sa lalagyáng ukol. 
Karayum ay mura't walang kasaysayan,
n~guni't hindi ito ang siyang 
kahulugan:
karayum na walá sa dapat kalagyan
ay nagbabalitang 
musmos ang may-bahay. 
IV 
SA PAGBIBIHIS
Ang damit na iyong dapat na isuot
ay huag ang masagwa't huag ang 
dukhang lubos
ang tipon n~g ganda't inam na tibubos
na sa 
katamtamang sa kulay ay ayos. 
Kailan~gang sumunod sa ugaling moda,
n~guni't huag lumampas n~g 
di tawanan ka,
at huag kang magsuot n~g hindi mo kaya:
ang mahal 
ay pan~git sa dukhang talaga. 
Paka-in~gatan mo ang iyong pananamit.
n~g huag madun~gisan at 
n~g di mapunit;
mainam ang luma, kung buo,t malinis,
kay sa 
bagong wasak ó may duming bahid. 
Marikit ang murang hiyas kay sa mahal,
kung ang gumagamit ay 
dukha n~gang tunay;
ang dukhang magsuot n~g aring marin~gal
kahit man binili, parang hiram lamang. 
Kahit na sa bahay ay dapat magsuot
n~g damit na puting talagang 
pangloob,
at huag mong gayahan ang asal na buktot
sa gawing 
_malinaw_ ... ¡Hubu't hubad halos! 
Limutin ang cotso, at magbotitos ka,
ang paa mo't binti upang huag 
makita:
babaying may puri di dapat magtinda
n~g dapat itago sa 
alin mang mata. 
Botitos ay mura, bukod sa mainam,
at talagang dapat sa mahinhing 
asal;
cotso't sapatilya ay napakamahal,
sa may hiyang paa talagang 
di bagay. 
Di mo masasabing mahal na tibubos,
sapagka,t matibay kung gawang 
tagalog:
ang tatlo mang cotso'y masisirang sunod
bago makawasak 
n~g isang botitos. 
At gayon din naman ang medias ay mura,
n~guni at mahal ma'y dapat 
bumili ka:
iyan n~ga ang tabing, sa mata n~g iba,
n~g binting ma'y 
dan~gal at ma'y puring paa.
Maging sa bahay ma't maging sa lansan~gan
ay huag mong limutin 
ang panyong alampay:
alampay ay siyang tabing na tangulan
n~g 
dibdib-mu't batok sa mata n~g bayan. 
Kalsonsilyong puti na hahangang tuhod
ay dapat gamiting damit na 
pangloob,
ang puri mo'y upang di sumabog-sabog
sa m~ga 
hagdana't lilipatang bakod. 
Ang tapis ay huag mong limutin kailan man,
sa bihis tagalog sadyang 
kasangkapan:
ang baro at saya kahit mura lamang
ay áko n~g tapis, 
kung ma'y sadyang inam. 
Huag kang maniwalang nagbuhat ang tapis
sa kakastilaang dito ay 
sumapit:
m~ga nuno natin n~g _tapi'y_ gumamit,
tapis ay nangaling 
sa _taping_ binangit. 
Paka-in~gatan mo ang gawang magbihis,
ang samâ at buti'y dian 
masisilip;
diyan nahahayag ang tinagong bait,
diyan nababasa ang 
gawi at hilig. 
V 
SA PAKIKIPANAYAM 
Sa lahat n~g m~ga pakikipanayam
ang nagsásalita'y mabuting 
pakingan,
sapagka at lubhang kapan~git-pan~gitan
ang di 
pumapasing sa kasalitaan. 
Ikaw ay papakli, kung dapat sumagot,
n~g magandang bigkás, 
salitang malambot:
ang banlang sabihin ay kuruing lubos,
baka may 
mapaltik sa m~ga kaumpok. 
Huag magbulaan sa alin mang bagay,
palatuntunan mo'y ang 
katotohanan;
n~gunit sa taya mo'y kung may tatamaan,
mabuti pa 
n~ganing huag ka n~g magsaysay.
Huag mong sasabatin ang nagsasalita
paka-ilagan mo ang gawang 
manumpa,
at kung tatawa ka'y huag lakasang lubha
ang tawang 
malakas ay sa taong dusta. 
