na hindî mo pagdalaw sa kanyá.... 
--Luhà, lumuhà si Pati n~g dahil sa akin? 
--Lumuhà n~g dahil sa iyó. Pagkâ't kung dî akó namámalî, ay ... tila, 
tila may hináhabol sa iyó. 
--¡Ang puri niyá!--ang náibulóng ni Sawî sa sarili. 
¡Puri! ... mainam na puri ang sa isáng talimusák. 
Samantalang si Sawî ay natítigilan sa m~ga ganitóng pag-íisip, si 
Tamád, sa kanyáng sarili'y walâng hintô namán n~g kábubulóng: 
--¡Talagáng martir ngà ang binatáng itó! ¡iláng sungay ang na sa ulo 
niyá! ¡mahigít pa sa isáng demonio sa impierno! 
Pagkatapos ay hinaráp na pamulî ang kanyáng dinalaw at ang m~ga 
hulíng bigkás: 
--Sawî: bukód sa pasabi ni Pati, ay nárito ang isáng sulat niyáng
ipinadádalá sa iyó.... 
At yumao nang walâng liwagliwag. 
Nanabík si Sawî na binuksán ang liham. 
Doó'y nabasa niyá ang sumúsunód: 
Ibon ko: 
Mag-iisáng linggó na n~gayóng akó'y inúulila mo sa laot n~g mga 
himutók at pagluhà. ¡Isáng linggóng hindî ka mákita, pará sa aki'y 
isáng linggóng pagkamatáy ng Dios! 
_¿Nálimot mo na kayâ ang kulang palad na si Pati? ¿nálimot mo na 
kayâ ang abâng mánanayaw, pagkatapos manakaw ang kanyáng PURI? 
¿nálimot mo na kayâ ang m~ga dakilàng sandalî na dinanas sa kanyáng 
piling? ¿nálimot mo na kayâ ang mga dampî ng labì mong ibinakás sa 
aking mga pisn~gi, m~ga dampîng hanggá ngayó'y nararamdamán 
kong wari'y nag aalab pa sa apóy ng pag ibig? ¿nálimot mo na kayâ 
ang mga sandalîng sinamyô sa aking kandungan, sa nin~gas n~g aking 
mga suliyáp, sa lambing ng aking m~ga n~gitî, sa tunóg n~g aking mga 
halík?_ 
¿Nálimot mo na ba? 
¿Nálimot mo na ba ang gabíng yaón na ikáw ay máhimláy sa mga bisig 
ko na, minsán, makalawá't maikatlóng AWITIN ang m~ga tagumpáy ni 
Kupido? ¿nálimot mo na ba ang sandalîng yaón na iyóng isinimsim sa 
mga labì ko n~g walâng kasingtamís na pulòt ng pag ibig? ¿nálimot 
mo na ba ang mga sandalîng yaóng katasin sa mga labì ko ang alak na 
nakalálasíng ni Kupido?_ 
¿Nálimot mo na ba? 
¿Nálimot mo na ba ang m~ga sandalîng, sa bugsô ng iyóng nag aapóy 
na damdamin ay sinabi mo sa aking: «Pati, ikáw ang pusò ko, ikáw ang 
buhay ko, ikáw ang diosa ko»?_
¿Násaan ang pagtupád sa m~ga ganitóng pan~gakò? 
¡Ay, Sawî! ¡ay, ibon ko! pumarito ka't sa lahát ng oras ay bukás na 
áabutan mo ang haulang nagíng pugad ng ating mga ginintûang 
pangarap n~g ating m~ga ligaya't alíw! 
ANG KALAPATI MO. 
Si Pati, babaeng walâng káluluwá kundî pawàng lamán, ay nátutong 
magtirik ng m~ga karayom sa m~ga talatang itó n~g kanyáng liham, 
mga karayom na siyáng dumurò at sumigíd sa hayop, sa maban~gis na 
hayop, na iníin~gatan in Sawî sa pusò: ang pag-ibig sa kanyá. 
At noó'y isaisáng nagbangon sa alaala n~g binatà ang m~ga gunitâ ng 
nagdaán, parang mga patáy na sa tawag ng Mánunubos ay mulîng 
nagsilabás sa hukay ng libingan. 
At ang ganid, ang ganid na alagà ni Sawî sa kanyáng pusò, ay minsáng 
nagbangon, umangil, pumalág, hanggáng sa si Sawî ay mapatindíg sa 
pagkakáupò at ulit na masabing: 
--¡Pati, Pati, papariyanán kitá!... 
 
=WAKAS=. 
Hating gabí. 
Madilím, maulap ang langit, at ang hangin na animo'y isáng mahabàng 
hiningá, ay kasalukuyang nagn~gin~gitn~git; kayâ't bawà't datnín ng 
kanyáng malakás na hampás ay tumutunóg, umáan~gil na anakì'y 
tumátanggáp n~g isáng ubos diíng sampál. 
Mápamayâmayâ'y bundókbundukang usok ang napatanáw sa malayò. 
Makasandalî pa'y bumuhos ang ulán. 
Mga kulóg na nakabibin~gáw ang dumadagundóng sa lupà, at sa
langit ay nagháhagarán ang matatalím na lintík na anakì'y m~ga 
gintông ahas. 
Sa malapad na liwasan n~g Azcárraga, sa oras na itó ay isáng 
mahiwagàng naglálamay ang napamámasíd. 
¿Sinó siyá? 
¿Sinóng káluluwà ang matapang na naglálamay sa gitnâ n~g ganitóng 
sigwá? 
Nagtútumulin sa kanyáng paglakad, tun~gó ang ulo, at walâng 
lin~góng-likód. 
Ngayó'y dumáratíng na siyá sa tapát ng bahay na nátitirik sa gawîng 
kaliwâ n~g líwasan. Sa bahay na itó'y walâng tumátanglaw kundî ang 
isáng ilaw na kúkutikutitap. 
Hakbánghakbáng na lumun~go sa pintûang noó'y nálalapat pa ang 
dalawáng dahon, n~gunì't nang siyá'y nálalapit na ay siyáng 
pagkabukás nitó sa tawag n~g isáng nakatalukbóng na itím. 
At isáng mukhâ ang sumilip doón, mukhâng babae, ¡ang mukhâ ni Pati! 
--¿Pumarito pa kayâ?--ang tanóng sa mánanayáw n~g aninong 
tumawag sa pintô. 
--Hindî na; marahil ay hindî, pagkâ't umúulán. Tumulóy ka. 
Ang pinagsabihan n~g ganitó ay túluyang pumasok sa loób. 
Samantalà, ang naiwan sa labás, ang unang násumpun~gán natin sa 
haráp ng ganitóng námasdán, ay minsáng napakagát-labì at ang 
nagn~gángalit na turing: 
--¡Oh, tila dinadayà akó! 
At sandalîng natigilan na áandáp-andáp ang loób.
¿Sinó ang kanyáng pinapasok? Kilos lalaki, lalaki sa kanyáng tayô, 
kilos at pangangatawan ... ¡Dinádáyà akó! ¡¡dinayà akó!! Pati, Pati, 
magbabayad ka, pagka nagkátaóng napatunayan ko ang aking 
panibughô! 
At ipinatulóy ang kanyáng paglakad: sandalîng tumigil sa labás n~g 
pintûang pinasukan n~g unang nákita na natin, at pagdatíng doón ay 
marahang nakimatyág. Walâ, walá siyáng máriníg. 
Minsáng    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.