Robinson. Magmadali 
tayo,t, cung hindi, ay di na natin siya aabutan, sa pagca,t, parang 
inalilipad ang caniyang paglayag. 
Dalauang arao ay nagcaroon sila nang mabuting panahon at mabuting 
han~gin. Sa icatlong arao ay nagdilim ang lan~git at ang dagat, at 
nararagdagan nang nararagdagan ang dilim, at saca humihip ang 
han~ging totoong malacas. Cung minsa,y, totoong maninin~gas ang 
quidlat, na anaqui tila nagaalab ang lan~git; cung minsa,y, totoong 
nagdidilim na anaqui hating gabi; sacá sumusunod ang ualang licat na 
culog; catacottacot ang ulán, na anaqui ibinubuhos, at ang alon ay 
catacottacot na parang bundoc. 
¡Cung ating maquiquita ang linucsco-lucso nang sasac-yan! 
Sinasalubong nang isang mataas na alon na iquinatataas; sacá biglang 
ibinubulid sa cailaliman. Ang man~ga tauo,y, humahanap nang 
macapitan, at nang houag silang man~gahulog sa guiniuang guiuang 
nang sasac-yan. Si Robinson na hindi datihan sa man~ga bagay na ito, 
ay totoong nalulà, ualang licat ang pagsusucá na halos mamatay. 
Si Juan. Ito ang caniyang napalâ. 
Ang ama. «¡Ay ama,t, ina co! ang palaguing isinisigao ni Robinson: 
cailan ma,y, di na ninyo aco maquiquita. ¡Laquing capalamarahan ang 
guinaua co sa pagbibigay sa inyo nang ganitong capighatian!» 
Saca biglang narin~gig na umalatiit sa ilalim nang cubierta ó carang. 
«¡Mahabag ca pô sa amin. Pan~ginoon namin!» ang isinisigao nang 
man~ga marinero, na nan~gamumutlang di hamac. ¿Ano iyan? ¿ano 
ang nangyari? ang tanong ni Robinson, na halos mamatay sa tacot.--¡Ca 
auaaua tayo! ang tugon sa caniya: tayo,y, mamamatay: ibinual nang 
culog ang palong trinquete, (sa macatouid, ay isa sa man~ga tatlong 
árbol na matotouid nang isang sasac-yan, itong nabali ay siyang lalong
nalalapit sa daong) at ang árbol mayor ay bahaguia na lamang tumatayò, 
na cailan~gang putulin at ihulog sa tubig. 
«¡Tayo,y, mamamatay!» ang uicà nang isang na sa bodega: «ang 
sasac-yan ay mapupunò nang tubig.» 
Capagcarin~gig nito ni Robinson na nacaupò sa camarote, ay 
naghimatay. Ang lahat ay nagsipaglimas, at nang cung mangyayari ay 
houag lumubog ang sasac-yan. Nang maquita nang isang marinero na si 
Robinson lamang ang hindi cumiquibò, ay siya,y, itinulac, at 
pinagsabihan na cung siya lamang ang hindi gagaua nang anoman. 
Tinicman ni Robinson na siya,y, nagban~gon, cahi,t, totoong 
nanghihinà, at siya nama,y, naquilimas. Sa oras na ito,y, nagutos ang 
Capitan na magpaputoc nang cañon, at nang cung may nalalapit na 
ibang sasac-yan ay nang matalastas ang capan~ganibang 
quinalalag-yan nila. Hindi natalastas ni Robinson ang dahilan nang 
putoc na yaon, ay inacalang nabiac ang sasac-yan, at dahil dito,y, 
muling naghimatay. May isang marinero na sa maquitang hindi siya 
cumiquilos ay itinulac siya,t, sinicaran at inacalang siya,y, patay. 
Sinasaquit ang paglilimas, datapoua,t, ang tubig ay lalong dumarami, at 
ualang inaantay cundi ang lumubog ang sasac-yan. Nang mangyaring 
gumaangaan, ay inihaguis sa dagat ang man~ga bagay na hindi nila 
totoong quinacailan~gan, para nang man~ga cañon, man~ga cahoy at 
iba pa; datapoua,t, uala ring quinasapitan. Narin~gig nang isang 
sasac-yan ang putoc nang cañon na palatandaan na may humihin~ging 
tulong na ibang sasac-yan, at inilapit sa canila ang isang bangcá at nang 
maligtas ang man~ga tauo; datapoua,t, ang bangcang ito,y, hindi 
macalapit, sa pagca,t, totoong malacas ang alon. Sa catapusa,y, 
nacalapit din sa popa ó huli at sila,y, hinaguisan nang lubid nang na sa 
pan~ganib na sasac-yan, at sa paraang ito,y, nailapit na mabuti ang 
bangcà at caracaraca,y, nagsilipat na lahat. Si Robinson na hindi 
macatayó ay inihaguis sa bangcà nang ibang man~ga marinerong may 
auà sa caniya. 
Bahaguia na lamang nacagagaod, ay ang sasac-yan na hindi pa nalalayò 
sa canila ay lumubog. Mabuti na lamang at pumayapà na ang panahon,
at cundi ay lalamunin din nang alon ang bangcang punô nang tauo. 
Nang macaraan na sa di mamagcanong capan~ganiban, ay dumating 
din sa isang sasac-yan, at doon sila,y, pinalulan. 
Si Teodora. Mabuti na lamang at ang man~ga tauong ito,y, di 
nan~galunod. 
Si Nicolás. ¡Totoong aco,y, nagaalaala at baca n~ga man~galunod sila! 
Si Luisa. Cung gayo,y, madadalâ si Robinson, at hindi na gagauang 
mulî nang gayong capan~gahasan. 
Ang ina. Ito rin ang inaacalà co; at marahil ay magcacabait na. 
Si Enrique. ¿At ano ang guinagaua sa caniya? 
Ang ama. Ang sasac-yang linipatan nila ay napatun~go sa Lóndres. 
Nang macaraan ang apat na arao ay na sa sa uauà na sila nang Támesis; 
at sa icalimang arao ay dumoong na sila sa tapat nang ciudad nang 
Lóndres. 
Si Cárlos. ¿Ano pong cahulugan niyong uicang Támesis? 
Si Basilio. Ang Támesis ay isang ilog na Ingalaterra, na para naman 
nang ilog natin ditong Albis, na pinapasucan sa dagat at hindi nalalayô 
sa Lóndres. Capag nalalapit na sa dagat ang isang ilog ay tinatauag na 
uauà. 
Ang ama. Ang lahat ay nagsiahon sa lupà nang malaquing touà at 
naligtas sila sa capan~ganiban. Datapoua,t, ang unang guinauà ni 
Robinson ay ang panonood nang daquilang ciudad nang Lóndres, at 
nacalimutan ang caniyang sasapitín. Gayon ma,y, siya,y, nagdamdam 
cagutuman, at napagtalastas niya na ang pagtirá sa ciudad nang Lóndres 
ay hindi nacabubusog; at    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.