Kung ma'y nagsasabi n~g salitáng búhay,
batid mo man kahi't ay 
dapat pakingan,
at huag mong sabihing--"_Alam ku na iyan_"
ito ay 
malaking lubhang kapintasan. 
Magpakailan pa man ay huag kang sumabat
n~g wikang--"_Mali 
ka_"--"_Sabi mo'y di tapat_"
Sakali mang mali ang ating kausap,
kailan~gang sagutin n~g lubhang banayad. 
Ang pakli'y ganito--"_Naging iba lamang,
n~g hindi pu kayo ang 
siyang nagsaysay
n~g gayon, ay di ko paniniwalaan_"
_sapagka't_ ... Saka ka naman man~gatwiran. 
Kung ang katalo mo ay ayaw duminig
sa sinasabi mong tunay na 
matwid,
at sumasagot pang bagkus nagagalit,
hayaan mo siya't, 
huag ka n~g umimik. 
Datapua,t sakaling ang makausap mo
ay sadyang mabait, talagang 
may tuto,
at sa iyo'y sabihing--"_Ipatawad ninyo
itong ipapakling 
abang palagay ko_". 
Ito,y sagutin mo n~g boong pitagan,
n~g boong pag-giliw, gaya n~g 
tuturan
"_Ituluy pu ninyo't kikilanling utang
ang pag-akay ninyo sa 
aking kamalian_". 
At magpakailan man ay huag mong sabihing
"_Ang sabi ko'y hindi 
ninyo napaglining_."
Kung di ang ganito--"_Malabu marahil
ang 
sinalaysay ko: aking uulitin_." 
Kung saka-sakaling purihin ka naman,
ay huag mong sagutin n~g 
wikang mahalay,
na gaya n~g pakling--"_Iyan po'y tuya lamang,
iyan po'y isang biro't kasinun~galin~gan_."
Ganito ang iyong m~ga sasabihin
--"_Iyon po'y karan~galang di 
sukat sa akin;
n~gunit dahil diya,y aking pipiliting
ang 
pagkamumus ko'y papaging-dapatin_." 
Ang bagay na lihim ay huag mong ihayag,
at sa kata-kata ikaw ay 
umilag,
at huag mong purihin ang iyong kausap,
at huag mong 
libakin ang di mo kaharap. 
VI 
SA M~GA PAGDALAW AT M~GA KAPISANAN 
Piliin ang oras sa m~ga pagdalaw,
at di ang sa gawing pagkaing 
agahan,
di ang sa tanghali, di ang sa hapunan,
di ang sa pagtulog at 
gawang kailan~gan. 
M~ga karaniwang dalaw ay sa pistá,
sa araw n~g lingo kung walang 
gambala,
at ang oras namang pinaka-maganda
ay kung ang hapunan 
ay naidaos na. 
Ang dalaw na m~ga _bigay-loob_ lamang[2]
ay dapat humiksî, ang 
gayo,y kaila~gan,
at pagpilitan mo ang huag magpaliban
n~g 
lubhang maluat at iyong bayaran. 
Sa alin mang pintô bago ka pumasok
ay huag magmadali't marahang 
tumugtog;
ang dinadalaw mo'y sakaling nanaog,
ikaw ay magsabi 
n~g ganitong ayos. 
--"_Wala pu ba naman silang dinaramdam_?"
Pagsagot n~g 
wala--"_Salamat na lamang_"
--"_Utang na loob po'y ipagbigay alam
na kanila itong ninais kong dalaw_." 
--"_At tuloy kami po'y ipag-maka-anó_....[3]
_sa kanilang dan~gal_." 
N~guni't kung sa iyo
sabihin ang gayon, ang isasagut mo'y
--"_Aking tutuparin ang utus pu ninyo_."
Sa gayo'y agad n~g ikaw ay magpaalam,
isa mong tarheta'y huag na 
di mag-iwan;
baliin ang isang sulok na alin man
--"_Utang na loob 
po, ito ay iiwan_."[4] 
Sakaling marami ang m~ga panauhin,
yukuan mo sila't pagdakay 
batiin--[5]
--"_Magandang gabi po_"--ang iyong    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
