Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting | Page 2

José R. Francia
pamamanahin kita, sakali't maglinkod ka n~g tapat sa
aming mag asawa. Kita mong kami ay walang anak na isa man lamang.
--Kung iyon po lamang Lelong, ay pabayaan ninio't pag sisilbihan ko
kayong parang magulang, lalo't ako'y hindi po naman nakakilala n~g
ama't ina at n~g maewan po ako'y musmos pang lubha!
--Wala ka bang m~ga kapatid?
--Wala din po.
--Sus, di magaling: anó, titirá ka na?
--Opo, titirá na ako.
--N~guni't ...tíla hindî ka dapat mag-in~gat n~g m~ga kabulaanang
yaon at baka ikaw ay mapahamak, bata ka pa; gaion man ay aatuhan
kita.
Sa madaling sabi, natirá na n~ga doon si Juan, at mula noo'y ang
panunuyó ang siyang guinamit, anopa't ginawa niyang lahat ang
anoman sa loob at labas n~g bahay.

II
Lumipas ang ilang araw.
Minsang gabí, pagkatapus makapagluto si Juan n~g kanilang hapunan
ay tinawag n~g matanda at pinagsabihan.
--N~gayon ay huwag káng kakain n~g hapunan, at hindi pa tumutugtog
ang "animas" ay pumaroon ka na sa bakuran. Pag patók n~g kampanà
ay sabay kang mag tatakbó at yumapós ka sa punò n~g kamatsileng
maalitatáp; at ikinatnig ang punong yaon; kumagat káng makakaha n~g
pitóng tilád n~g balát bago matapos ang tugtóg, balutin mong magaling
sa isang bagong paniong putî at saka mag tatakbóng walang lin~gon
hangan dito. Huwag káng paabot sa huling patók n~g kampanà,
sapagka't may mangyayari!
--Na anó po?...ang pagdáka'y tanong ni Juan.
--Kapag inabot ka n~g katapusang patók, ay katapusan mo namán, at ...
--Bakit po?
--Sapagka't darating doon ang isang malaking tawo na yayapos sa iyo
na sasakalin ka't ipaghahaguisan n~g lubhang matayog hangang sa di
ka mamatáy.
Si Jua'y hindî nagsalitâ, n~guni't di naman munti man na takot sa m~ga
hulíng sinabi n~g matandâ. Binuó nia ang kaniang loob at lumaang
gawin ang m~ga iniatas n~g matanda masunód lamang matamó ang
kaniang pita.

III
Dumating ang gabí.--Bagama't pusikit ang dilím ay madali niang na
tanáw ang punò n~g kamatsileng maalitaptáp. Pumatók ang "animas";
tumakbó na sia't yumapós sa punong yoon, kumagát sia't na ka tipák
n~g pitó; binalot na nia't inuwi sa bahay, anopa't na ganáp ang m~ga

bilin n~g matandâ, bago natapus ang patók na hulí.
--Magaling na batà!...--ang salubong na sabi n~g dinatnán--N~gaion
din ay isubò mo ang m~ga tipák na iyán at pumaroon ka sa bahay ni
Kumpareng Kulás, at makikita mo ang lahat ay hindî ka namán
makikita, nino man. Samakatuwíd ay nataguibulag mo silá, sabáy mo
namang sasabihíng malakas ang oraciong itó:
Saratum, ticom, balakum, tukos, mukos, talagum, ibom.
--Ano pong oracion yaan?--ani Juan.
--Yaan ang oracion sa pitong Arkanhel.
At madaling sinaulo ni Juan ang oracion yoon, at di na n~ga
pinapagbihis n~g matandà sapagka't di na makikita't madirinig di kunó
ninoman, na itó n~ga namán ang inasahan ni Juan.
Halos manakbó-nakbó sia ay dumating n~ga sa bahay n~g Kulás, na
doon palá nama'y maraming tawo sapagka't kasalan sa isang anak nitó.
Na sa trankahang pa'y isinubó na ang tagláy at saka dinalit na ulitulit
n~g malakas ang oracion:
Dalakong tikoy balatong tunkos mungos talagang ibús.
............................N~guni't
Oh!....ang pagkamanhâ n~g m~ga dalaga na siang pinagtuluyang
inumpukan ni Juan sa pagkaupô, na ang makapiling n~ga nia'y pilit
umiilag. Ang palagay n~g lahat ay ul-ol ang dumating, n~guni't ang
palagay naman n~g Kapatid na lalaki n~g ikakasal na dalaga ay nag
uulol ululan lamang, kaya galit na galit, at kundi n~ga napagpayó ay
marahil nasaktan sana na walang pagsala ang atin n~gang si Juan,
sapagka’t ipinalagay pa linilibak ang kapatid niang may bulutong n~ga
naman bukod pa sa malapad ang mukhâ na anhin n~ga ang tikoy n~g
insik. Pagdaka’y linapitan n~g isá sa m~ga doroon at mahinahong
pinakiusapang magbihis muna at saka bumalik.

--Ata makíc po ma ako ma mimihî pa?--ani Juan, na n~gamol umusap
dahil n~ga sa subo.
--Sapagka’t ang damit mo’y pulos na putik, ay napapagtawanan ka n~g
tawo’t kahiahia ka pa sa m~ga dalaga.
At pulos tubog n~ga naman n~g makita nia’t mamasdan ang kaniang
damit sa katawan, kaya hianghiâ siang umalis na, diman nakuhang
namaalam kaninoman. Ang puno paláng kaniang kínagatan ay datihang
kuskusan n~g m~ga kalabaw na sa malapit doo’y nanunubog araw
araw.
Nanaog na n~ga si Juan na lubhang pinagtanawan n~g lahat na siang
nakaaliw sa m~ga nagkakan~gay, pati ina n~g dalaga’y na patawa na,
bagama’t lubhang nahahapis na di man makakain símula n~g mag
suguan sa kaníang anak.

IV
Dumatíng si Juan kay Matandang Tacio at sinabi niang sia’y
pinagtawanan n~g lahat.
--Ganoong n~ga. Ito’y bago-bago ka pa! Huwag niong alumanahin ang
anoman; sa magalit sila’t sa matwa ay gawin mo ang gagawin mong
utos ko sa iyo!... Papaano ba ang oracion mo?--ang dugtong n~g
matanda.
Dalakong tikoy at balatong tunkos mungos talagang ubos.--ang
ulit ni Juan.
--Ah! tingnan mo, di mali ka!... Pagkaba nag kuláng ka n~g iisa man
lamang letra eh!... di ... Sirâ ka na.
--Hindi po
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.