pa ang kanyáng gágawín? ¿Man~gutang? ¿Magsanlâ? 
¿Magpalimós? 
Tila salungát sa pagkatao niyá ang mga ganitóng gawâ. 
N~gunì't ¿paano si Pati? ¿paano ang kanyáng pag-ibig kay Pati? 
Mangyáyaring siyá'y uminóm ng luhà, ng sarilingluhà, bagamá't 
masakláp; mangyáyaring siyá'y magtiís n~g gutom; dapuwà't ¡iwan si 
Pati, iwan pa si Pati! ... Ang gayó'y tunay na dî niyá maáatím, pagkâ't si
Pati ang kanyáng «pag-asa,» si Pati ang kanyáng «luwalhatì,» si Pati 
ang kanyáng «buhay,» si Pati ang araw n~g kanyáng káluluwá, si Pati 
ang init na nagbíbigay siglá, lakás at tibók sa kanyáng pusò. 
¡Oh, si Pati ay isáng halaman at ang pusò niyá'y isáng halamanan! 
At ang halama'y nag ugát at hindî na mangyáyaring bakbakín pa sa 
lupàng kinátutubùan kundî isásabog ang lupàng iyán; ¡at ang lupàng 
iyá'y ang pusò ni Sawî! 
M~ga iláng araw nang siyá'y hindî sumísilay sa bahay ni Pati dahil sa 
dináranas niyáng pananalát. ¿Saán pa siyá magnánakaw n~g pilak na 
ikasúsunód sa pithayà n~g babaeng itó? 
--¡Ah, mabuti ay magsanlâ na! 
At nagsanlâ. 
At naúbusan na namán. 
Nan~gútang: naúbos din. 
At nanghin~gî: gayón din. 
--¡Oh! ¿anó pa ang aking gágawín? 
¿Sumúlat sa kanyáng m~ga magúlang? 
N~gayó'y walâ na siyáng amá, walâ na siyáng iná, ni kapatíd, ni 
kamaganakan. Lahát ay sumawà na sa kanyá. ¡Siyá'y itinatákuwíl n~g 
kanyáng mga pinagkákautan~gan ng buhay! 
¿At sinong banál na mga magulang ang hindî tátalikód sa mga anák na 
paris niyá? 
Lusakin ang kaniláng dan~gál pagkatapos maubos ang pilak na 
kaniláng natipon sa tulong n~g tiyagâ at walâng humpáy na pakikiagaw 
sa masungit na kabuhayan; kaladkarín ang kaniláng pangalan sa 
lansan~gan, payurákyurakan sa bálana, ipakutiyâ-kutiyâ, ¡oh, anóng
gaming-palà sa kaniláng pagmamahál! 
At hindî pa rito lamang humáhanggá ang pagkapariwarà ni Sawî: mulâ 
nang siyá'y magkábaónbaón na sa utang, mulâ nang siyá'y magíng 
maghihin~gì, mulâ nang siyá'y magíng karumaldumal na pag-uugalì, 
ang mga dati niyáng kasama sa páaralán, ang mga dati niyáng kasama 
sa mga pasyalan, ang m~ga dating nagbíbigáy sa kanyá ng pamagát na 
katoto, ay isáisá nang nan~gilag sa kanyá, isá-isá nang natakót, paris ng 
paglayô't pan~gingilag sa isáng may sakít na nakaháhawa. 
At lalò pa mangdíng nag-iibayo ang hapdî ng mga ganitóng kasawîan 
kung siyá'y nakakasalubong sa daán ng mga dating kakilala na 
pagkakákita sa kanyá'y walâ nang ibáng pan~gunang batì kundî ang 
isáng halakhák, ang isáng mutunóg na halakhák, ang isáng n~gitî, ang 
isáng mapagkutiyâng ngitî; ngitî at halakhák na kung minsa'y 
sinásabayán pa ng isáng pagdalirì sa kanyá at n~g mga salitâng: 
--Nariyán ang hampás-lupà. 
