Justicia Nang Dios | Page 4

Mariano Sequera
sa aquin asahan mo na n~ga na may sasapitin ang lagay mong iyan na calaguimlaguim, marahil hindi mo maubos tayahin.
Hangang nagsusulit ang curang halimao, ang batang babaye'y nag-utos na tunay n~g palihim pa n~ga confesor tauagan sa caniyang bahay siya'y saclolohan.
Caya n~ga't nag-abot ang dalauang ito sa bahay n~g bata, cura at clérigo, dito na minulan yaong pagtatalo tungcol sa gagauin n~g tunay na tauo.
Ang uica n~g cura, sa bata ang tin~gin icao ay sumamang madali sa aquin, dito na tumugón clérigong mahinhin aniya'y turan mo cung ano ang dahil.
--Siya'y nagtaanan sa aquin convento nilibac ang utos Santo sacrificio, caya n~ga at n~gayon aco'y naparito upang parusahan sa dahil na ito.
Sagot n~g clérigo'y icao ay tumahan huag cang humanap n~g lilong dahilan, cung caya ang bata sa iyo'y nagtanan dahil sa ang ibig puri ay in~gatan.
Sapagca't icao n~ga'y di dapat tauaguing ministro n~g Dios, lubhang maauain, dahil sa asal mo'y totoong napuing sa hatol n~g lan~git na ualang cahambing.
Sinisira mo n~ga bilin n~g _cánones_ nilalabág mo pa sampuo pa n~g leyes, ?hindi mo ba tantong doo'y nacatitic na baual sa clero ang asal bulisic?
?Hindi mo ba alám ang dapat asalin n~g sino mang fraile, anomang marating? ?di ba sa breviario may tunay na bilin sa clero'y ang linis, ang dapat gamitin?
Cung ito'y alam mo ?baquit mo hinamac ang mahal na bilin n~g leyes na lahat, sanhi sa nais mo na nasa n~g oslac? hayop ang sa iyo'y dapat na itauag.
Tumugon ang curang may impoc na galit tiguil sinun~galing, icao ang bulisic marunong sa lahat, pati pa n~g lan~git ibig pang maabot n~g haling na isip.
Sumagot sa gayon, doroong clérigo n~g uicang mamaya magquiquita tayo, tutun~go sa Juez at isusumbong co ang causa criminal na iniimpoc mo.
Alam cong icao n~ga't di ibang tunay siyang nagpasunog sa caniyang bahay, doon n~ga rin naman tupóc na namatay ang ina n~g batang ualang casalanan.
Pagcauica nito'y umalis na agad yaong Juzgado ang siyang hinanap, sa bagay na ito'y ang cura'y nasindac caya't natiguilan sa sandaling oras.
Mapamayamaya dumating ang juez clérigo'y casama't sa bahay pumanhic, dito n~ga inabot ang curang bulisic na hinihimuyot ang bata sa lihis.
Pagpasoc n~g juez doon sa pintuan pagdaca'y nagsulit sa cura sa bayan, aniya'y sumama sa aquin n~ga icao sa n~galan n~g ley bilango cang tunay.
Ang tugón n~g cura di cana nan~ganib na aco'y bilango sa aqui'y isulit, di mo ba tantong ang gayon ay lihis aco'y cahalili n~g Dios sa lan~git.
?Hindi baga alam may capangyarihan ang sino mang fraileng magcura sa bayan, na gobierno't leyes dapat na gumalang ang gayon ay hatol n~g sangcalan~gitan?
Sumagot ang juez n~g sagot matigás aniya'y itiguil ang bibig mo oslac, acala mo yata aco'y nagugulat sa isang paris mong, catulad ay ahas.
Papa man sa Roma'y pipiiting co rin cung siya'y suminsay sa leyes na bilin, pagtupad na ito ay utos sa aquin n~g lan~git at lupa; ?oh! ?tauong haling!
Icao po'y magsulit sabi sa clérigo ang tanang nangyari'y n~g matalastas co, clérigo'y tumugón ang batang narito ang lalong mabuting magsabi sa iyo.
Dito na minulan n~g batang babaye ang lahat n~g bagay, at tanang nangyari, sa bagay na itó'y ang cura'y nagsabi na yao'y di tunay lilong pamarali.
At ang sinabi pang parang idinugtong iyan ay bun~ga n~ga ng isip na pusong, naritong clérigo na may nilalayong mahalay sa bata ... ?oh asal ulupong!
Clérigo'y sumagot sa ganitong turing ?oh fraileng halimao, tauong sinun~galing! cung ano ang puti n~g hábitong angquin sa dugó mo naman ay siyang ca-itim.
?Nahiga ca na ba't humilig na cusa sa piling na ualang caparis na sama? ?di na ba naumid ang lilo mong dila sa halay n~g sulit na ualang camuc-ha?
?N~gayon ba't sala mo'y mapaparusahan ang ibig mo naman aco ay idamay? sa sama mong quilic, pati n~g catouiran ibig mong bulaguin ... ?mahalay na asal!
Cung dito'y manaog ang tunay na Dios at cusang masilip ang asal mong hayop, sa iyo'y icacapit, sa laqui n~g poot bagsic n~g parusang ualang maca ayos.
Sa bagay na ito'y ang doroong juez sa curang may sala ay cusang lumapit, at saca nag-uica n~g ganitong sulit dumating ang oras, maghari ang matouid.
Sa hiya n~g cura ay nagpacamatay sa oras na yaong hindi namalayan, nino mang doroon cundi napaquingan ang putoc n~g isang revolver na taglay.
Caya't n~g maquitang siya ay patay na clérigo'y lumapit sa batang dalaga, aniya'y masdan mo't tunay natupad na _justicia n~g Dios, totoong justicia_.
At saca iniutos, ang patay ilibing ang juez naman n~ga'y umoui n~g tambing, at saca ang _causa'y_ tinapos naman din n~g tama sa utos n~g matouid na bilin.
Clérigo'y umoui at bata'y iniuan sa guitna n~g isang toua, at casayahan, dahil sa natapos pan~ganib na taglay n~g caniyang puring inin~gat-in~gatan.
* * * * *
Ito ang nangyari, nabasang capatid ititiguil co na't bahalang mag-isip, cung ang fraile'y dapat tauaguing mabait ó tauong uala na ni puso ni dibdib.
Masdan mo rin naman, cung dapat quilanling ministro
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 8
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.