isang sasac-yan, at nahahandang paroon sa 
Lóndres na casama nang caniyang ama. 
Si Cárlos. ¿Saan sila sasacay, sa carruaje baga?
Si Enrique. Hindi, Cárlos; nang mangyaring macarating sa Lóndres ay 
quinacailan~gan ang lumayag, at daanan ang malaquing bahagui nang 
tubig, na tinatauag na dagat sa Hilagaan. 
Ang Ama. Itinanong nang caniyang casama ibig niyang sumama sa 
paglalayag. Totoong ibig co, ang sagot ni Conrado Robinson; 
datapoua,t, hindi magsisipayag ang aquing man~ga magulang.--Hayo, 
ang sagot nang isa; sumama ca sa aquin: sa loob nang tatlong lingo ay 
magbabalic na tayo; at cung ayao cang pumayag dahil sa iyong ama at 
iyong ina, ¿mayroon pa cayang dapat gauin, cundi ang sabihin ang 
quinalalag-yan mo?--Datapoua,t, uala acong salapî sa supot, ang uicà ni 
Conrado Robinson.--¿Anong cailan~gan? ang sagot nang isa: 
ipinagbabayad quita sa paglayag.--Napahintong sandalî si Robinson, at 
pagcatapus caracaraca,y, tinapic ang camay nang caniyang casama, at 
naguicà: «caibigan, tayo,y, magcamay at sumacay na tuloy.» 
Capagca uica nito ay ipinagbilin sa isa na sa loob nang ilang oras ay 
paroon siya sa caniyang ama at ina, at sabihing siya,y, lumayag, at nang 
macarating lamang sa Inglaterra, at caracaraca,y, sila,y, magbabalic. 
Tambing na lumulan ang dalauang magcaibigan. 
Si Juan. Ay, ay! hindi co naiibigan yaong si Robinson. 
Si Nicolàs. Aco man. 
Si Basilio. ¿At baquit? 
Si Juan. Sa pagca,t, iniuan ang caniyang man~ga magulang na uala 
silang pahintulot. 
Si Basilio. Mayroon cang catouiran, Juan: gumaua siya nang malaquing 
camaliang dapat nating icahabag. Mabuti na lamang at bihira ang binatà 
na di nacatatalastas nang dapat gauin sa canilang man~ga magulang. 
Si Nicolás. ¿Sa bagay ay mayroong ibang catulad si Robinson? 
Si Basilio. Hangan n~gayo,y, uala acong naquiquitang sinoman; 
datapoua,t, ang natatalastas cong malinao ay ualang mangyayaring
magaling sa man~ga binatang para niya. 
Si Juan. Cung gayo,y, paquingan natin ang nangyari cay Robinson. 
Ang Ama. Ang man~ga marinero,y, itinaas ang man~ga sinipete, at 
iniladlad ang man~ga layag; humihip ang han~gin at tumulac ang 
sasacyan, at ang Capita,y, napaalam sa ciudad at macaanim na 
nagpaputoc nang cañon. Si Robinson ay na sa ibabao nang cubierta ó 
carang, casama nang caniyang caibigan, at ualang pagcasiyahan nang 
touâ, sa pagcaquitang siya,y, nacapaglayag din. 
Ang arao ay mapayapa, at ang han~gin ay ayon sa canilang 
patutun~guhan, caya caracaraca,y, di na nila maquita ang ciudad nang 
Hamburgo; at nang sumunod na arao ay na sa calauacan na sila nang 
dagat. Ang lupa,y, unti-unting nanaualà sa canilang man~ga mata; 
datapoua,t, ¡laquing pagcagulat ni Robinson sa pagcaquitang uala 
siyang natatanao sa caliua,t, canan, sa licod at harapan, cundi pulos na 
tubig, at sa itaas naman ay lan~git! 
Si Teodora. Marahil ay iya,y, totoong mariquit pagmasdan. 
Ang Ina. Hindi malayong iyong mapagmasdan n~gayong man~ga ilang 
arao ang naquita ni Robinson. 
Si Teodora. Cung gayo,y, ¿tayo pô baga naman ay paparoon? 
Si Ramon. Paparoon tayo cung ating isasaloob ang pagtuturò sa atin 
nang Geografia, at capag natutuhan natin ang pagpapalipatlipat sa iba,t, 
ibang lugar. 
Ang Ama. Cung sa lagui ninyong pagsusumaquit sa paggaua, at sa 
inyong casiyahan sa pagcain at sa paginom ay magcaroon nang lacas 
ang inyong catua-an, nang mangyaring cayo,y, macapaglayag doon, 
marahil ay tayo,y, macapagpasial isang arao hangang Travemunda, na 
doon ang mulà nang dagat na tinatauag na Báltico. 
Ang Lahat. ¡Oh, totoong buti cung gayon!
Ang Ama. Diya,y, lululan tayo, at tayo,y, dadalhin sa dagat hangang sa 
may icaapat na leguas. (Capagcarin~gig nito,y, agad nagtindigang 
lahat, at niyacap sa liig ang canilang ama. May naglalambitin sa 
caniyang camay, at mayroong yumayacap sa caniyang man~ga paa, na 
ipinaquiquilala ang canilang man~ga catouaan sa paglulucsahan at 
pagtatacbuhan.) 
Si Luisa. ¿Ipagsasama po naman ninyo aco? 
Ang Ina. Oo, cung sacali,t, icao ay malacas na, na sucat cang madala 
roon. 
Si Luisa. Datapoua,t totoong malayò, ¿ano pô, di pô baga ganoon? 
Marahil ay malayò pa sa Vandesbec,[1] na tinatahanan nang Sr. 
Claudio, at nang isang Caballlero na may isang bahay na malaqui, at 
isang halamanan na totoong malaqui, malaquing di palac sa halamanan 
natin. Aco,y, naparoon na niyong arao na humahanap tayo nang 
man~ga batóng sarisaring culay; at niong.... 
[Talababa 1: Isang bayang ang layò sa Hamburgo ay calahating oras, 
hindi nalalayô sa bahay sa parang na tinatahan nang autor ay doon 
ipinalalagay na pinagsalitaan ang Historiang ito.] 
Ang ama. At niong pinanonood natin ang pagaararo nang lupa. 
Si Luisa. Oo n~ga pò; at niong tayo,y, pumasoc sa pandayang malapit 
sa daan. 
Ang ama. At tayo,y, umaquiat sa guilin~gan. 
Si Luisa. ¡Aba! oo n~ga pò: doon inilacpac nang han~gin ang aquing 
sombrero. 
Ang ama. Ang sombrero na pinulot at iniabot sa iyo nang batà sa 
guilin~gan. 
Si Luisa. Yao,y, isang batang mabuti, ¿ano pô? 
Ang ama. Isang batang totoong mabuti, na nagpautang sa atin nang
loob, cahi,t, di tayo niya naquiquilala. 
Si Luisa. ¿At inyo pò baga namang guinanti? 
Ang ama. Oo: ang baua,t, isa ay dapat gumanti sa nagpapautang sa atin 
nang loob. Datapoua,t, tila nalilimutan natin si    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.