Mga Dakilang Pilipino, by Jose N. 
Sevilla 
 
The Project Gutenberg EBook of Mga Dakilang Pilipino, by Jose N. 
Sevilla This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and 
with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away 
or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included 
with this eBook or online at www.gutenberg.org 
Title: Mga Dakilang Pilipino o ang kaibigan ng mga nagaaral 
Author: Jose N. Sevilla 
Release Date: February 18, 2006 [EBook #17786] 
Language: Tagalog 
Character set encoding: ISO-8859-1 
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK MGA 
DAKILANG PILIPINO *** 
 
Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online 
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net (This file was 
made using scans of public domain works from the University of 
Michigan Digital Libraries.) 
 
[Paalala ng Nagsalin: Sa orihinal na pagkalimbag, tinangal ng 
maykatha ang lahat ng "n" at ginamit lamang ang ~g. Dahil ninais ng
maykatha na gamiting ang libro ng mga estudyante para sa kanilang 
pagaaral ay binalik namin ang "n" sa web version para madaling 
basahin ng mga kabataan ngayon. Ang plain text na edisyon naman ay 
hinayaan naming manatili ang porma ng orihinal na pagkalimbag ng 
libro.] 
[Transcriber's note: The author removed all the "n" and used tilde g or 
~g in the original publication. Since the author intended the book as 
reference for students, we placed the "n" back in the web version to 
make it easier to read. The plain text version however retains the 
original form as it was published.] 
=SA LA~GIT N~G BAYA~G PILIPINAS.= 
M~GA DAKILA~G PILIPINO 
o 
A~G KAIBIGAN N~G M~GA NAGAARAL 
SININOP NI 
Jose N. Sevilla at Tolentino 
UPA~G MAGAMIT NA AKLAT NA BABASAHÍN 
UNA~G PAGKALIMBAG 
MAYNILA, 1922 
Limbagan nina Sevilla at mga kapatid at Kn. 
MAYNILA, K.P. 
 
HANDÓG 
Sa kabataan n~g lahi~g Tagalog upa~g pakinaba~gan at mágamit na 
isá~g mabuti~g basahin sa panahón n~g pagaáral.
Ang Kumatha. 
A~g karapatán sa aklát na itó ay ipinamamana ko sa aki~g m~ga 
pama~gki~g Emillo, Jesús, Aurelio at Predesvindo Alvero y Sevilla 
upá~g kanilá~g pakinaba~gan ku~g sumapit silá sa sapát na gula~g. 
José N. Sevilla. 
 
[Larawan: JOSE N. SEVILLA AT TOLENTINO] 
Nagi~g Kapitán n~g Artilleria n~g Republica Filipina Kasa~gguni n~g 
«Suliranan n~g Wika» Nagi~g Gurò n~g Panitika~g Tagalog sa 
Colegio «La Juventud» Namatnugot n~g m~ga Pahayaga~g «Buhay 
Pilipinas», «Malalaya~g Ma~gagawà» at «Katuwiran» Nagtamò n~g 
Ganti~g Pala~g Medalla de Plata at Diploma Sa Ta~ghala~g Panama 
Pacifico, 1915, Sa lilim n~g ta~ghal n~g Biblioteca de Filipinas 
Kasa~gguni n~g Lupo~g sa Pátakarán at Palatuntunan N~g Una~g 
Kapulu~ga~g Balagtás, 1922. Kasapi sa «Ilaw at Panitik» 
 
=PAUNA~G SALITA= 
Isa~g sulirani~g kasalukuyan na humihi~gi n~g isá~g ágara~g paglutas 
ay a~g náuukol sa pagsisikap na tayo'y magkaroón n~g isá~g wika~g 
pambansâ na makabibigkís n~g boó~g higpít sa atin sa isa~g 
pagkakáwatasa~g ganáp sa tuló~g n~g isá~g sarili~g wikà, upá~g 
mapapánatili~g lagi~g mainit, nagáalab at nakadádará~g yaó~g dî 
mati~gkalá~g mithî na pinagbubuan n~g lalo~g mahalagá~g dugô at 
itinulò n~g masasakláp na luhà n~g m~ga naulila doón sa m~ga 
bayani~g naiwan sa ságupaan sa kadilimán n~g gabi. 
A~g sanhi~g itó rin a~g pinagbuhatan n~g isá~g katagâ n~g kapulo~g 
na Lope K. Santos na~g kasalukuyá~g pinagtátalunan sa Kapulungang 
Balagtas niyaó~g ikalawa~g araw n~g Abril n~g taó~g isá~g libo 
siyam na raán at dalawampuo't dalawa, a~g suliranin n~g pagtuturò 
n~g wika~g Tagalog sa m~ga páaralan na anyá'y «anó~g aklát a~g
pagáaralan n~g ati~g m~ga batà sa wikà~g Tagalog?» 
Ipinagtátapát ko~g sa kasalukuyan, ku~g may m~ga aklát ma~g 
Tagalog na náuukol sa m~ga Balarilà n~g wikà ay tahás na dî 
tumútugón sa m~ga pagkakáunlád n~g wika~g Tagalog dito sa dáanang 
taó~g ika dalawam puo yayamá~g a~g m~ga yaón ay halos tinagalog 
lama~g sa m~ga aklát na gayón din a~g urì na m~ga ibá~g wika~g 
Kastilá ó Ingles, n~guni't di nagtátagláy n~g sarili~g diwà at m~ga 
paraán n~g wika~g Tagalog sa kanya~g sini~g na sarili~g sarili. 
Dahilán a~g sanhí~g itó na~g ipinagpanayám namin n~g kasalukuyá~g 
Patnugot n~g Instituto de Mujeres na nagmu~gkahi sa akin, na bila~g 
pa~guna~g aklát ay lumimbág muna n~g isá~g babásahi~g 
káwiwilihan n~g m~ga nagáaral sa sarili~g wikà, n~guni't sinikap ko~g 
sa pagtugón sa kanyá~g mungkahi ay yumari n~g isá~g aklát na ta~gi 
sa káwiwilihang basahin ay kápupulutan namán n~g m~ga dakilá~g 
huwaran sa kapitápitaga~g halimbawa~g ipinamana sa atin n~g m~ga 
bantóg na m~ga kababayan na sa gálawan n~g kanila~g kalágayan, 
magi~g sa kapamayanán, sa duno~g at sa kabayanihan man ó sa 
pagtatá~ggol n~g m~ga dakila~g mithî, ay kinábakasán n~g tápata~g 
pagibig sa mutyâ nati~g Pilipinas. 
A~g sa langit ng bayang Pilipinas ay nipót n~ga sa init n~g ha~gád na 
a~g wika~g Tagalog ay magi~g isa~g wika~g pagbansâ, at yáyama~g 
a~g napili nami~g batayán ó sáligan n~g aklát, ay a~g kagyát máukit sa 
pusò n~g ati~g m~ga batà a~g sarisari~g aral na inii~gatan n~g m~ga 
dakila~g pa~gyayari sa sarili~g lupà ay    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.