anong sagot ni Soledad?
Pedro.--Tio Agong, pillo ka pala naghain ka pala n~g pag-ibig kay Soledad.
Agong.--He, he, he.... Saragate ka tio Pedro, marahil?binuksan mo ang sulat.
Sa tuina't magtatawanan ang dalawa makikitawa si Bokokoy.
Pedro.--Hindi ko binubuksan kung di binasa sa akin ni?Soledad, dahil sa kilala ni Soledad na marunong akong magkubli n~g lihim, samantalang kanyang binabasa dinadasal ko naman ang sampung utos n~g Dios, n~g marinig niyang ang ika anim na utos n~g Dios na huag makiapid sa may asawa namun~gay ang mata, saka tumawa n~g lihim kaya't tila tinatangap na ang iyong pag-ibig _magtatawanan?maquiquitawa si Bakokoy._
Agong.--Hoy, ?bakit ka tumatawa?
Pedro.--Talagang ganyan iyan, pagnakakita n~g tumatawa?nakikitawa din ha, ha, ha ... Tatawa si Pedro makikitawa si Bokokoy nakita mo na di nakikitawa naman.
Agong.--Aba sien~ga a, dahil sa ang aking pagkaalam, ay?tungkol pipe, siempre bin~gi.
Pedro.--Oo n~ga bin~gi n~ga iyan sa iyon ang kanyang ugali, pag nakakita n~g tumatawa nakikitawa, anong magagawa natin: tawanan mo; pag hindi ka tinawanan talo ako.
Agong.--Hoy, _n~gin~giti si Agong n~gin~giti din si Bokokoy, hahalakhak si Agong hahalakhak din si Bokokoy._
Pedro.--Kaya wala tayong dapat katulun~gin sa pagligaw mo kay Soledad kung hindi iyan.
Agong.--?Saan naroroon si Soledad? _lilin~gon si Pedro?masusuliapan si Soledad na lumalabas._
ESCENA VII.
Pedro.--Naito siya't dumarating Patakbong aalis.
Agong.--Ay! Soledad!
Soledad.--Aba bastos na tawo ito, hindi na kayo nahihiya,?kahit may tawo.
Agong.--Diyan ay huag kayong mag-alaala, pagka't tan~gi sa?iyan ay pipe, bin~gi pa ?Ay Soledad!
Soledad.--Di ka na nan~gimi sa aki'y maghain ?n~g iyong?pagsinta? ?may lahi kang taksil!
Agong.--?Maging sala kaya ang gawang gumiliw?
Soledad.--Sukat na, sukat na,
may dilang matabil.?Dapat mong lin~gapin?ang aking asawa?marunong mag tapat?sa pakikisama,?maguing araw gabi,?tanghali't umaga?trabaho ang ibig?upang guminhawa.
Bag�� man sakali iyong namam��las?sa ibang babae ang ugaling judas?ako naman sana'y huag mong itulad?tatampalin kita....
Bakokoy.--Frefeta Jeremias.
Agong.--?Huag maguing tampal sukdang maging suntok?titiisin ko rin taglay n~g pag-irog?kahit sa n~gayon din buhay ko'y matapos
iibiguin kita.
Bokokoy.--Santo Nicodemus.
Agong.--Ako'y kilanlin mo sa bayan ay tanyag bawa't nasain?ko'y nasusunod agad.
Soledad.--Kung magkaganito matwid ay baligtad, n~guni't huag gawin sa nan~gadidilat.
Agong.--Pag-ibig ko'y tuloy, hindi magagatol pagka't akong?ap?....
Bokokoy.--Malapit lumindol.
Agong.--Ang kahit bumaha n~gayon din n~g apoy, ini-ibig kita yayakapin.
Soledad.--Iilag Ah, lahing Faraon.
Dika na nahiya n~g asal mong iyan?isang may asawa iyong pan~gahasan?bulok ang puso mo, may lahing halimaw?di ka na natutong magbigay pitagan.
Agong.--Itong pagsinta kong nakintal sa dibdib hindi maaampat ano mang masapit ang yakap kong ito, hulog na n~g lan~git hahagkan pa kita....
Soledad.--Halimaw, balawis. Wala kang damdamin tawong walang wasto: marun~gis ang dibdib maitim ang puso: darating ang araw noong pagka pugto n~g gaya mong sakim mapag ap?-ap?. _Tatampalin pagkatampal aalis patakbo._
Bokokoy.--Aray....
Agong.--?Nakita mo ang guinawa sa akin? Pakumpas.
