Rizal:-- Tanglawan mo ng biyaya Diwa kong napakahina, Nang sa 
aki'y maniwala, Kapatid kong matatanda Sila ay nangahihimlay Sa mga
gawing mahahalay; Kanilang nalilimutang Mahigpit na katungkulang 
Sa Ina ay tumangkakal; Ang Ina kong minamahal Na Ina rin nilang 
tunay Sa dusa ay mamamatay ... Minerva sila'y tanglawan Ng iyong 
kapangyarihan. 
Minerva:-- Kailangan magsikap ka Kung sa aki'y pasasama; Ang 
mithiin mong ligaya Matatagpong walang sala ... Kay Panahon ka 
paakay Siyang may hawak ng buhay (tatawag) Panahon ... 
Panahon:--(magalang) Ako po'y utusan 
 
=VII TUGMA= 
Si Panahon si Minerva at si Rizal. 
SALITAAN 
Minerva:-- Iyong samahan si Rizal Hangang sa bayan ng dangal 
Panahon:-- Ako ay sunudsunuran Sa hari ng karunungan (kay Rizal) 
Kumapit sa akin Rizal At sa akin ka aakbay; Ang lakas ng kalakasan 
Ang sa iyo'y papatnubay. 
Magtatagpotagpo ang lahat ng personaje tangi si Filipinas ang mga 
Diwata na nakahanda na sa Apoteosis. Ang mga Panganay ay hahanga 
sa pagkamatas kay Minerva at kay Panahon. Bubuksan nito ang aklat 
ng buhay. 
 
=VIII TUGMA= 
SALITAAN 
Panahon:-- Ibig mong tahuin ang guhit ng palad?... Narito't pakingan 
(bubuksan ang aklat) (babasahin) «Laging mahahabag Sa palad ng lahi 
na nawawakawak, Sa kapabayaan ng dapat magingat Na mga kapatid, 
hangang mapahamak Buhay ang kapalit sa ikakakalag Ng lubid na
gapos ng Inang may hirap Si Ingit, si Sakim ay kakatulungin Ng mga 
kaaway na mang aalipin, Sila'y magtatalik, buhay mo'y kikitlin. Ang 
lahat ay tungo sa hatol ng haling. Ito ang palad mo na tatalimahin 
Upang mailigtas ang Ina sa lagim. Kung maganap ito, ganap na ang 
palad Ng Inang alipin ng mga bagabag, Sa inyong silanga'y muli ng 
sisikat Ang araw na bagong maningning ang sinag, Wala na ang dusa, 
wala na ang hirap. Sa mga kapatid, sa mga kaanak Ay siyang pupukaw, 
siyang mag-uulat Ng dapat na gawin sa ikagaganap Ng kanilang laya sa 
araw ng bukas» 
Rizal:--(boong kasyahan) Kung ang kulay pula'y kinakailangan Na 
siyang itina sa sikat ng araw Dugo ko'y ibubo, pangiti kong alay, Nang 
ang kanyang sinag, lalo pang dumingal. 
Nang agad mahawi ang kapal ng dilim Na sa kanyang dilag ay 
nakatatabing. Nang agad sumilay ang kanyang luningning Na 
nasasaputan ng pighati't lagim. 
Tangi kong pangarap siya'y maalayan Ng saganang aliw habang 
nabubuhay Nais kong makilang pawi na ang lumbay. 
Tingala ang mukha at wala bakas man Ng mga tiniis sa nasawing 
buhay. Nais kong makitang siya ay hangaan At tawagtawaging "Mutya 
ng Silangan". 
Mabubuksang bigla ang tanawin at makikita ng lahat si Filipinas at sa 
kanyang paana'y nakahílig ang mga Diwata. 
 
=HULING TUGMA.= 
Filipinas:-- Ang sapot na itim ng aba kong palad, Ang luha sa matang 
linipos ng hirap, Ang gapos na sakit, ang tanang bagabag, Ang mga 
tiisin na sumasahagap Ang lahat ng ito'y walang ibang lunas. Tangi sa 
mithi kong kayo'y magyayakap. At magkakasamang tumungo sa landas 
Ng ikalalaya sa araw ng bukas. 
AWITIN NG LAHAT:
Tayo na't siya'y samahan Samahan natin si Rizal Sumunod sa kanyang 
aral Si Ina'y ating bihisan. Kaalipina'y ibagsak Sukdan tayo'y 
mapahamak Salubungin tá ng galak "Bagong Araw" na sisikat. 
APOTEOSIS: 
Samantalang nag-aawit ay unti-unting nahuhubdan ng sapot na itim ang 
Inang Filipinas at si Ingit at si Sakim ay masisilaw at mahahanga. 
Dahan dahang ibababa ang tabing. 
[Larawan: Mga Patalastas] 
 
End of Project Gutenberg's Si Rizal at ang mga Diwata, by Jose N. 
Sevilla 
*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK SI RIZAL AT 
ANG MGA DIWATA *** 
***** This file should be named 18887-8.txt or 18887-8.zip ***** 
This and all associated files of various formats will be found in: 
http://www.gutenberg.org/1/8/8/8/18887/ 
Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online 
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Handog ng 
Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga ng 
panitikang Pilipino. (http://www.gutenberg.ph) 
Updated editions will replace the previous one--the old editions will be 
renamed. 
Creating the works from public domain print editions means that no 
one owns a United States copyright in these works, so the Foundation 
(and you!) can copy and distribute it in the United States without 
permission and without paying copyright royalties. Special rules, set 
forth in the General Terms of Use part of this license, apply to copying 
and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to protect the 
PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark. Project
Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you charge 
for the eBooks, unless you receive specific permission. If you do not 
charge anything for copies of this eBook, complying with the rules is 
very easy. You may use this eBook for nearly any purpose such as 
creation of derivative works, reports, performances and research. They 
may be modified and printed and given away--you may do practically 
ANYTHING with public domain eBooks. Redistribution is subject to 
the trademark license, especially commercial redistribution. 
 
*** START: FULL LICENSE *** 
THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE PLEASE READ 
THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.