Nang Bata Pa Kami 
 
The Project Gutenberg EBook of Nang Bata Pa Kami, by Pura 
Medrano This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and 
with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away 
or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included 
with this eBook or online at www.gutenberg.net 
Title: Nang Bata Pa Kami 
Author: Pura Medrano 
Release Date: October 10, 2004 [EBook #13686] 
Language: Tagalog 
Character set encoding: ISO-8859-1 
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK NANG 
BATA PA KAMI *** 
 
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG 
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by 
University of Michigan. 
 
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is 
marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, 
mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog 
na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] 
 
PURA L. MEDRANO 
NA~G BATA PA KAMI 
 
PANGUNANG SALITA NI Bb. Asuncion Palma
AT MGA KUROKURO NI G. Ros Almario 
AKLATANG BAYAN 
I AKLAT NG LUPON NG MGA PARALUMAN 
1913 
Imprenta Sevilla Juan Luna 601, Tondo Manila. 
 
AKLATANG BAYAN 
MGA AKLAT SA LIMBANGAN 
Pura L. Medrano EDENG II Bahagi n~g "NA~G BATA PA KAMI" 
Julian C. Balmaseda SA BAYAN NI PLARIDEL (tula) HIMIG 
SILAN~GAN (tula) 
Benito F. Urrutia ¿SINO A~G AMA KO? ¡PATAWAD! BENY AT 
LILY 
Ros. Almario NANG AKO'Y MAMATAY, BAGONG PARI 
G. CHANCO SA GITNA N~G LUSAK. 
 
=NA~G BATA PA KAMI= 
KATHA NI Pura L. Medrano 
PANGUNANG SALITA NI Bb. Asuncion Palma 
AT 
PANGWAKAS NI Ros. Almario 
AKLATANG BAYAN. I. AKLAT 
NG 
LUPON NG MGA PAKALUMAN 
=UNANG PAGKALIMBAG= 
MAYNILA, 1913. 
IMPRENTA SEVILLA al lado del Puente de Jose Manila 
[Larawan: Asunción Palma-"Kay Puring Chong"] 
 
=_LIHAM SA KUMATHA_= 
KAIBIGANG PURING; 
Ikaw ay nagkamali, oo, nagkamali kang lubha sa pagpili ng maglalagay 
ng pang-unang salita sa iyong mahalagang aklat. Ako pa naman ang 
napita mo, akong batid mong pahat na pahat tungkol sa gawaing ito at 
bago pa lamang nakikisalamuha sa larangang ng panulat. Kaya't nang 
sabihin mo sa aking ako ang ibig mong maglagay ng pang-unang salita,
ay nasabi ko sa sariling: "¿Kinukutya kaya ako o binibiro lamang 
niya?" Kundi lamang kita nakikilalang isang tapat na kaibigan, uliran 
sa pakikisama, at ako'y nananalig na wala kang pusong sukat ipang-api 
sa akin ay pinatampuhan na sana kita, sapagka't ¿sino ako upang siyang 
magbigay ng pang-unang salita sa iyong aklat? ¿Anong ayos pa o 
ganda ang maidaragdag ko sa iyong katha? Wala. Nguni't ang gawi 
hilig, kilos at damdamin ng dalagang pilipina. Sa pagmamahal ni 
Edeng kay Manuel, pagmamahal na binalot ng isang lihim na pag-ibig 
ay minsan mo pang naipakilala ang isang pitak ng kaluluwa ng dalaga 
ng ating bayan. 
Sa wakas ay ibig kong masabi sa iyo na, sa pagkakalathala ng katha 
mong ito ay dalawang mahahalagang tagumpay ang iyong nakamit; 
tagumpay ng iyong sarili sa iyong pagka manunulat at tagumpay ng 
Aklatang Bayan sa pagka kasapi mo sa kanya. 
Bumabati at nakikikamay. 
ASUNCION PALMA. 
[Larawan: Pura L. Medrano] 
 
I 
_MGA ALA-ALA NI MANUEL KAY EDENG._ 
--¿...? 
--!...! 
--¿Hindi mo na naaalaala? 
Makinig ka't isa-isa kong ipaaalaala sa iyo: 
Noo'y musmos pa tayo. 
Musmos, oo; wala tayong kamalay-malay sa mga sigalot ng buhay; 
bago pa lamang tayong humahakbang sa unang baytang ng pag-ibig, at 
bago pa lamang tayong natututong sumunod sa itinitibok ng ating puso; 
nguni't hindi pa natin nakikilala kung ano ang pag-ibig. Ang tunay na 
pag-ibig. 
Ang bahay natin ay nagkakatapat halos, at isang hapong masaya ang 
langit na ikaw ay nasa bintana, ako'y nanungaw, at nang maino mong 
pinagmamasdang kita'y tumungo ka, tumungo ka't saka ngumiti ng 
lihim, bago itinaas ang mata at kiming sumulyap sa akin. 
Sumandali tayong nagkatitigan at pagkatapos ay isang ngiting busog sa 
ligaya ang ipinahatid mo sa akin. 
Ako'y nasayahan at naramdaman kong sumasal ang tibok ng puso at
waring ako'y napa-angat sa aking kinalalagyan na di ko makuro kung 
bakit. 
¿Pag-ibig na kaya ang kahulugan ng ngiting iyon? Kung pag-ibig ay 
¿paano ko maaalaman? At sakaling pag-ibig na nga'y ¿ano ang 
maidudulot sa aking buhay? Ang sunod sunod kong tanong sa sarili. 
Sa aking pagdidilidili'y naisip kong itanong sa iyo ang kahulugan ng 
ipinamalas mo sa akin; nguni't aywan kung bakit at hindi ko man 
lamang naipahiwatig sa iyo nang tayo'y magkausap. At ... ¿naaalaala 
mo ba ang ating pinagusapan? 
Panay na kamusmusan; oo, panay na kamusmusan. Datapwa't nang 
tayo'y maghiwalay, nang ako'y pauwi na sa amin, ang puso ko'y 
naligalig at naramdaman kong may bagong damdaming tumubo sa 
lalong pinakalihim niyang pitak. 
Buhat noon, saan mang dako ako mapatungo ay waring ikaw ang aking 
nakikita, at sa lahat ng akin gawain, sa pag-aaral, sa paglalaro, ay ikaw 
ang laging sumasaisip ko. 
Kung gabi at    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
