mo sa akin?
Soledad.--Marahil po'y tanto mo, na kung hindi dahil kay?Ludovico, ay hindi uusbong ang kaniyang kabuhayan.
Pedro.--Oo n~ga, tanto ko, kaya't ang pamarali ni tio Agong, si Ludovico daw ay socio industrial sa pandayang ito.
Soledad.--Madalumat mo po bang ialay sa akin ang kanyang?pag-ibig, madalumat mo po bang nasain n~g Agong na iyan, na ihapay ang puri n~g kanyang pinakikinaban~gan.
Pedro.--Ito'y hindi ko n~ga madadalumat at dapat ko namang?dalumatin, na baka kaya naman ang ibig niyang mangyari, sapagka't si Ludovico ay socio industrial niya sa pandayan, siya nama'y maging socio industrial ni Ludovico sa iyo ha, ha, ha ... ito'y hindi natin masusukat.
Soledad.--Kaya't yayamang sa aking asawa'y wala akong sukat magagawang paraan upang ipamalay sa kanya ang m~ga bagay na ito ikaw na po ang magsabi sa kanya.
Pedro.--No puede ser hija de Dios.
Soledad.--?Hindi ka po ba nahahabag sa aking asawa?
Pedro.--No puede ser hija de Dios. takot na takot ako sa?basagulo, kung iyan ay sabihin ko kay Ludovico at paputukin naman ni Ludovico ang ulo niyan, di pati ako'y hila-hila sa Juzgado.
Soledad.--?Ano po itong sulat na ibinigay mo sa akin?
Pedro.--Si tio Agong ang nagpapadala sa iyo niyan, huag ko?daw pagpapahamakang buksan.
Soledad.--N~g iyo pong matanto babasahin ko sa iyo _bubuksan ang sulat_.
Guiliw kong Soledad: Ga��no kayang pagtatak�� ang tatamuhin n~g iyong mapayapang dibdib na kung sa kalatas kung ito'y matant? ang laki n~g aking pag-ibig.
Pedro.--Samantalang binabasa mo, dadasalin ko naman ang?sampung utos n~g Dios, Luluhod. Ang una ibigin ang Dios na lal? sa lahat.
Soledad.--Ini-ibig kita hangang huling tibok n~g aking?paghin~ga kahi't dios man ang humadlang.
Pedro.--Ang ikalawa huag kang manumpa sa sa n~galan n~g Dios.
Soledad.--Ikaw ang pan~gin~gilinan ko't igagalang.
Pedro.--Ang ikatlo sa lahat lamang n~g lingo at pista ka?man~gin~gilin.
Soledad.--Soledad igagalang kita.
Pedro.--Ang ikaapat igalang mo lamang ang ina mo't ama gayon din ang katwiran.
Soledad.--Mamahalin kita n~g higit sa buhay.
Pedro.--Ang ikalima huag pumatay n~g tawo.
Soledad.--?Ay Soledad! ikaw ang buhay ko.
Pedro.--Ika anim huag kang makiapid sa di mo as��wa.
Soledad.--Ikaw Soledad ang tan~ging numakaw n~g aking puso.
Pedro.--Ang ikapito huag mong nanakawin ang ipinagkakatiwala sa iyo.
Soledad.--Soledad n~g aking buhay ang ninasa kong ito'y hindi mahahadlan~gan kahit ang Dios.
Pedro.--Ikawalo, huag kang mapagbintang sa kapua mo, bago?bago ikaw ang lilo.
Soledad.--Soledad ko, ikaw ang pinagnasaang pagkamatayan n~g aking pag-ibig.
Pedro.--Ikasiam huag pagnasaan ang asawa n~g kapua mo.
Soledad.--Guiliw kong Soledad ikaw ang aariin kong kaisang?puso.
Pedro.--Ikasampu huag mong pagnasaan ang ari n~g iba, lalo na kung iguinagalang ka.
Soledad.--Hahanganan kona ang takbo nang pluma sapagka't ikaw din ang iibiguin ko kahit anong karatnan.
Pedro.--Ang sampung utos n~g Dios dalawa ang kinauuwian:?ibiguin mong iyong kapua gayon din ang Dios, at bayaan mong mamili sila kung alin ang kanilang ibig titindig. Pues iha ikaw ang makapamimili n~g iyong ibig.
