masucal mamasdan 
quitang may damdam. 
Cundi mo pahintulutan ang aquing pagpapaalam, ay di mo mamamalayan ang pag-alis 
co't, pagpanao. 
Sa uinicang ito naman ang hari ay natiguilan, at segurong magtatanan ang príncipeng si 
don Juan. 
Lumuhod na capagdaca sa haráp nang haring amá, bendición po'i, igauad na siya cong 
maguing sandata. 
Capagdaca'i, guinauaran at siya'i, binendicionan, at sa reinang iná naman ay lumuhód 
capagcuan.
Ay ano'i, nang matapos na na mabendicionan siya, ay nagtindig capagdaca itong 
príncipeng masiglá. 
Ang despensa ay binucsán nuha nang limang tinapay, siyang babaunin lamang sa 
talagang parurunan. 
Di sumacay sa cabayo nag-lacad nangang totoo, ang príncipe nganing itó cabunducan ang 
tinungo. 
Doon sa paglacad niya ualang tauong naquiquita, paratí sa ala-ala ang Vírgen Santa 
María. 
Cung mahustong isang buan paglacad niya sa parang, ay siyang pagcain lamang nang 
isang baong tinapay. 
Sa isang buan ang isa nang pagcaing muli niya, parang nagpepenitencia nang sa ibon ay 
pagquita. 
Madai't, salita naman at di co na pahabaan, ay naguing apat na buan pag-lacad niya sa 
parang. 
Sa aua nang Vírgen Iná cay don Juan de Berbania, ay dumating capagdaca sa daan na 
pasalunga. 
Nang sa príncipeng matignan taas niyong cabunducan, lumuhód siya't, nagdasál sa 
Vírgeng Ináng marangal. 
Aco'i, iyong caauaan Vírgeng calinis-linisan, at aquin ding matagalán itong mataas na 
daan. 
Nang siya'i, matapos naman pagtauag sa Vírgeng mahal, nuha nang isang tinapay at 
cumain capagcuan. 
Sa limang tinapay bagá na baon niyang talaga, iisa na ang natira na pangpauing gutom 
niya. 
Nang matapos nang pagcain sumalunga siyang tambing, sa aua nang Ináng Vírgeng 
ualang hirap na dinating. 
Nang dumating sa ibabao ang príncipeng si don Juan, doo'i, caniyang dinatnán isang 
leprosong sugatán. 
Anitong leproso't, badyá maguinoó po aniya, na cun may baon cang dalá aco po'i, 
limosán mo na. 
Sa Dios po alang-alang aco'i, iyong cahabagán, cun gumaling ang catauan ay aquin ding 
babayaran. 
Isinagot ni don Juan aco nga'i, mayroong taglay, natirang isang tinapay na aquing baon sa 
daan. 
Dinucot na capagdaca yaong tinapay na isa, caniyang ibinigay na sa leproso na naquita. 
Anitong matanda't, saysay pasasaan ca don Juan, sabihin mo't, iyong turan ang layon mo't, 
iyong pacay. 
Anang príncipe at badyá ganito po'i, maquinig ca, sasabihin cong lahat na ang sadya cong 
quiniquita. 
Ang ama co'i, may damdam sa banig ay nararatay, ang ibong Adarna lamang ang 
caniyang cagamutan. 
Bucód dito ang isa pa ngayon ay tatlóng taón na, na hindi co naquiquita ang capatid cong 
dalauá. 
Anitong leproso bagá don Juan maghihirap ca, at sa pagca't, encantada yaon ngang ibong 
Adarna. 
Nguni't, ngayon ang bilin co ay itanim sa pusó mo. at nang hindi sapitin mo na icáo ay
maguing bató. 
Sa iyong paglalacad diyan ay may cahoy na daratnan, diquít ay di ano lamang 
cauili-uiling titigan. 
Doo', huag tumiguil ca na sa cariquitan niya, totoong ualang pagsala don Jua'i, 
mamamatay ca. 
Sa ibaba'i, tumanao ca may bahay cang maquiquita ang magtuturo ay siya doon sa ibong 
Adarna. 
Yaring limos mong tinapay ay cunin mo na don Juan, nang may canin ca sa daan sa láyo 
nang paroroonan. 
Anitong príncipe't, badyá ugali pagcabata na, na cun mailimos co na ay di co na 
quinucuha. 
Pinipilit na ibigay ang limos niyang tinapay, umalis na si don Juan siya'i, hindi 
pinaquingan. 
Sa mahusay na pag-lacad nitóng príncipeng marilág, sumapit siyang liualas sa cahoy na 
Piedras Platas. 
Nang maquita ni don Juan yaong cahoy na malabay, loob niya'i, natiguilan sa gayon 
ngang cariquitan. 
Naualá sa ala-ala yaóng bilin sa caniya, parang naencanto siya sa cahoy niyang naquita. 
Sa caniyang pagmamalas sa dahong nagsisiquintáb, gayon din naman ang lahat na 
anaqui'i, guintóng uagás. 
Ay ano'i, caguinsa-guinsá na sa panonoód niya, ay parang pinucao bagá ang caniyang 
ala-ala. 
Tinutóp nanga ang noó at nag uica nang ganito, abá at nalimutan co yaóng bilin nang 
leproso. 
Sa ibabá'i, tumingin siya ay may bahay ngang naquita, lumacad na capagdaca itóng 
príncipeng masiglá. 
Nang dumating sa hagdanan napatano capagconan, capagdaca ay dumungao isang 
ermitañong mahal. 
Pinapanhic na sa bahay ang príncipeng si don Juan, at ang ermitaño naman ang pagcai'i, 
inilagay. 
Umupo na sa lamesa nagsalo silang dalaua, ay sa príncipeng naquita tinapay na limos 
niya. 
At nag-uica capagdaca sa loob niyang mag-isa, itong tinapay cong dalá ay baquit narito 
baga. 
Yaóng aquing linimosán leprosong gagapang-gapang, sacá dito'i, ibá naman ermitaño ang 
may tangan. 
Ngayo'i, hindi maisip co sa Dios itong secreto, anaqui'i, si Jesucristo ang mahal na 
ermitaño. 
Nang matapos ang pagcain ermitaño ay nagturing, don Jua'i, iyong sabihin cun anong 
sadyá sa aquin. 
Isinagot ni don Juan sa ermitañong marangal, gayon po'i, iyong paquingan at aquing 
ipagsasaysay. 
Ang sadyá co po aniya dahil sa ibong Adarna, igagamót na talagá sa hari pong aquing 
amá. 
Ang sagot nang ermitaño don Juan iyang hanap mo, maghihirap cang totoo at ang ibo'i, 
encantado.
Isinagót niya naman cahit aquing icamatáy, ituro mo po ang lugar at    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
