Itong lahat na damo ay 
tuyo cun gagamitin. 
Ang isang botellang Cremor na bibilhin sa Maynila. 
Ang halagang apat na pisong Maná na bibilhin din sa Maynila. 
Ang timbang anim, ó sangpuong pisong Mercurio na yao,i, bibilhin sa 
Maynila, at itatago sa garrafa. Ang mercurio,i, cailan~gan sa quinagat 
nang asong ol-ol. 
Ang isang botellang Salitre, na pati ito,i, bibilhin sa Maynila. 
Ang ilang Pepita ni S. Ignacio, ó sa Catbalogan. 
Ang ilang caputol na sun~gay nang usa, na sinunog. 
Ang halagang dalauang pisong Ruibarbo, na babayohin at itatago sa
botella. 
Ang isang magaling na timban~gang munti. Cun masama ang 
timban~gan, hindi sucat gamitin, at cun minsan ang gamot na 
titimban~gin doon, ay macacamatay sa maysaquit. Masama naman ang 
timban~gang malaqui, lalo pa cun cacaonti ang titimban~gin doon. 
Ang ilang san~ga,t, ugat nang Bulacan. Ang man~ga san~ga,i, 
gangadaliri calaqui, na pagpuputlinputlin at ibibilad nang malauon 
sampon nang ugat, bago itago sa paliyoc na may taquip na ibibitin sa 
suloc nang cosina. Itong damo,i, cucunin pag natuyo ang bun~ga. 
 
ANG MAHUSAY 
na paraan 
=NANG PAGGAMOT= 
SA MAN~GA MAYSAQUIT 
 
=CAPÍTULO 1.= 
Ang man~ga dahilan iquinapagcacasaquit nang tauo. 
Párrafo I. Ang unang nacacapagcasaquit sa tauo, ay ang calacasan 
nang pag-gaua; yaon bagang tauong nagsasaquit gumaua, na ualang 
tahan arao-arao, na hindi nagpapahin~ga. Cun minsan ang gayong 
tauo,i, manhihina, at manlalata, at maliuag magsauli sa caniyang 
datihang lagay na magaling; cun minsan naman magcacasaquit nang 
_garrotillo ó sintac,_ ó maguiguing ética caya. Datapoua,t, cun hindi 
ma-aari ang di siya gumaua, uminom siya nang suero, ó gatas nang 
baca, ó calabao: ó cun maliuag sa caniya ito,i, uminom nang tubig na 
dinoonan nang sa icatlong bahaguiag suca. Ang man~ga babayi ay 
maraling magcasaquit, gaua nang paghabi, ó pananahi, ó pagdurugtong 
nang abacá, sapagca mahirap ang calagayan nang catauan doon sa
pag-gaua noong man~ga gauang yaon. Ang bagay sa canila, ay manaog 
sa lupa arao-arao, at magtanim nang anomang bagay na damo doon; 
cun gayon ang sin~gao nang lupa, ang paghipo nang man~ga damo, at 
ang paglibang nang loob ay totoong macababauas nang canilang hirap. 
2. Ang nagcasaquit dahil sa cainaman nang pag-gaua, cun minsan 
yungmayayat at natutuyo ang catauan; at ang gamot sa saquit na ito,i, 
ang suero na iinomin nang malauong panahon; saca ang baños nang 
tubig na malacoco; at cun mahabang arao guinaua na ito, ang isusunod 
sa catapusan ay ang gatas nang baca, calabao, ó cambing. Ang man~ga 
bagay na maiinit pati nang matubig ó magatas hindi maigui sa saquit na 
ito. 
3. Mayroong isa pang bagay na cahinaan ó cayayatang dala nang 
caual-an, ó caruc-haan, cun ang hanap nang tauo,i, hindi magcasiyang 
canin: ó cun hindi magaling ang quinacain, ó cun masama ang tubig, at 
saca nahihirapan nang pag-gaua. Ang bagay sa saquit na ito,i, ang 
magaling na cacanin, at ang caonting alac. 
4. Mayroong ibang tauo, na caya nagcacasaquit, sapagca siya,i, 
nagpahin~ga ó napatahan sa quinalalag-yang malamig cun siya,i, 
napagod, at galing sa malaquing gaua: caalam-alam ang masasapit niya 
ang siya,i, urun~gan nang pauis nang catauan. Cun minsan itong 
sin~gao nang catauan na talagang lalabas, ay napapasaloob, at 
nacacahila nang man~ga garrotillo, ética, sintac ó man~ga cólico. 
Marami ang namamatay dahilan dito. Pag sungmasamá ang damdam at 
nahahalata na ang dahilan nang saquit ay ang pagtahan sa malamig, ang 
maysaquit cucunan nang dugo pagcaraca, babañosan nang tubig na 
malahinin~ga, at paiinomin nang bilin sa número 1, na malacoco cun 
inumin. Masamang painumin nang gamot na papauis, at lalaqui ang 
saquit. 
5. Gayon ding pinagmumul-an nang pagcacasaquit ang malamig na 
tubig na iniinom nang tauo cun siya,i, nainitang totoo. Caya cun minsan 
ay nagcacasaquit nang garrotillo, ética, ó cólico: cun minsan 
namamaga ang atay at ang tiyan, ó sungmusuca, ó hindi maihi, at 
parating bibilingbiling sa hihigan, na di macatahan. Ang nagcacasaquit 
nang gayon, cucunang agad nang maraming dugo, saca babañosan sa
tubig na malacoco. Susumpitin ang maysaquit nang tubig na malacoco 
na may caonting gatas; paiinoming parati nang tubig na malacoco rin, 
na ang sa icalimang bahagui ay gatas; cun ualang gatas, paiinumin nang 
bilin sa número 2; lalag-yan naman nang man~ga basahang babad sa 
tubig na mainit-init sa liig, sa dibdib at sa tiyan. 
6. Cun minsan ang tauo,i, inaabot nang ulan sa daan, at ang mabuting 
gauin niya pagdating sa bahay, ay magbihis siya at maligo agad sa 
malacocong tubig nang houag siyang magcasaquit; at cun lag-yan nang 
caonting sabón ang tubig, lalo pang mabuti. Ito lamang gamot na ito 
macacauala cun minsan nang cólico, ó sintac nang tauo pagca nabasá 
ang caniyang man~ga paa. 
7. Ang isa pang iquinasasama nang catauan nang tauo,i, ang pag-inom 
nang alac. Ang tauong totoong ungmiinom nang alac, maraling 
tumanda; cun minsan hinihica, ó namamaga ang dibdib at 
nagcacasaquit nang bagaybagay na saquit, na maliuag mauala, sapagca 
hindi matablan nang gamot ang caniyang payat na catauan. 
8. Nacasasama naman sa catauan nang tauo ang    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.