magbubuig
dito sa Maynila puno ng lansones
cahiman bumaba 
hangang himpapauid
hindi tutulutan ng nunuñgong lañgit. 
Na ang ibubuñga maluoy sa uica
malunot sa sabi't mahulog sa lupa
caya mag tatamo ng mga biyaya
ang baua't maglinang sa mga 
tumana. 
At saca ñga ñgayon uala cahit isa
ang mayroon pusil at may escopeta
ualang cigarrillo, uala namang cuarta
at ang cabuhaya'y lanta pa sa 
lanta. 
Caya ang marapat ¡oh piling catoto....
tayo ay sumagui sa may 
Ermitaño
ó cun dili naman at loloobin mo
tayo ay pumaroon sa 
Byac-na-bató. 
(_Muling magdadaan ang mga mangluluas ng gulay._) 
ICATLONG DIGMA
Lusino, Josefo, Kalingtong, Tomasa, Ideng at ilang maggugulay gaya 
rin nang una. 
LUSINO.--¡Tigni ... mga mamá!... 
JOSEFO.--Masdi ... mga ali!...
ang napadaluhong sa pagca lalaqui
cung mayroon muk-hang ipagcacapuri
sa Dios, sa patria at tauong 
marami. 
Caya ang marapat mga mamang cuan
ang itapong tiñgin cami'y 
balitaan
ng inyong naguita sa buong lansañgan
mula sa cay Cubau 
at ibang daanan. 
TOMASA.--Uala pong balitang sucat na masabi
liban na sa tugué na 
na ipagbili
ng higuit at labis sa halagang dati
sa daan, sa bayan at 
hangang palenque. 
LUSINO.--¡Ali!... hindi yaon ang ibig na turan ng aquing catotong 
cadugtong nang buhay. 
TOMASA.--¿At ano pong bagay? 
LUSINO.--Cami'y balitaan, tuncol sa sundalong inyong na daanan. 
TOMASA.--Mayroon po 
LUSINO.--¿May sundalo ñga po baga? 
TOMASA.--¡Siya ñga po! at na sa Baranca nañgag-uupuan ang 
magcacasama at na sa cay Cubau ... ang canyo't bandera. 
LUSINO.--Cun gayon catoto ay atin munang lisan
ang puno ng 
lanca't masayang batisan
ng upang tamuhin ang pagtatagumpay
sa 
bala ng mauser at iba pang bagay. 
JOSEFO.--Cun siyang magaling.... 
KALINT.--Abata catoto!.... at narito na daw civil at sundalo may
canyon, bandera pimpiang at bombillo. 
LUSINO.--¿Ano ang pasiya? 
JOSEFO.--Magcubli na tayo sa gulod at galas mga cagubatan 
LUSINO.--Ng upang madaquip ating macupohan duag na cazador at 
civil na hunghang. 
IKAAPAT NA DIGMA 
Saca ang pinunong matapang sa patay. 
JOSEFO.--Tanaui!... tanaui't di pa gumiguití
puñgapong sa gubat at 
viga sa lati
ang mga sundalo'y nagcaguiriguiri
ng pagtatacbuhan sa 
lunga'y pag oui. 
¡Sinong mag-acalang ang tayog ng labong
tumuñgo sa lupa ng uala 
pang dahon!...
¿baquin caya baga biglang nalingatong
lahat ng 
casador ng ualang dagundong? 
KALINT.--Marahil ang supot na pinag lalagyan
ng bala't pólvorang 
ipinamamayan
ay punó ng abó't ualang ilalaban
sa ating sundalo at 
bayaning cawal. 
JOSEFO.--¡Di cung macaharap at tayo'y maquita
marahil ang tacbo 
ay laong lalo na
at ang masaguiang tauo, cahoy, vaca
mamatay sa 
ihet at sa pagtataua!... 
¡Hindi co masabi na sa pagcaduag
sa macacalaban na uala pang 
armas
ó sa catacutan na baca mautas
ang hiniñgang tan~gan 
nacacauag-cuag!... 
