kagawád n~g m~ga kastilà. 
A~g m~ga sasakyán ay lumayag na patu~go sa Zamboanga at sa 
pagka't di nakasama si Ali Mudin sa m~ga kastilà sa pagtulak na yaon 
ay sinapantahà n~g m~ga kastilà na siyá ay nagtaksíl, at siyá, kasama 
n~g mahigit na dalawá~g daá~g kasamahán ay dinakip at mulí~g 
ibinalik sa Maynilà at ibinila~ggô sa Fuerza de Santiago. 
Buhat noón ay pinasimulán na n~g m~ga kastilà a~g walá~g maliw na 
pagbaka sa m~ga moro; ~guni't pawa~g walá~g tagumpáy na masásabi 
na kanilá~g tinamo sa Timog n~g Kapuluan. 
Hinilí~g ni Ali Mudin sa m~ga kastilà na a~g kanyá~g anák na si 
Fatima ay pahintuluta~g makapagbalík sa Huló, niyaó~g Febrero n~g 
1753 upá~g magsikap sa ikapagharì n~g kapayapan doón, at a~g 
gayó~g kahili~gan ay dini~gig at pinahintulutan n~g m~ga kastilà; 
bila~g bu~ga n~g paglalakbáy na itó ni Fatima ay nagtamó siyá n~g 
isa~g sulat buhat kay Bantilan na nagsasabi~g si Ali Mudin ay 
pabalikin sa Huló, upá~g maghari~g mulî róon at lumagdâ sa isa~g 
bago~g kásunduan a~g dalawá~g dako~g dati~g magkaaway na m~ga 
moro at kastilà. A~g lahat n~g kahili~gan ni Bantilan ay dingi~g n~g
m~ga kastilà, subalit hinilí~g na si Ali Mudin ay palayain ~guni't 
mamámalagì sa Maynilà sa pili~g n~g Arzobispo Rojo na siyá~g 
kumuha sa kanyá sa Fuerza Santiago at nagbigáy sa kanyá n~g isá~g 
táhanan at m~ga lingkód. 
Niyaó~g 1762 a~g Maynilà ay sinalakay n~g m~ga Inglés at si Ali 
Mudin sa pili~g n~g limampuô katao ay lumabás at nakibaka~g kasama 
n~g m~ga kastilà sa bago~g kalaban na dumadagsâ at humuhugos sa 
kamaynilaan. 
Ipinamalas ni Ali Mudin a~g isá~g dî karaniwa~g katapa~gan na 
katutubò n~g m~ga moro at lubha~g marami~g Inglés a~g kanilá~g 
pinuksâ bagá ma~g a~g Lunsód ay napasok at napasukò. A~g m~ga 
Inglés ay dî naglaón sa Maynilà at sa kanilá~g paglayas, sa kautusan ni 
Simon de Anda at Zalazar ay pinapanumbalik si Ali Mudin sa Huló 
upa~g muli~g lumuklók pa kanyá~g luklukang harì. 
Gumawâ n~g isá~g lína~gin sa Balamba~g a~g m~ga Inglés na 
kanilá~g linibid n~g matitibay na kutà at sa dî pagkawilì dahilán sa a~g 
sigáw ay dî nilá matagalán ay lumipat sa isá~g pulô na malapit sa Huló. 
A~g ganitó~g pa~gyayari ay dî minabuti n~g Sultan Mahomed at ni 
Israel na anák ni Ali Mudin, sapagka't dî nilá matiís na a~g kanilá~g 
lupaín ay ariin n~g m~ga banyagà; at naghanáp silá n~g isá~g kátaó~g 
ikapagtatabóy sa m~ga ma~ggagagá. 
At a~g panahó~g itó ay dumatí~g niyaó~g bihagin n~g m~ga kawal na 
Inglés si Dato Tente~g, isá sa m~ga malalakás at pinaníniwalaa~g Datò, 
at isá sa m~ga maiinit na araw n~g Marso niyaó~g 1772 na~g 
makalayà na si Tente~g, ay nakipagalám sa m~ga iba~g Datò na siná 
Dakula at Zama~ggo-Isaák, kasama n~g ilá~g kawal na sumalakay sa 
kinalalagyán n~g m~ga kawal na Inglés, at sa ganitó~g ságupaan ay 
na~gágsitakas a~g m~ga Inglés sa m~ga ba~gká~g lundáy na 
pinaghábol n~g mabibilís na sasakyá~g moro. Sinikap n~g Gobernador 
na Inglés na makipagkásundô, ~guni't dî tinalima n~g m~ga moro at 
silá ay ipinagtabuyan at sa pagtakas ay na~gaiwan nilá a~g kanilá~g 
m~ga sasakyán, m~ga kanyón, baril at apat na puô at apat na libong 
piso.
Namatáy si Ali Mudin sa Huló, n~g boó~g kasiyaha~g loób, sapagka't 
náitabóy niyá a~g m~ga manlulupig sa kanyá~g bayan. 
Si Ali Mudin ay nagí~g tudláan n~g dî kawasa~g pagha~gà n~g 
kanyá~g m~ga sàkop. 
[Larawan: Ali Mundin] 
 
=RAHÁ SOLIMAN= 
Bago nagí~g Rahá si Solimán, ay nagí~g katulo~g muna sa 
pa~ga~gasiwà n~g m~ga súliranin dito sa Maynilà, ni Rahá~g 
Matandâ. 
Si Lakán Dulà na nanánahanan sa Tundó ay siyá niyá~g kasama. Itó ay 
na~g kapanáhunan ni Rahá~g Matandâ na~g taó~g 1570. Noón ay 
isá~g pulutó~g na~g m~ga sasakyá~g kastilà na pinamumunuan ni 
Martin de Goití at Juan de Salcedo a~g dumao~g sa luók n~g Maynilà. 
Niyaó~g una~g datí~g dito niná Goití ay dî sila nakalunsád pagdaka. 
A~g Maynilà, ay may matitibay na m~ga muóg at sila'y pinaputukán at 
sinagupà. 
Nabalitaan niláng isá sa m~ga makapa~gyarihan doón ay si Solimán, 
kaya't nagpadalá sina Goití rito n~g sugò na nagsásaysáy na silá'y dî 
naparito upá~g makidigmâ kundî upá~g makipagkásundô, at a~g 
ganitó'y tinugón sa pamamagitan n~g sugò, na a~g Hari sa Maynilà ay 
nagnanasà n~g makipagkaibigan sa m~ga kastilà. 
Pagta~ggáp ni Goití n~g paklí ni Solimán ay nasók siyá at a~g kanyá~g 
m~ga tao sa ilog n~g Pasig at silá'y lumunsád sa isá~g baybáy na 
itinakdâ n~g Harì. Sinalubo~g silá ni Raháng Matandâ at 
nakipagkamáy sa kanilá, pagkaliban n~g ilá~g sandali ay dumatíng si 
Rahá Solimán at nakipágkamáy din ~guni't nagpasubalì n~g gayari: 
«Kamí ay nagnánasa~g makipagkaibigan sa m~ga kastilà samantala~g 
silá'y mabuti sa amin; ~guni't mahíhirapan silá n~g gaya n~g hirap na 
tiniís na n~g ibá, kailán ma't nasain nilá~g kami'y alisán n~g puri».
Pagkaraán n~g ilá~g araw si Goití ay nagkula~g sa pagkakáibigan sa 
pagpapaputók n~g kanilá~g kanyón, at si Rahá Solimán ay napilita~g 
magbago n~g    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
