catauáng
caaya-aya.
Ano'i, nang gumaling naman at siya nga'i, macagalao, ang lobo'i, nuha pagcuan nang
tatlong botellang hirang.
Dalaua'i, tali sa paá cagát sa bibig ang isa, saca umalis pagdaca itong lobong encantada.
Nagtulóy na capagcuan doon sa ilog nang jordán, nagcataóng nalilibang yaong manga
nagbabantay.
Isinaloc nanga niya ang daláng tatlóng botella, at lumipád capagdaca ito ngang lobong
masiglá.
Hinabol na capagcuan niyong tanang nagbabantay, ang lobo'i, napailanláng at di nila
inabutan.
Nang ito'i, dumating naman sa príncipeng cay don Juan, ang ulo'i, agad binusan tuloy
hangang talampacan.
Nang siya nga ay mabusan tubig na galing sa jordan, nagbango't, lumacás naman itong
príncipeng marangal.
Quinuha na niyang tambing diamanteng naiuang singsing, sa aua nang Ináng Vírgen lobo
ang nagparaan din.
Si don Jua'i, quinasihan nang Dios na Poong mahal, nacaahong matiuasáy sa balóng
quinalalag-yan.
Ang nasoc sa calooban nitong príncipeng timtiman, moui siyang magtuluyan sa caniyang
caharian.
Sa pag-lacad ni don Juan sa bundóc at caparangan, nagdamdam nang capagalan sa
tinding sicat nang Arao.
Sa isang puno nang cahoy na malaqui't, mayamung mong siya roon ay sumilong at
humilig naman tuloy.
Sa calamigan nang hangin at tantong caalio-alio, ay agad nang nagupiling itong
príncipeng butihin.
Ano ay caguinsa-guinsa doon sa pagtulog niya, siya nangang pagdating na mahal na
ibong Adarna.
At sa tapat ni don Juan sa cahoy na sinilungan, namayagpag at naghusay balahibo sa
catauán.
At saca siya nagcantá nang tantong caaya-aya, don Juan magbangon na sa tulog mo'i,
gumising ca,
Sa voces na mataguinting siya'i, agad na náguising, at pinaquingang magaling ang sa
ibong pagtuturing.
Malaquí mong ala-ala sa princesa Leonora, may lalo pa sa caniya nang cariquitan at
ganda.
Malayo nga rito lamang ang caniyang caharian, at malapit siyang tunay sa sinisicatan
nang Arao.
Na cun siya mong macuha at iyong mapangasaua, dito sa mundo'i, pang-una sa cariquitan
at ganda.
Yaong tatlong princesa sa haring Salermong bunga, si doña María Blanca, ang matandá
sa dalaua.
Sunód si doña Isabel parang maningning na garing, si doña Juana'i, gayon din ang tala'i,
siyang cahambing.
Hayo lacad na don Juan sa reino nang de los Cristal, ipagcacapuri mo naman sa haring
iyong magulang.
Nang ito ay maringig na nitóng príncipeng masiglá. naualá sa loob niya ang princesa
Leonora.
Lumacad na nagtuluyan ang príncipeng si don Juan, caniyang pinatunguhan sinisicatan
nang Arao.
Aquing lisanin na muna yaong pag-lalacad niya, at ang aquing ipagbadyá ang princesa
Leonora.
Arao, gabi'i, tumatangis sa quinalalaguian'i silid, ang caniyang sinasambit, si don Juang
sintá't, ibig.
Cun caya humingi aco nang pitóng taóng término, si don Juan ang hintay co caya nagtitiis
dito.
Na cun hindi ca binuhay nang lobo cong pinaualán, caloloua mo man lamang aco'y
paqui-usapan.
Ito'i, itiguil co muna pananaghoy nang princesa, at ang aquing ipagbadyá si don Juan de
Berbania.
Tatlóng taóng ualang culang ang pag-lalacad sa párang, hindi niya maalaman ang reino
nang de los Cristal.
Sa malaquing capalaran nang príncipeng si don Juan, ay nasalubong sa daan ang isang
matandang mahal.
Anang príncipe at badyá núno'i, magdalang áua ca na cun may baon cang dalá aco'i,
limusan po niya.
Sagót nang matanda naman mayroon nga acong taglay, munting duróg na tinapay
quinacain co sa daan.
Narito't, cumuha ca na at nang huag magutom ca, nang cay don Juang maquita ay
nasuclám bagá siya.
Ang tinapay ay maitim ang isa pa ay bucbúquin, sa malas niya at tingin nacasusuclám na
canin.
Sa malaquing cagutuman nang príncipeng si don Juan, nuha nang munti lamang at para
bagang titicmán.
Nang caniyang malasahan itong bucbúquing tinapay, masarap at malinamnam parang
cahahango lamang.
Anitóng matandá bagá ang aquing bumbóng na dalá, may lamang pulót aniya cumuha at
uminóm ca.
Humigop na si don Juan nitong pulót nang puquiotan ay naualá capagcuan ang caniyang
cagutuman.
At nulí ngang nag-uica pa matandang causap niya, diyan sa bumbóng na isá may lamáng
tubig aniya.
Huag mong ubusin lamang caunti aco't, iuanan, at mahaba pa ngang aráo ang pag-lacad
co sa párang.
Nang maquita ni don Juan yaong bumbóng na may lamán, ay isang dulong cauayan ang
siyang quinalalag-yan.
Uica nang principe at badya núno po ay maquinig ca, cun ito'i, ubusin co na munti ma'i,
ualang itirá.
Sagót nang matandá naman inomin mo na don Juan, cahit aco'i, maualá man huag icao
ang magculang.
Ininóm na ni don Juan tubig na camuc-ha'i, cristal, sa Dios na calooban hindi nagculang
munti man.
Nang caniyang mapagmasdan ang tubig ay di nagcuculang, ang matandáng ito naman
segurong may carunungan.
Umulit pa ngang nag-uica itong príncipeng daquila, ugali nang isang bata ang magtanong
sa matandá.
Sagót nang matandá naman sabihin mo't, iyong turan, ang loob co'i, namaáng nang
layong pinangalingan.
Isinagót ni don Juan ganitó po ay paquingan, ang aquing pong pinapacay ang reino nang
de los Cristal.
Sagót nang matanda'i, ito Jesús na Panginoon co, ang pag-lalacad cong ito isang daang
taóng husto.

Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.