ang m~ga 
"orgulloso" kong manggagawa ay nagsipagaklas. Ayaw na tanggapin 
ang pagbababa n~g kaunti sa kaupahan sa bawa't "vitola." Sila'y 
nagsiaklas at ang akala marahil n~g m~ga walang utang na loob na 
iyan ay susuko kaming m~ga mamumuhunan. Susubukan namin kung 
hanggang saan aabot ang kanilang pagmamatigás; magpatuloy sila sa 
kanilang aklasan at tingnan ko lamang kung di sila mamatay sa gutom. 
Dahil sa bagay na iyan ay ipinatawag kita, at ang ibig ko, sampu rin 
naman nila, na pawang m~ga mamumuhunan sa pagawaang ito--at 
sabay na itinuro ang m~ga kaharap--ay gumawa ka rito, at tuloy 
humanap ka n~g ibang magiging kasama. 
--Ako po'y ... 
--Nalalaman ko--ang putol agad n~g Namamahala--na ikaw ay may 
pinapasukan; datapwa't nalalaman ko rin, na ang iyong kinikita roon ay 
hindi makasasapát sa iyo at sa iyong asawa't m~ga anák. Dito, kung 
papayag kang gumawa, at man~gan~gako pang hahanap n~g ibang 
magsisigawa rin ay bíbigyan kita n~g katan~giang makagawa n~g 
hanggang ibig mo; alalaong baga'y hindi ka tatasahan sa m~ga 
"material" na gagamitin, at sa gayo'y kikita ka n~g higit sa lahat, higit 
sa dating kaupahang ibinibigay dito at higit pa rin sa kinikita mo sa 
kasalukuyang ginagawán mo. ¿Anó, nanayag ka ba? 
Si Pablo ay hindi magkantututo n~g isa-sagot; napipigilan siyang 
umayon, hindi sapagka't ang "conciencia" niya ang tumututol, kundi sa 
takot sa m~ga nagsiaklás. 
Hindi naman niya matanggihan ang gayong pagaalók, sapagka't naiisip 
niya na yaon ay isang magandang pagkakataon na dapat niyang 
samantalahin upang ikita n~g malaki. 
Uulik-ulik ang kanyang isip at walang malamang isagót; kaya't nang 
mamalas n~g m~ga kaharap ang gayon niyang pagaatubili ay 
nagkindatan muna at pagkatapos na sumun~gaw sa kanilang m~ga labi 
ang isang n~giti ay winika n~g Tagapamahala. 
--Anó ang iyong sagót?
At si Pablo, sa tanóng na itó ay parang nabuhayan n~g loob; kaya't ang 
tugón: 
--Ako po'y pumapayag; n~guni't nag-aalaala po ako na baka ... 
--Huwag kang matakot ... Ikaw ay hindi maaano ... Tatangkilikin ka 
n~g Pagawaan sa pamamagitan n~g m~ga batás ... Upang matangkilik 
ka at gayon din ang ibang kasamahan mong dadalhin dito ay 
magpapadala kami rito n~g ilang pulis na tatanod. 
--Kung gayon po'y ... 
--Asahan mo--ang hadlang n~g kausap. Huwag kang matakot; gawin 
mo ang lahat nang magagawa upang sa loob n~g linggong ito ay 
makapagpasimula na kayo. 
--Ang naiisip ko po ay si Gervasio ang unang hikayatin, yayamang siya 
po ang nan~gun~gulo sa kilusán; at inaasahan ko po, na kung ito ang 
makukuha natin ay lalong madadali ang pagsunod n~g iba. 
--Ikaw ang masusunod; at lalong mabuti, kung mahimok mo siya ... 
Ipan~gako mo rin ang m~ga bagay na ipinan~gako namin sa iyo. 
--Ako na po ang bahala--at sabay na nagtindig sa kinauupán at 
pagkatapos ay ang patuloy:--Ako po'y aalis na. 
--Oó--ang tugon n~g Tagapamahala, at pagkatapos na makadukot sa 
bulsá, ay ang patuloy:--Tanggapin mo ito, upang may magugol ka man 
lamang sa m~ga pagyayao't dito--at sa kamay ni Pablo ay iniyabót ang 
dalawang tiglilimang pisong papel. 
--Salamat po--ang nakatawang tugon n~g pinagbigyan at sabay na 
isinabulsa ang sampung piso.--Ako po'y aalis na,--ang dugtong pa. 
--¡Adyos!--ang tugon sa kanya n~g kausap. 
Isang malakás na halakhakan ang isinunod n~g m~ga naiwan nang 
makalabas sa pinto si Pablo.
--¡Nakabili na tayo! ¡nakabili na tayo...!--ang sunodsunod na wika pa 
n~g m~ga mamumuhunan na lalong pinakalakás ang pagtawa. 
Samantala naman, si Pablo, ang bagong Hudas, ang walang puso at 
kaluluwang manggagawa, ay nagpatuloy sa kanyang paglakad, at 
binabalangkas sa mahina niyang pag-iisip ang kung ano at paano ang 
mabuting paraang dapat niyang gawin upang si Gervasio ay mahimok, 
at sa pamamamagitan naman nitó, ay makaipon n~g m~ga taong dapat 
na ipasok sa Pagawaang inaklasan. 
M~ga manggagawang gaya ni Pablo ay marami pa at di hamak na 
malilipol sa Pilipinas. 
 
=IV= 
=Tatlong= araw ang lumipas buhat sa huling m~ga pangyayari. 
Ang aklasan ay patuloy, at ang pagawaan ay hindi pa rin pinapasukan 
n~g sino mang manggagawang tabakero. 
Ang matalinong pagsisikap n~g Kawanihan n~g Paggawa sa 
ipagkakasundo n~g dalawang pangkat na naglalaban ay walang napala; 
nabigo ang lahat n~g pag-asa n~g Tagapamahala n~g "Bureau del 
Trabajo" sa ikahuhusay n~g sigalot sanhi sa pagmamatigas n~g m~ga 
mamumuhunan sa Pagawaang pinagaklasan. 
Makaitlong nagpabalikbalik sa Pagawaan ang Tagapamahala sa 
Kawanihang nasabi, subali't yaon at yaon din ang sagót n~g m~ga 
mamumuhunan. Hindi na nila mababago ang ipinasyá ... Ganito ang 
laging panagót. 
Noon, ay umaga rin, at ang Lupon n~g m~ga manggagawa ay 
nakipagkitang muli sa Tagapamahala n~g Kawanihan n~g Paggawa, 
upang alamin dito ang tayo n~g salitaan; datapwa't walang natamong 
tugon dito kundi ang salitaang nabibitin ay patuloy sa dating lagay. 
Hindi nagbabago at lalong nagpapakatigás ang m~ga kalaban.
Tiyaga at pagtitiis, ang tan~ging inihahatol n~g Kawanihan sa m~ga 
nagsiaklas, yayamang liban dito ay wala nang magagawang iba. 
--Inaasahan ko--ang patuloy pa n~ga n~g nasabing Tagapamahala--na 
sa huli ay mahuhusay din ang lahat nang sigalot sa ikasisiyang loob 
n~g    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.