Soledad.--Kaya n~ga po tio Pedro, gawan mo po n~g paraan?walin sa kanyang loob ang kanyang nina-nais sa kayo din po ang kaututang dila niyan.
Pedro.--Bueno, pabayaan mo,t, akong bahala.
Soledad.--Siya diyan napo kayo aalis.
Pedro.--Saragating tawo itong si Agong Maria, Maria _lalabas si Maria_.
ESCENA IV.
Maria.--Ano.
Pedro.--Natatanto mo itong si Tio Agong; ibig palang lumigaw dito kay Soledad, Jesus mariosep bakit ko ba naipagtapat dito.
Maria.--?Si Soledad na asawa n~g kanyang kasam��?
Pedro.--Oo.
Maria.--Maniwala kana sasinasabi kona sa iyo,t, ang sinalibad n~g isang laksang iyan e.
Pedro.--Ako pang guinawang taga dala nang sulat.
Maria.--Sinasabi ko sa iyo,t, iyang pagka meketrepe mo ��??Hindi kaba na hihia sa tawo na iyang tanda mong iyan ay pumasok kang ...ow _aambaan n~g suntok_ pag hindi ko pinaaguasa ang ilong mo �� ?Bakit ba sunod ka n~g sunod sa hayop na iyan?
Pedro.--Mangyari ako'y natatakot baka akoy maturang hindi?mabuting kababayan.
Maria.--Naku.....pag hindi ko binalibol ang bun~gan~ga mo ��, ang sukat mong akalain itong aking sasabihin: kung ang tawo bang iyan ay mabuting cristiano, dapat bang pag nasaan ang asawa n~g kanyang kasam��.
LALABAS SI BAKOKO'Y
ESCENA V.
Bokokoy.--Magandang araw po.
Pedro.--?Sino?
Bokokoy.--?Sino puba ang amo dito?
Pedro.--?Bakit?
Bokokoy.--Ibig ko pu sanang manilbihan.
Maria.--?Baka hindi ka makatatagal dito?
Bokokoy.--Tatagal po.
Pedro.--N~g akoy maligtas sa m~ga basagulo ipasok ko ito, hoy ?ano ang pan~galan mo?
Bokokoy.--Bokokoy po.
Pedro.--Dito'y talagang nan~gan~gailan~gan n~g alil��,?datapua't isang alilang pipe, dahil sa ikaw ay hindi pipe tuturuan kitang maging pipe, pagka't ang amo dito ay ayaw makikisama kung hindi sa pipe, bulag, at kimaw na gaya ko; ako man ay hindi rin kimaw nagkikimawkimawan lamang ako, o tignan mo.
Biglang hahampasin sa tiyan si Bakokoy.
Bokokoy.--Aray, ha ha ha.....
Pedro.--?Bueno, ibig mo? iyan man hindi rin bulag.
Bokokoy.--Opo.
Pedro.--Pag sinabi sa iyong ganito _ikukumpas ang kumay sa?mukha_ babayi ang kailan~gan kukumpas uli pag ganito lalaki.
Bokokoy.--Opo.
Maria.--Mabuti, insayuhin mong mabuti iyan at papasok ako?dito sa loob aalis.
ESCENA VI.
Pedro.--?Magkanong sueldo ang ibig mo?
Bokokoy.--Kahi't na po magkano uubo sa loob si Agong.
Pedro.--Humanda ka at nandito na. Lalabas si Agong.
Agong.--Pedro, aha? sino iyan?
Pedro.--Ibig pumasok na alila pinapag-antay ko dahil sa pipe, baka wika ko maibigan mo.
Agong.--Aha, oo kung pipe ay ibig ko n~ga magkano an~g sueldo tanun~gin mo.
Pedro.--Bokokoy.
Agong.--Anong n~galan?
Pedro.--Bokokoy, ayon sa recomendaci��n na aking tinangap.?Hoy, kukumpasan kung magkano ang ibig sahurin magkano ang ibig mong sueldo.
Bokokoy.--Ikukumpas na limang piso.
Pedro.--L��mang piso daw.
Agong.--Comforme ako, hoy _tatampalin sa balikat kukumpasan n~g kahit anong makita huag sasabihin_ huag mong sasabihin ?ha?
Bokokoy.--Ong.... _tatan~gotan~go_.
Agong.--Tio Pedro,

Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.