Sa pagcat ang guilas na ating quilala
sa mga castila na magcacasama
higuit sa bayani at lubhang bihasa
sa paquiquidigma at 
paquiquibaca.
At saca ñga ñgayon ganito ang tacot
sa mga calaban na na sa tugatog. 
KALINT.--Caya ang marapat ihiñgi cay Santos
ng bala at pólvora 
ang búroc ng itlog. 
LUSINO.--¿Baquin caya baga ninasang mag tago
sa bañgin at gubat 
ng higuit sa pugo. 
ICALIMANG DIGMA 
Josefo, Lusino at Kalintong 
JOSEFO.--Dahil sa balita na biglang lumago sa pitak ng dibdib at na 
abang puso. 
LUSINO.--Ang magaling nito tayo ay gumaua
muog na mataas, 
matibay na cuta
sa tabi ng daan at piling ng langca
ng may 
pañgublihan ating mga digma. 
Ng hindi mañganib sa tunog ng canyon
añgil ng mauser, siclab ng 
remington
sadyang pagtibayin at sa mga burol
ay may daang lihim 
na di manunuynoy. 
JOSEFO.--Maiguing acala. 
LUSINO.--Caya ang magaling
barreta at pala ñgayon din ay cunin
sa _Real batería_, at, ang unang hucayin
ang baybaying yaon. 
(_ituturo_) 
JOSEFO.--Dito ipapaling
Pagcat may lusutang bañgin at batisan
sa 
luasan at hulo, sa caliua,t, canan
at may mga cahoy na lubhang 
malabay
na macalililim at may tatanauan. 
Caya ang mainam ay mayroong isa
sa cahoy na ito na may larga-vista
ng upang mamalas at caniyang maquita
lahat ng darating na 
macacabaca.
Ang tatanod dito ay cung bababa man
ay pahahalili sa isang 
matapang
na di natatacot sa mga asuang
diwata at tictic, nuno,t, 
mangcuculam. 
LUSINO.--Cun gayon catoto iyong ipag-utos sa mga bataang ganap na 
sumunod. 
ICAANIM NA DIGMA 
Sila rin, si Tibó at ang cawal. 
JOSEFO.--¿Nañgasaan cayo? 
TIBÓ.--Cami po'y lincod sa lahat ng bagay na maipag-utos 
JOSEFO.--Ang tactac at punque, pala at barreta
ay inyong caunin na 
magcacasama
tuloy na ilaquip ang palihoc at caua
ng may 
paglutuan itong ating tropa. 
TIBÓ.--Sa lilim nang atas cami,i, uma ayos (_aalis_) 
KALINT.--Cahimanauari, sa inyong pag sunod sa utos ng puno cayo,i, 
mga tampoc at ang mga butse'y humiguet sa manoc. 
IKAPITONG DIGMA 
Lusino, Kalingtong, Tibó at ang cawal. 
TIBÓ.--Nañgagsidating po ang pinag-utusan. 
LUSINO.--Ang burol na yaon ang siyang tayuan ng muog at cutang 
macasasangalang sa hocbo at digma ng lahat ng caual. 
JOSEFO.--Sumulong na cayo,t humucay ng balon,
gumaua ng lapát, 
tumaga ng cahoy,
magsalá ng patpat, ang bato'y ubunton
ng hindi 
masira sa bala ng caniyon. 
Subu'i! datapua!...
(_lalabnutin ang buhoc_)--¡ualang magagaua!...
¡huag sasayañgin ang ating adhica!...
¡huag acsayahin pagod sa acalá
ng macapagtayo ng muog at cuta!... 
¿Cun ang itutulo ng pauis sa hucay
ng sancá sa cuta ay maipagpantay
ng bundoc at burol na matataniman
ng café, abacá at ibang 
halaman? 
¿Di caya mag-ani ng maraming pilac
mahitic na puri't masaganang 
hiyas
at sa haharapi'y ating mamamalas
ang buig ng tua sa sañga ng 
galac? 
O cun dili caya'y ating ipagtanim
sa buquid, tumana at mga caiñgin
ng    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