Bokokoy.--Ong ... pailing-iling.
Agong.--Huag kang magsasabi kanino man _pakumpas aalis si?Agong sapolsapol ang mukha biglang tatawa si Bokokoy pagkaalis._
Bokokoy.--Walang hiya pala itong ap?-p? namin dito.
Darating si Lodovico lalabas sa fondo at si Soledad sa kaliwa.
ESCENA VIII.
Vico.--Oh Soledad kailan man ikaw ay na sa aking piling,?hindi ko nakikilala ang kamatayan.
Soledad.--?�� Asaua ko! kailan mang oras di kita masilayan,?tanto akong nalulumbay.
Vico.--Tunay kaya?
Soledad.--Tunay.
Vico.--Kung gayon ay d��nguin.
MUSICA No. 3
Vico.--Kung totoong iyong tinuran
iab��t ang iyong kam��y
Soledad.--Naito aking hirang
at huag ang kamay lamang?kung di pa samp��ng kataw��n
Vico.--Oh laking kaligayahan
Tantoin mo aking guiliw?ikaw ang sasalaminin,?buhay ko man ay mairing?dito magpahangang libing.
Soledad.--Sa oras na masanghaya
nag bulaklak yaring tua?at naparam ang dalita?sa ligaya'y sumagana.
Sol. at Lvo.--Itong ating kaligayahan
waring araw na sumilang?ligaya'y ating kamtan?dito sa pag-iibigan?Anong sarap anong tamis,?ang linamnam n~g pag-ibig?di mandin maiwawan~gis?sa ligaya n~g angeles?Lalo na n~ga't kung kaulayaw?ang sintang minamahal?wari man din tinanglawan?n~g m~ga bitui't buan.
SALITAAN.
Vico.--Asawa ko, kahit ang pagod ko'y halos makaputol n~g?hinin~ga kapag ikaw ay nasa piling naiisbang walang liban.
Soledad.--Kaawa-awa kang tunay sa iyong kasam��, iyo ang?pag-luha, iyo ang pagdaing, iyo ang pagtaghoy, at iyo pa ang damdamin.
Vico.--Hindi magkakagayon at sino ang tawong iyan hoy, ?Sino ka?
Bakokoy.--Sino naman kaya ito. _Kukumpas n~g pagalang._
Soledad.--Iyan ay bagong pasok lamang dito.
Vico.
Soledad.--?Bakit, kaila pa ba sa iyo ang pag uugali niyang?kasama mo? ayaw makikisama kundi sa m~ga in��til, iyan ay pipe.
Vico.--Pasiensia hija iyan ang ugali niyan ?anong magagawa?natin?
Soledad.--Magpahin~galay ka.
Vico.--Oo n~ga aalis.
Soledad.--?Oh Bathala!?Tulun~gan mo akong makapagpamalay?sa aking asawa m~ga kagagawan?n~g kanyang kasama; na may asal banday?sa udiok n~g nasang lubhang tampalasan.?Sugat na maantak n~g sariling puso?ang bigyang damdamin asawang kasuyo?ang bagay na ito'y kungdi ipatanto?masasabing akoy.....
Bokokoy.--Daig kong napako.
Vico.--Sa loob. Soledad.
Soledad.--Nandian na. Aalis lalabas si Pedro.
ESCENA IX.
Pedro.--Bokokoy kukumpas lang si Bokokoy pag akong kausap mo huag kang magpipipe at babasaguin ko ang bun~go mo, ?anong narinig mo?
Bokokoy.--jajaja. Saragati palang tawo iyang amo natin, dapat ba namang.... ibubulong.
Pedro.--Sust, kuidado kahit anong makikita mo huag kang?magsasalita kung ibig mong ikaw mapamahai sa kanya, sapagka't kaya iyan nag-uugali n~g ayaw makisama kung di sa pipe, bulag, bin~gi, at pilay n~g upang masunod ang lahat niyang nais nalaman mong ibig niyan, apoin siya kahit pabalubaluktok ang kanyang gawin.
Bokokoy.--Iyon pala lamang bayaan mo,t, akong bahala.
Pedro.--Ipinatatalastas ko naman sa iyo iyong isang dumating dito ang asawang tunay noong babae at siyang segundo amo dito. Lalabas si Agong Huag kang main~gay at lumabas si Agong?magpipipipihan ka.
Bokokoy.--Oong......
Pedro.--Maniwala ka sa akin na labis n~g buti si tio Agong.
Agong.--Tio Pedro, gahol ito'y huli n~g aking pagdaing

Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.