Justicia Nang Dios 
 
The Project Gutenberg EBook of Justicia Nang Dios, by Mariano 
Sequera This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and 
with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away 
or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included 
with this eBook or online at www.gutenberg.net 
Title: Justicia Nang Dios 
Author: Mariano Sequera 
Release Date: October 10, 2004 [EBook #13683] 
Language: Tagalog 
Character set encoding: ISO-8859-1 
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK JUSTICIA 
NANG DIOS *** 
 
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG 
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by 
University of Michigan. 
 
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is 
marked as ~g.] 
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa 
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay 
hindi na ginagamit.]
JUSTICIA N~G DIOS 
M~GA ILANG BAGAY NA INASAL DITO SA FILIPINAS NANG 
MAN~GA FRAILE, 
SINULAT NI 
MARIANO SEQUERA 
Redactor sa pamahayagang ANG KAPATID N~G BAYAN, EL 
GRITO DEL PUEBLO at sumusulat sa iba,t, iba pang nilalathala dito 
sa Maynila. 
UNANG BAHAGUI NANG ¡NASAAN ANG DIOS! 
1.ª Edicion. 
MAYNILA 
LIMBAGAN NI CHOFRÉ Y COMP.ª 
Escolta, num. 33 
1899 
 
Sa Inang Filipinas. 
Sa tanang supling mong tunay cong capatid na sa iyo'y nag-alay n~g 
bun~ga n~g isip ibig cong pumisan, cutad man ang bait, at maguing 
dan~gal co sa buhay na quipquip. 
N~g upang sacaling man~giba mang bayan na hindi sarili,t, 
tungtun~gán co lamang, ¡Ina co'y! marinig mauica n~g ibang aco ay sa 
iyo marunong magmahal. 
Caya n~ga,t, ang unang sumupling sa bait na hinog na bun~ga sa 
tangcay n~g saquit alay co sa iyo at pag-asa'y labis na ito'y sacsi rin 
n~g aquing pag-ibig.
Yayamang dugo co, catauan at buhay, talagang iyo na, ¡oh! Ina cong 
bayan! bulaclac n~g isip ay ibig co namang ilangcap sa aquing sa iyo'y 
pagdamay. 
Sa bagay na ito'y cung aco'y sumapit sa pooc na ari n~g dalita,t, hapis, 
itong alaala'y, papaui sa saquit sanhi rin sa iyo ¡oh! bayan cong ibig. 
Hanganang co ito,t, aquing ipapaling ang tan~gang cong pluma sa ibig 
lumining nitong pinag-ugnay n~g bait na angquin yamang talastas n~g 
sa iyo ang dahil. 
MARIANO SEQUERA. 
 
Pasimulá. 
Manang isang hapong dinalao ang buhay niyaong magcaumpoc na 
lungcot at lumbay, sa isang uupan aco'y, nagulaylay at pinaguauari 
itong calagayan. 
Ualang ano ano'y, sumilang sa isip yaong paglilibang sa jarding 
mariquit caya n~ga,t, sa lagay aco ay tumindig hinanap ang simoy n~g 
han~ging malamig. 
At aquing tinun~go na cusang hinanap ang pooc na tunay n~g tanang 
bulaclac pagdating co roo'y, pinili co agad ang lalong mariquit, at 
aquing pinitas. 
N~guni at nalooy, nalagas na tunay nalanta n~gang cusa,t, ban~go ay 
naparam, napaui ang gandá, lumipas ang culay, caya,t, ang puso co ay 
muling nalumbay. 
At saca inisip cung ano ang dahil bulaclac na tan~gan nalungcot naman 
din, puso co'y tumiboc n~g tiboc mahinhin at uari'y, pinucao ang 
aquing panimdim. 
Pinag-ugnay-ugnay yaring paquiramdam saca binalangcás sa isip ang 
bagay, niyaong co natanto,t, nabatid na tunay, ang lungcot na yao'y,
dahil din sa bayan. 
Dito co nabatid cung saan nagbuhat, cung saan sumupling ang lumbay 
n~g lahat, pagca,t, natanto co ang fraileng dulin~gas ay binubusabos 
Inang Filipinas. 
At tuloy dinalao itong ala-ala niyaong ualang n~galan na aquing 
naquita asal na mahalay guinaua n~g cura sa isang mag-inang 
ipinahamac niya. 
Ang nangyaring ito'y siyang isusulit at gauing liban~gan n~g tanang 
capatid JUSTICIA N~G DIOS siya cong na-isip itauag sa gayong 
namasda,t, nabatid. 
Ang sumulat. 
 
Puno nang salita. 
Cailan mang panahon ang casamaan cung umiral ma'y sa sandali 
lamang Aco. 
May isang mag-inang taga ibang bayan, aquing nalimutan cung ano 
ang n~galan; ang mag-inang ito'y, mahirap ang buhay, baquit ulila na 
sa dapat magmahal. 
May loob sa Dios ang babayeng anac may impoc na puri baga ma,t, 
mahirap maganda ang asal, matamis man~gusap sino mang tumin~gi'y 
malulugod agad. 
Ang caniyang ina,y lubha ring mabait di saquim sa pilac, totoong 
malinis, sa arao at gabi'y ualang ini-isip cung hindi ang gutom canilang 
mapatid. 
Sa isang paraang mabuti,t, mahusay, at hindi naghan~gad n~g anomang 
yaman, cung di yaong anac malinis matanao sa harap n~g mundo,t, 
hangang calan~gitan.
Dapua,t, niyaon n~ga'y may isang dumating sa canilang bayan isang 
fraileng saquim; at doo'y nagcura nan~garal na tambing n~g utos n~g 
Dios na dapat ganapin. 
Diua ay dinalao n~g gauang pagsinta ang puso at loob n~g nasabing 
cura, caya,t, monaguillo'y, tinauag pagdaca,t, agad pinahanap n~g isang 
dalaga. 
Aniya'y, libutin ang loob n~g bayan at iyong sabihin sa m~ga 
magulang na may m~ga anac na dalagang tunay na sa arao arao'y, pasa 
sa simbahan. 
At huag lilimuting sila ay sasaglit matapos magsimba sa convento'y, 
manhic at ito'y, bilin co siyang isusulit sapagca,t, utos n~ga: n~g Dios 
sa lan~git.    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