Bawà't bigkás na ganitó'y isáng palasô namáng tumitimò't sumúsugat sa 
kanyáng pusò, sugat na labis nang hapdî sugat na labis nang anták. 
--¡Limutin ko na kayâ si Pati! ... ang takót na naisanggunì sa sarili, 
nang minsáng siyá ay náhihigâ na. 
Ngunì't ¡oh, pagkakataóng labis n~g sungit! 
Nang siyá'y na sa m~ga ganitóng paghahakà, ay siyáng pagkáriníg sa 
kanyáng pintùan ng tawag n~g isáng boses na kanyáng ikinápabangon. 
--¿Sinó?--ang tanóng sa tumawag. 
At lumapit sa pintûan na noó'y minsáng bumukás sa tulak n~g 
dalawáng malakás na bisig. 
--¡Si Tamád!--ang nasambitlâ agád ni Sawî nang mákita ang dumatíng. 
--El mismo, ang sagót ng sinambít--akó ngà.
Si Sawî, pagkakita sa taong itó na nagíng sanhî n~g kanyáng 
pagkakápalungì, ay minsáng dinalaw n~g poót, nangunót ang mapalad 
at mataás na noó, nanlísik ang dalawáng matá na nápatulad sa 
dalawáng apóy, at.... 
--¡Tamád!--ang sigáw na kasing-tunóg n~g kulóg--¡láyas, láyas sa 
bahay ko!... 
Nágulat si Tamád. 
¿Bakit gayón ang pagkakásalubong sa kanyá n~g dáting magiliw na 
katoto? ¿anó ang nangyari? 
--¡Tamád! ang nárinig pa niyáng ulit ni Sawî--¡láyas, láyas sa bahay ko 
n~gayón dín! 
Si Tamád, pagkaraán n~g sandalîng pagkakápamanghâ, parang kawal 
na pinagsaulán ng ulirat, pagkaraán n~g unang ulán ng punlông 
kaáway, ay patawá at paaglahìng tumanóng: 
--Chico, chiquito, ¿bakit ka nagkakáganyán? 
--Tamád: huwág nang sumagót. Iwan ang báhay ko n~gayón din. 
--¡Báh, kung akó'y walâng sadyâ sa iyó!... 
--¿Sadyâ? ¿anông sadyâ pa ang sinásabi mo? 
--Akó'y pinaparito niyá--ang matuling sagót n~g bugaw ni Pati--akó'y 
pinaparito NIYA, ang ulit pang nang-lalakí ang boses at sakâ minalas 
malas ang kanyáng kausap na tila bagá warìng sinúsukat ang kanyáng 
m~ga pananalitâ. 
Ang dating namúmulâng mukhâ ni Sawî, noón ay namutlâ. 
¿Sinóng niyá ang sinásabi ni Tamád? ¿Si Pati? 
¡Oh, pan~galang walâng kasingtamís, Venus na walâng kasinggandá!
Nápansín ni Tamád ang ganitóng pagbabago ni Sawî, kayâ't nagpatuloy 
n~g pagsasalitâ. 
--Akó'y inutusan niyá rito upáng sabihin sa iyóng ...--at ang patalím ay 
untîuntîng ibinaón sa pusò ni Sawî hanggáng sa itó'y dumatíng sa mga 
sandalîng humin~gî ng tawad kay Tamád sa kanyáng pagkápabiglâ. 
--Ipagpaumanhín mo, kaibigan, ang aking pagkakámalî: ¿anóng bilin 
niyá ang dalá mo sa akin? 
At buông pananabík na inulit-ulit ang ganitóng tanóng: 
--Ipinagbilin niyá sa akin ang paós at marahang paklí n~g inúusisà --na 
sabihin ko sa iyóng ikáw raw ay nagmámalakí n~gayón.... 
--¡Nagmamalaki!... 
--Kung nálalaman mo kung gaanong luhà, ang itinapon ni Pati n~g 
dahil sa m~ga iláng araw    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.