g alon.
¡Ano't ganito na ang pasan kong hirap!
¡Ano't ganito na ang aking
pan~garap!
Ang lahat n~g bagay ay napatatawad,
¿Patawarin kaya
ang imbi kong palad?
Gabi-gabi ako'y hindi matahimik
Na parang sa aki'y mayrong
nagagalit,
Ang pasan kong _sala'y_ laging umuusig
Sa kabuhayan
kong di man managinip.
=¡ULAP=...!

I.
Sa aking pagdaing, sa aking pagtawag,
sa sinamo-samo n~g dusta
kong palad
ay palaging dilim at libin~gang ulap
ang hangang sa
n~gayo'y nagiging katapat.
II.
Lahat na'y nabata n~g aking pag-ibig,
lahat na'y nasukat nitong
pagtitiis,
lahat na'y napasan sa silong n~g Lan~git
maging ang
parusang pagkalupit-lupit.
III.
Nagbago ang lahat! Subali't ang sagot
n~g irog at buhay, sa aking
pag-luhog
ay sadyang hindi pa binabagong lubos,
waring inu-uri
ang aking pag-irog...
IV.
N~guni't kaylan kaya sa kanya'y papanaw
ang ulap n~g isang wari'y
alinlan~gan?
at sa akin kaya'y kaylan mabubuksan
ang pintong may
susing katumbas n~g buhay.
V.
Ang nakakatulad n~g
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.