Sa Tabi ng Bangin 
 
The Project Gutenberg EBook of Sa Tabi ng Bangin, by Jose Maria 
Rivera This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and 
with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away 
or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included 
with this eBook or online at www.gutenberg.net 
Title: Sa Tabi ng Bangin Kasaysayan Tagalog 
Author: Jose Maria Rivera 
Release Date: October 18, 2005 [EBook #16899] 
Language: Tagalog 
Character set encoding: ISO-8859-1 
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK SA TABI 
NG BANGIN *** 
 
Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and PG Distributed 
Proofreaders from page scans provided by University of Michigan. 
 
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is 
marked as ~g.] 
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa 
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit.] 
 
Jose Maria Rivera 
Sa tabi ng Bangin.... 
AKLATANG BAYAN ...III AKLAT 
 
=Kalakal Tagalog= 
Aywan kung sino ang nagsabing: "ang pilipino ay di marunong 
tumangkilik sa kalakal ng kalahi"; sa sino man, ay di sasalang siya'y 
kaayaw ng bayang tagalog, sapagka't ayon sa mga pangyayari ay 
napagkitang tsang lubus na kasinun~galin~gan ang gayong kasabihan. 
Nagsisipan~gusap na katibayan ang masasaligan ng ganitong paniwala 
at isa na rito'y ang "BAKAL", Sto. Cristo, blg. 86 Maynila, Almacen ng 
Cemento, Lierro galv, Alambre, Petroleo, araro at ibp. na, totoong 
malusog, at ang kalusugang ito'y di utang sa kanino man kungdi sa pag 
amakabayan ng kanyang mga mananangkilik at sa mga iya'y walang 
nabibilang na isa mang taga ibang lupà. 
Isang batas ng kalikasan na ang lan~gis ay hanapin ang kaawa lan~gis 
at ang tubig ay sa kapwa tubig. 
 
=Jose Maria Rivera= 
=SA TABI N~G BAN~GIN....= 
=KASAYSAYANG TAGALOG= 
=UNANG PAGKALIMBAG= 
=Maynila,=
=1910= 
=Limbagang "MAPAGPUYAT" Daang Santiago de Vera Blg 10 
Bagtasan ng Moriones at Morga,= =TUNDO.= 
 
=MGA KATHA NI J.M.a RIVERA= 
KASALUKUYANG LINILIMBAG 
=Dalawang Lilo= =Tamis at Pakla.= 
=IPALILIMBAG= 
=Luha ng Puso.= (Mga Tula.) 
=Bagong Magdalena.= 
=Hiyaw ng Diwa.= (Mga Tula.) 
=¡Alipin!.......= 
 
=Sa babasa= 
Mangbabasang guiliw: 
Bago siyasatin ang pinakalamán ng aklát na itó, ay pagkaabalahang 
tunghayan sandali ang mga pang-unang titik, na siyáng maghahatid sa 
inyóng tunghayan ng mga larawan ng maykatha at ng kaniyang katha. 
¿Kung sino si José María Rivera? Anák sa bayan ng Tundó, halaman na 
naging punlaan ng mga Zorrila, Joseng Sisiw ... at mga iba pang lakí sa 
alo ng tulâ; si José Maria Rivera ay isáng kaluluwang busog sa mga 
pan~garap. Batàng batà pa siya ng mabilang sa hanay ng mga 
mamamahayag: lalabing pitong taón. Hindi nalaunan at ang manunulat 
ay naging masikap na kampon ni Minerva pagkatapos, na mapabilang 
sa mga manghihimagsik ... Panulat at baril, sa kamay niyá, ay iisáng
bagay: panananggól ng buti, panggiba ng samâ. 
Sa gulang na dalawangpuong taón, ang manghihimagsik, ay tumahak 
na naman ng bagong landasin: nanulat ng dulang tagalog. 
At mangdudula na at manghihimagsik at mamahayag, ay inibig pa ring 
kumita ng lalong dan~gal. Kaya't pinilit pang makapag "Bachiller en 
Artes", "Perito Mercantil" at "Licenciado en Derecho". 
Makatás na likha ng talinong ito ang: 
* * * * * 
"SA TABI N~G BAN~GIN"--Tatlong personahe ang lumilikha ng mga 
pangyayari: Ernesto, binatà; Armando at Magdalena, mag asawa. Si 
Ernesto ay isáng bantóg, dakila, at matalinong makata at 
mangdudula--kaluluwa ng kadakilaan, pusong bakal. Magdalena 
"Pusong Babae", mahina, yuko at tiklop ang tuhod sa mahiwagang 
kapangyarihan ng puso. Don Armando--mayamang man~gan~galakal, 
punong ganid, pusong nadadarang sa kinang ng pilak, at sumasagot 
lamang sa pan~gan~gailan~gan ng ginto. 
Ang pagkamuhi ni Magdalena sa kaniyang asawa, at paghanga nito sa 
bantog na makata at mangdudulang si Ernesto, ay siyang nagbulid sa 
kaniya sa makamandag na kamay ng mahiwagang kapangyarihan ng 
puso. Ipinahiwatig niyá at ipinakilala kay Ernesto ang kanyang pag ibig, 
bagay na tinanggap ni Ernesto ng boong galak at pagdiriwang na tulad 
sa usok na pumapaitaas at kusang napaparam sa himpapawid--isang 
panagimpan; pagka't ng si Ernesto ay sumapit sa kaniyang tahanan, at 
muling suriin sa kaniyang isip ang mga nangyari, ay isang malakás na 
¡Hindi ...! ang narinig niyang ipinaghihiyawan ng boong lakás ng 
kaniyang "conciencia"--ginamit ni Ernesto ang kaniyang pagkapusong 
bakal, kinuha ang panitik at inakda ang dulang "SA TABI N~G 
BAÑGIN", dulang naglalarawan ng buhay nila ni Magdalena. 
Sa araw ng unang pagtatanhal ng bantóg na dula, ay inaniyayahan ang 
mag asawang Armando at Loleng. Di natapus ang dula, at si Loleng ay 
niyapos ng takot, siya'y nanglamig, nan~galisag ang kaniyang buhók,
nan~gatal ang kaniyang katawan, at sandaling pinanawan ng 
pagkatao ... Sinakal ng takot ang kaluluwa ni Loleng sa harap ng 
gayong pagkakasala. 
Matapus ang gayong pangyayari, ay nagsadya si Ernesto sa bahay ng 
kaibigan niyang mag-asawa, at nagpaliwanag ng bagay na nag-udyok 
sa kaniya ng pagakda ng    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
