na sa m~ga kabataan 
dahil sa m~ga na didin~gig sa matatandá. Wala n~g luhang tumutulò sa 
aking m~ga matá, sampu niyang mapait na yaman n~g ating panin~gin 
na wari'y nagpapaginhawa n~g kaunti kung dumaloy ay nagkait na sa 
aking kapighatian, sapagka't sa dalawang araw na itinan~gis ay natuyo 
na mandin, ¡Gaano ang sising bumukal sa aking bibíg, sa dahiláng 
ako'y hindi pa malakí! ¡Higantí at higantí ang sumusulak sa aking 
dibdib! Higantí sa mayamang gumagá sa aming pagaari at humalay sa 
puri ni iná; higantí sa m~ga justiciang hindí nagtangol sa nilupigan, 
kundi bagkús nagpahirap sa naapí. Nang ako'y aalis na sa aming bahay 
ay siyang pagdating n~g isang taong nagsalita sa akin n~g ganitó: 
--¿Ikaw ba amáng ang anák ni máng Mundó? 
--Opó. 
--Nabatid kong lahát ang nangyari sa inyóng magaanak at natantó ko 
rin na ikaw ay ulila n~g lubos. Akó ang naglibíng sa bankay n~g iyóng 
iná. 
--¡Oh salamat pó.--ang wika kong kasabay ang pagkakaluhód sa 
harapan n~g taong iyón. 
--Ikaw ay waláng kamaganakan dito, sapagka't ang m~ga magulang 
mo'y tagá S. José sa Morong ¿ibig mo bang sumama sa anák ko sa 
Maynila upang mag-aral doon? Ikáw ay hindi ko ibibilang na alila, 
kundi pinakakasama lamang n~g aking anák; ikáw may magaarál din. 
Sa lakí n~g utang na loob ko sa taong iyón ay hindi ako nakasagót, n~g 
ayaw kahit lubos na nálalaban sa loob ko ang maging utusán. 
Pinasalamatan ko ang himok na iyon at ako'y sumama.
Man~ga iláng araw lamang ang nakaraan, at, iyóng batang patáy gutom, 
iyóng ulilang walang kamag-anak ay naging isang nagaaral sa S. Juan 
de Letran at kasakasama kahit saan pumaroon ng isang kapwá batang 
anák ng matandáng maawaín. Hindí alilang utusán ang kanyang lagáy 
kundi isáng anák dín n~g nagaampon at kapatid n~g kaniyang anák. 
Nagdaan ang pitóng taón, at sa panahóng iyón mandín ay naparam sa 
alaala ko an~g aking karukhaan at ang kahapishapis na kinahinatnan 
niyong m~ga sawing palad kong magulang at nákatulog warí sa loob 
n~g aking batang puso iyong higantíng halos sinunpaan ko sa sarili. 
Dátapwa't dumating ang isang araw na kaming dalawang nagaaral ay 
naanyayahang dumaló sa isang piging sa daang Dulumbayan sa 
Maynila at doon ay dumaló rin ang isang kasama namin sa Colegio na 
kaakbáy ang kaniyang amá, na, mula n~g dumatíng ay waring pumasok 
sa loob kong ang pagmumukháng iyón ay aking naaalala. Inanyayahan 
kaming kumain at sa paguupuan sa dulang ay nápasiping sa akin ang 
matanda. Iláng salitaan ang nábuksan at sa isang paguusap n~g ukol sa 
m~ga bayánbayán ay napasalin~gít ang pagkakakílala na kami'y 
magkababayan. 
--Iyan man po'y kababayan din natin--ang turing n~g anák ng 
nagampon sa akin at itinuro akó sa mantanda. 
--¿Ito?--ang tanóng na wari'y may muntíng pagkakamangha n~g 
kinausap at ako'y pinagmasdan--tila n~ga naaalala ko ang mukhang itó 
¿nagaaral din bang kasama ninyó? 
--Opo ang tugón n~g aking kasama--iyán po ang anák ni máng Pitong 
at ni aling Mensia. 
--¡Pitong, Mensia!--anáng--matanda na wari'y hinahalungkat sa 
kaniyang pagiisíp ang gayóng m~ga pan~galan--¡Ah! naalala ko na, 
kung gayón ay itó ang anak ng nagnasang mangloob sa akin. 
Nang madin~gig ang sabing iyon ay nalitó akó, ang lahat n~g dugo ko 
mandin ay sumulák sa aking mukha at ang noo ko'y nagalab.
Sa isang kisáp matá halos ay tuminbuang ang matanda sa tabí n~g 
dulang dahil sa sugat na gawa n~g sundang na kagamitán sa pagkain. 
Ang sumunod na bumulagta sa isá pang saksák ay ang anák na 
nagnasang magsangalang sa amá. 
Pagkatapos niyón, ako'y nagtatakbó na hindi alám kun saan tutun~go, 
at daig ko pa ang ulol. 
Ako'y hindi nahuli at nakarating akó sa Novaliches n~g gabí ring yaón. 
Nang kinámakalawahán ay isá na akó sa inyó at magmula niyón ay ... 
--Nagbago ang palakad--ang putol ni Patíng--magmula niyon ay 
dumalang na ang panghaharang sa m~ga daanan, n~guni't lumimit ang 
paghahati n~g m~ga salapíng nágagahís sa pangloloob. Magmula noo'y 
bayan ang tirahan n~g lahát, ang bundók ay nagíng isáng tagpuan n~g 
m~ga magkakasama at ang yun~gíb na dating tahanan n~g m~ga 
pinaguusíg n~g civil ay naging tahanan n~g m~ga binibining binibihag, 
na matapos maalagaang wari'y m~ga princesa ay pinauuwing hindi 
man pinakikinaban~gan n~g sino man sa atin at wala mang tubós. Itóng 
ating inaabatan n~gayon na ilang sandali na lamang at ikakasal, ay 
babantayan na namán marahil at pagkatapos ay ibabalik na muli sa 
kaniyang magulang n~g ... walang anó man. 
--Ang gayon ay hindi dapat ipagdamdam n~g isá man sa inyo, 
sapagka't kahit hindi ko hinihin~gan n~g tubós ang m~ga binibining 
binibihag ay hindi namán nawawala ang inyong kahati sa pagpapagod. 
--Oo, n~ga po; n~guni't ang dinaramdam naming lahat ay ang hindi mo 
man lamang pinakikinaban~gan ang m~ga bihag na iyán, dahil sa kung 
makaraan ang dalawang araw sa pagkakapiit at matanong mo kung may 
isá man lamang na lumapastan~gan, umaglahi ó nagkulang sa balang 
násabi ay pakakawalan mo    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
