Panukala sa Pagkakana nang 
Repúblika nang
by Apolinario 
Mabini 
 
The Project Gutenberg EBook of Panukala sa Pagkakana nang 
Repúblika nang 
Pilipinas, by Apolinario Mabini This eBook is for the use of anyone 
anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You 
may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project 
Gutenberg License included with this eBook or online at 
www.gutenberg.net 
Title: Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas 
Author: Apolinario Mabini 
Release Date: February 8, 2005 [EBook #14982] 
Language: Tagalog 
Character set encoding: ISO-8859-1 
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK 
PANUKALA SA PAGKAKANA *** 
 
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG 
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by 
University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is 
marked as ~g.] 
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa 
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay 
hindi na ginagamit.] 
 
PANUKALA SA PAGKAKANA 
NANG 
REPÚBLIKA NANG PILIPINAS 
MEY PAHINTULOT ANG GOBIERNO. 
=KAVITE= 
Limbagan, sa kapamahalaan ni M.Z. Fajardo 
1898. 
 
Sa M. Presidente nang Gobierno Revolucionario ó Pamunoang 
Tagapagbañgong puri, 
Si Apolinario Mabini, taglay ang puspos na galang, ay dumudulog po 
sa inyo at nagsasaysay: 
Sa pagka't di nalilin~gid sa kaniya na sa ganitong kapiitan nang bayan 
ay may katungkulan ang sino mang taga Pilipinas na umabuloy sa 
boong makakaya sa pagtatayo n~g lubhang malaking gawa n~g ating 
pagbabagong buhay, at natatanto din ang pagkakailan~gang 
magcaroon ang bayan n~g kamunti man lamang pagkaaninaw tungcol 
sa katatayoan at pagkabuhay n~g isang bayang nagsasarilí, upang 
macapamili n~g lalong maigui, ay sumulat n~g isang munting libro na
ang Pamagát ay «PANUKALA SA PAGKAKANA NANG REPÚBLIKA 
NANG PILIPINAS». 
Sa pagka't walang nakahihila sa kaniya kundi ang nakaisaisang 
han~gad na paquinaban~gan n~g kaniyang m~ga kababayan ang 
kamunti pa niyang lakas, ay namamanhik sa inyo na mangyaring 
ipalimbag at ipakalat ang nasabing libro at magpasin~gil sa kan~gino 
mang magcailan~gan nito n~g halagang maaabot n~g lahat na 
hanap-buhay, upang magamit yaon sa m~ga kailan~gan sa 
Pagbaban~gong puri (Revolución) gaano man ang halagá. 
In~gatan po kayo n~g Dios na mahabang panahon. Tan~gway ikalima 
n~g Julio n~g taong isang libo walong daan at siyam na pu't walo. 
[Lagda]Apo Mabini 
 
GOBIERNO REVOLUCIONARIO N~G PILIPINAS 6 NANG JULIO 
NANG TAONG 1898. 
Ayon sa kahin~giang nan~gun~guna, ay limbaguin at ikalat ang librong 
sinasabi, na ang halaga ay isang peseta bawat isa, na iuukol sa mg~a 
kailan~gang sinasabi n~g gumawa. 
E. AGUINALDO. 
 
SA BAYANG PILIPINAS 
Sa pagca't talastas co na ang pagbaban~gon ay isa lamang paghahalili ó 
pagiiba caya, ay quinusá cong yao'y siyang maguing dahil nang iyong 
ganap na pagbabagong buhay at pagbabalat cayó. 
Sa bagay na ito'y idinulot co sa iyo ang tunay na sampong utos nang 
Dios, upang mataroc mo na ang bait, ang iyong sariling calooban ang 
nacaisaisang matibay at uagás na patungtun~gan nang pagaalaga sa 
iyong ugali, at gayon din naman ang casipagan ang siya lamang lalong
matibay na haligui nang pagpapalaqui sa iyong catauan. Dahil dito'y 
mapaquiquilala mo na ang tunay na capurihan, ang uagás na camahalan 
ay di naquiquita sa dugó; cundi sa ugali nang tauo na linalang sa hin~ga 
nang bait at sa himas nang malinis na gaua. 
Kinusa co rin namang iguhit doon ang simuláng mapagcucunan mo 
nang dapat asalin sa iyong bayan, na hindi pa na-aabot nang iyong 
pagiisip, alang-alang sa pan~gan~galaga at pagpupuyat nang 
nagpapangap mong ina na malapit pang di palac sa inang pan~gaman ó 
inali; ibig cong ipaquilala sa iyo na ang cagalin~gan nang isa ay di 
macacatumbas nang cagalin~gan nang lahat, na ang isang tauo ay 
ualang halaga cun ititimbang sa isang bayan hari nan~gang iuacsí iyang 
caraycotan at di tantong paghahan~gad nang iyo lamang na 
pagcapadasaling na siyang dumadagan at umiinis sa iyo, iyang 
capanaghilian at pagmamapuri na nacaduduahagui sa iyo at ang 
cahambugan at catabilang iquinahahalay mo. Kinacailan~gang tunay na 
butasan mo ang iyong man~ga ugat nang lumabas na paminsanan iyang 
buloc at masamang dugong isinilid nang iyong ina-inahan, upang yao'y 
quilanlin mong utang sa caniya magpacailan man. 
Ito n~ga't di iba ang pagbabagong ugali na hinaha~gad co: and 
pagbabalat cayó ay maquiquita mo dito sa Panucala sa panahong 
sasapit. ¿Nataosan co caya ang aquing hinaha~gad? 
Icao na ang magsabi, yayamang dahil lamang dito caya aco 
cumucuhang tanong sa iyo; n~guni't ang masasabi co lamang ay cung 
pagninilayin mo ang aquin man~ga gaua, ay, maquiquilalang pilit na 
uala acong ibang pacay cundi ito: una ay turuan ang man~ga tauo; saca 
biguian sila nang lalong malalaquing caluagan at calayaan, nang 
pagsaquitan nang baua't isa sa boó niyang caya ang lalo niyang 
minamabuti sa daan nang magaling at nang catouiran; bago co ibubucas 
ang pintó nang pamamahalá sa bayan sa ma~ga marurunong, nang 
canilang usiguin at lipulin nang ualang    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
