Diego. 
Sa guinauang caliluhán sa capatid nilang hirang, cun ano ang catampatang parusang 
dapat ibigay. 
Ang sagot nang calahatán destierro'i, ang carampatan, nang huag silang mapisan sa 
príncipeng cay don Juan. 
Nang cay don Juang matatap ang hatol na iguinauad, siya ay nagdalang habág sa capatid 
niyang liyág. 
Lumapit capagcaraca sa harap nang haring amá, dinguin nang vuestra alteza ang aquing 
ipagbabadyá. 
Alang alang sa corona at hauac na cetro niya, huag nang biguiang parusa ang capatid 
cong dalauá. 
Cun sila'i, ipadalá man sa malayong caharian, di co mababatang tunay na hindi 
paroroonan. 
Caya haring aming amá patauarin na po sila, sa Dios ito'i, talagá ang guinaua nilang sala. 
Ang di magpatauad naman sa guinauáng casalanan, ay di rin naman cacamtán ang gloria 
sa calangitán. 
Nang sa haring maunaua yaóng cay don Juang uica, pinatauad alipala yaóng dalauang 
cuhilá. 
Nagsamang nuling mahusay doon sa palacio real, ang hari nag-uica naman sa tatlóng 
anác na hirang. 
Cayong tatló'i, halinhinan sa ibong co'i, magbabantay, ang magpaualáng sino man 
macacapalit ang búhay. 
Sa cahabaan nang arao nang canilang pagbabantay, di mauala sa gunam-gunam cay don 
Pedrong cainguitan. 
Ang guinaua nilang laláng ang dalaua'i, magsasabáy, saca hahalili naman ang príncipeng 
si don Juan. 
Ay nang isang gabí bagá ang ora'i, á las doce na, guinising na nang dalaua ang bunsóng 
capatid nila. 
Si don Juan ang nagbantay niyaong gabing calaliman, nang magmamadaling arao siya'i,
agad nagulaylay. 
Ang cay don Pedrong nilaláng linapitang dahan-dahan, yaong jaula at binucsan ang ibon 
ay pinaualán. 
At saca nga umalis na na nag-ualang quibó siya, ay niyong mag uumaga si don Jua'i, 
naguising na. 
Ano'i, nang caniyang maquita na ang ibon ay uala na, sinidlán nang tacot siya sa mahal 
na haring amá. 
Ito'i, sucat na pagmasdan nang anác na sino pa man, sinong di matacot naman sa castigo 
nang magulang. 
Sa malaquing tacot niya sa búhay na macucuha, nagtaanan capagdaca at siya'i, umalis na. 
Nguni aquin munang lisan ang pag-alis ni don Juan at ang aquing ipagsaysay ang hari 
niyang magulang. 
Nang siya ay maguising na nagtuloy nanga sa jaula, ang pintó ay nacabucá at ang ibon ay 
uala na. 
Capagdaca ay tinauag ang caniyang tatlóng anác, ang dalauang lilo't, sucáb siyang 
lumapit na agád. 
Itinanong capagcuan ang ibon cung napasaan, sagót ni don Pedro't, saysay si don Juan 
ang nagbantay. 
Ang nagpauala po'i, siya doon sa ibong Adarna, at cun cami ngang dalauá huag mo pong 
biguiang sála. 
Ang uica nang haring mahal ay hanapin si don Juan, at nang aquing maalaman cun 
sinong may casalanan. 
Yáo nanga't, lumacad na magcapatid na dalauá, cabunducan ang pinunta si don Jua'i, 
quiniquita. 
Ito'i, aquing pabayaan na pag-lalacad sa párang, ang aquing ipagsaysay ang principeng si 
don Juan. 
Doon naghinahán siya sa bundóc niyong Armenia, tantong caliga-ligaya sa tanang 
bundóc na ibá. 
Ang cahoy sa caparangan cauili-uiling pagmasdan, ang damó'i, gayón din naman sadyáng 
nangagdiriquitan. 
Ipagparito co muna magcapatid na dalauá, ang paghanap sabihin pa cay don Juang bunsó 
nila. 
Sa mabuting capalaran sa Dios na calooban, canilang napatunguhan ang Armeniang 
cabunducan. 
Doon nga nila naquita ang bunsóng capatid nila, si don Diego'i, nag-uica na nang 
ganitong parirala. 
Cun dalhín ta si don Juan sa Berbaniang caharian, quita ang parurusahan nang haring 
ating magulang. 
Ngayo'i, lalong mabuti pa tayong tatló'i, magsasama, at huag nating ipaquita sa mahal na 
haring amá. 
Doon nga tumahan sila tatlóng magcapatid bagá, ang tuá ay sabihin pa sa cabunducang 
Armenia. 
Ay ano'i, caguinsa-guinsa isang balón ang naquita, ibig ni don Juan bagá ang lalim 
mataróc niya. 
May lúbid nga sa ibabao ang balón nilang dinatnán, ay nag-uica si don Juan acó ay 
inyong talian.
Sumagót nga si don Diego aco'i, matanda sa iyo, ang ihulog muna'i, aco, ang lalim nang 
matantó co. 
Si don Pedro'i, nagpahayag aco'i, matanda sa lahat, aco ang siyang marapát na sa baló'i, 
sumiyasat. 
At capag aquing tinangtáng ang lúbid na iyong tangan, hilahin ninyo pagcuan nang aco'i, 
mapaibabao. 
Tinalian nanga siya inahulog capagdaca, tatlong puóng dipa bagá. ang siyang sinapit 
niya. 
Sa malaquing catacután ang lúbid agad tinangtáng, hinila na sa ibabao nang dalauang 
nagtatangan. 
At tinanong nanga nila cun ano bagang naquita, paquingan ninyong dalauá ang aquing 
ipagbabadyá. 
Ang balón cong nilusungan di co mataróc ang hangán, dilím na di ano lamang aco ay 
nahintacutan. 
Ani don Diego naman acó ang inyóng talian, at nang aquing maalaman ang sa balóng 
cahanganan. 
Tinalian capagdaca at siya'i, inihulog na tatatló pa lamang dipá ang siyang sinapit niya. 
Sa malaquing tacot bagá ang lubid ay tinangtáng na, sa ibabao ay hinila nang capatid na 
dalauá. 
Ani don Juan at saysay sa amin ay iyong turan, cun inabót mo ang hangán nang balón 
mong linusungan. 
Sagót ni don Diego naman di co masapit ang hangan, at sa lubhang cadilimán loob co'i, 
nahintacutan. 
Ani don Juan at turing aco ang taliang tambing, at aquing sisiyasatin itóng    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
