ay inyong pagsaquitan, at ang aral na ito,i, casabáy 
nang gatas na ipasuso sa anac, pasundan nang mabuting halimbaua, 
halimbauang sa inyo,i, maguisnan, at maquiquita ninyo na ang 
magandang aral ay maguiguing magaling na asal na di mabibitiuan cun 
di casabáy nang búháy. 
N~guni cun inyong bayaan, palac-hing salát sa aral, hubád sa 
magandang asal, ay capilitang ipagsusulit ninyo sa Dios, at pagdating 
náng panahon na sila,i, paguitna sa mundó, sa masamáng uaning sa 
canila,i, mamasdan, dalamhati ang inyong pupulutin, cayo ang sisisihin 
nang tauo, at palibhasa,i, bun~ga nang inyong capabayaan. 
At sacali ma,t, sa edad na labing dalaua ó labing apat na taon, sa isang 
Escuela, Colegio ó sa isang Maestro, sila ay mag aral, matutuhan 
naman ang pinag aralan, cayo,i, maniuala,t, ang magandang asal na 
canilang pinulot ay tulad sa hirám na damit saglit na isinoot at biglang 
hinubád: cauangqui nang hiyas na isinadaliri, iniuan sa suloc ay agad 
nalimutan: caparis nang cáyong nagcuculay dilao, na initan, nang arao, 
hinipan nang han~gin, ay agád cumupas, at di nacalaban sa init at bilís. 
Matamisin ang caunting pagod sa inyong pagtuturo, at pagdating nang 
panahon na pag-anihan nang inyong man~ga anac ang magandang aral 
na ipinunlá ninyo, ang hirap ay maguiguing toua. 
At cun sa inyong magandang aral, ang man~ga anac ninyong dalaga sa 
guitna nang pan~ganib sa mundó ay nacapag iin~gat, ang maban~góng
bulaclac na canilang puri ay di nalalantá, at pag dating nating panahon 
na sila,i, tuman~gáp nang estado nang matrimonio, ay maquita ninyó 
na sila,i, mababait na esposa, at marunong na ina nang canila namang 
maguiguing anac, ¡laqui nang toua na inyong cacamtan! 
Cun ang man~ga baguntauo na inyong anac, sa inyong pagsasaquit ay 
matutong matacot sa Dios, masunorin sa inyo, marunong 
maquipagcapoua tauo, magalang sa matatandá, mapagtiis sà capoua 
binata, maalam bumagay sa tauo sa mundó; at pagdating nang panahon 
na sila,i, maguing esposo at ama, ay maquitaan ninyo nang bait sa 
paquiquisama sa canilang esposa, nang dunong sa pag tuturo sa anac, 
saan di ang sila,i, capurihán at caran~galan ninyo. 
Cun sila,i, tumangap nang anomang catungculan at maquita ninyo na 
marunong tumupád, maalam magpaquita nang mahal na asal sa guitna 
nang mundó at caguinoohan, ¡laqui nang pagpupuri nang tauo sa inyo! 
¡At ang pasasalamat nang inyong man~ga anac ay di matatapus hangan 
cayo,i, nabubuhay sa mundó at hangan sa matapus naman ang canilang 
buhay sa mundó! 
Ang halimbauang iniaalay sa inyo, ay isang familia ó mag anac. Sa 
magcacapatid, na dito sa loob nang libro,i, aquing sinasaysay, 
ipinatatanao co ang magandang pag aral nang magulang sa anac, at ang 
pagtangáp nang anac nang aral nang magulang. 
Sa pan~galang "Urbana" nababasa ang magaling na paquiquipag 
capoua tauo. Sa caniyang man~ga sulat sa capatid na Feliza, ay 
macapupulot ang dalaga, macapag aaral ang bata, maca aaninao ang 
may asaua, macatatahó ang binata nang aral na bagay sa calagayan 
nang isa,t, isa. 
Cay Feliza, mag aaral ang dalaga nang pagilag sa pan~ganib na 
icasisira nang calinisan; at ang caniyang magandang asal ay 
magagauang ulirán nang ibig mag in~gat nang cabaitan at loob na 
matimtiman. 
Sa man~ga sulat ni Urbana, na ucol sa pagtangáp nang estado nang 
matrimonio, ang dalaga,i, macapagaaral, at gayon din ang baguntauo, at
macapupulot nang hatol sa dapat alinsunorin bago lumagay sa estado, 
at cun na sa estado na. 
Sa man~ga sulat ni Feliza cay Urbana, na ang saysay; ay ang 
magandang asal nang capatid na bunsó na si Honesto, macapagaaral 
ang bata, at macatatantó nang caniyang catungculan sa Dios, 
pagcatanáo nang caliuanagan nang canilang bait. 
"Paombong" ang saysay: sa pagca,t, siya ang unang bayang 
pinautan~gan nang pagod. Bayang pinaghirapan, bayang minahal 
naman, at palibhasa,i, sa aral at pagod na aquing guinugol, ay naquitaan 
nang masaganang paquinabang. Bayang lumagui sa loob; sa pagca,t, 
naquitaan naman nang magandang loob. 
Aco,i, sinuyo mo at pinabaunan nang masaganang luha: icao ay 
maniuala at ang arao na iyo,i, di co linilimot, ang perlas mong bubô ay 
aquing dinampót, binucsán ang dibdib, at mag pa hangan n~gayon ay 
iniin~gatan. 
Mahiguit sa sampuo ang nalacarang taon, mag mulá sa arao na yaon, 
n~guni,i, sariua ring parang cahapon.[1] 
Limbág ca sa dibdib, ay di ca nacatcát nang habang panahong limbás 
nang panimdim; at palibhasa,i, ang nag-iin~gat sa iyo,i, susi nang pag 
ibig. 
At cun sa handóg cong halimbaua, cayong man~ga ina ay magdalitang 
dumampót nang magandang aral, itanim sa loob at alinsunorin, at 
mapanood co ang paquinabang nang inyong man~ga anac, sa inyong 
paghihirap sa aquing pagsisicap, ¿ay mahuhulaan caya ninyo ang 
aquing uiuicain? 
Ang uiuicain co,i, pinapalad aco, at ang cahalimbaua co,i, nagsabog 
nang binhi, ay ang tinamaan co ay mabuting lupa. 
At sa quinacamtang cong toua ang nacacaparis co,i, isang magsasacang 
cumita nang alio, uupó sa isang pilapil, nanood nang caniyan halaman, 
at sa caniyang palayan na parang inaalon sa hirap nang han~gin, at sa
bun~gang hinog na anaqui butil na guintong nagbitin    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
