pagca ipinagwawasacan ang mga 
halamanan, ang mga bayan at ang m~ga ciudad ng poot at 
pagtataniman; pagcacágayo'y sa canyáng cahihiyan ay pinupunit ang 
balabal at itinatapon ang cetro at nagdaramit ng maitim na lucsâ sa 
canyáng mga anác na namatáy. 
Pacasintahín n~ga natin siyá magpacailán man, anó man ang ating 
cahinatnan, at howag tayong humangad ng ibang bagay cung dî ang 
canyang icágagaling. Cung magcagayo'y macatutupad tayo n~g 
alinsunod sa tacdâ ng Dios na dapat na cauculan ng sangcataohan, na 
dî ibá cung dî ang cahusayan at capayapaan ng lahát n~g canyáng mga 
kinapál. 
¡Cayóng páwang nawalán na n~g mithîin ang calolowa; cayóng 
nangasugatan sa púso't isa-isang nakita ninyóng nanglagas ang mga 
pag-asang caaliw-aliw, at cawangis n~g mga cahoy cung panahong 
tagguináw, ngayóng salát cayó sa bulaclác at gayón din sa mga dáhon, 
at bagá man nais ninyó ang umibig, n~guni't walâ, cayóng másumpong 
na sa inyo'y carápatdápat; nariyan ang tinubuang lúpà! ¡Siya'y inyóng 
sintahín! 
Siya'y inyóng sintahín, ¡oh, siyá ngâ! datapwa't hindî na cawangis sa 
pagsintá sa tinubuang lúpà ng unang panahóng gumáganap n~g mga 
mababangís na pagbabanál, na ipinagbabawal at minámasama ng 
tunay at dalisay na magandáng caugalian at n~g inang Naturaleza[20]; 
na howag ipagmagalíng ang malíng sigábo ng budhî, n~g pagwawasác 
at ng calupitán; hindî, "lálong caayaáyang pagbubucáng liway-wáy ang 
sumisilang sa abót ng tanáw", masasanghayâ at mga payapang ilaw, na
súgò ng buhay at capayapaan; sa cawacasa'y ang liwayway na tunay 
ng cacristianuhan, tagapagbalitang pangunahin ng maliligaya at 
panátag na mga áraw. Catungculan nga natin ang manuntón sa 
mahirap lacaran, nguni't tahimic at mapagbigay pakinabang sa landas 
ng Dunong na patun~go sa "Pagcasulong" at mulà riya'y "sa 
pagcacaisang mithî at hinihingî ni Jesucristo sa gabí ng canyang 
pagcacasákit." 
"Gumawa ng sariling bayan ng sariling bayan cahi't gaano man ang 
maguing cahalagahan ang siyang lalong masilacbóng nais ni Rizal, 
n~gunit carapatdapat na sariling bayan...." 
At siyang catotohanan ayon sa canyang, m~ga guinawâ. 
Hindî nag tagal si "Rizal" sa Barcelona. Sumasa Madrid na siya n~g 
unang araw ng Octubre n~g sinabi ng taóng 1882. Sabay niyáng 
pinag-aralan ang Medicina at saca ang Filosofía at Letras. 
Natapos ang pag-aaral niya ng panggagamot at nagtamó siya ng 
títulong Licenciado sa Medicina ng ica 21 n~g Junio n~g 1884, at ng 
19 ng Junio n~g 1885, araw n~g capanganacan sa canya ay canyang 
tinamó namán ang títulong pagca Licenciado sa Filosofía at Letras at 
gayon din ang pagca Doctor sa Medicina. Natutuhan ni Rizal ang m~ga 
wicang sumusunod: tagalog, castílà, latin, francés, italiano, inglés, 
alemán, ruso, japonés, holandés, griego, hebreo, àrabe, sanskrito, 
portugués, catalán, sueco at insíc. 
Samantalang nag-aaral si Rizal ay pinagmámasid naman niya ang 
caugalian at anyô ng mga castílà. Nangaling si Rizal sa isáng bayang 
linúluklucan ng pagbabanalbanalan, n~g dî wastóng mga 
pananampalataya, ng m~ga paggugol ng salapî upang yumaman at 
macagumon sa lugód at layaw ang m~ga walang ibang gawâ cung dî 
ang mangdayà sa mga hangal ...; galing si Rizal sa isang bayang sa 
calolwa't catawan ay may walang hangang capangyarihan ang m~ga 
fraile, militar, empleado at castílà. Sa Madrid ay nakita niyáng hindî 
gayón: linílibac ng m~ga librepensador[21] at n~g m~ga aleo[22] ng 
boong calayàan ang canilang religióng católica apostólica romana at 
ang canilang iglesia católica-apostólica romana; námasid niyáng maliit
na totoo ang capanyarihan doon n~g Gobierno; hindî niya napanood 
ang acala niyang mangyayáring pagtatálotalo ng m~ga "liberal"[23] at 
ng mga "clerical"[24]; bagcos pa nga niyang nákitang madalás na 
naglalámbal at nagcacáisa ang mga "republicano"[25] at ang mga 
"carlista"[26] upang canilang masunduan ang anó mang ninanais. 
Nagdamdam si Rizal ng malaking sacláp n~g loob ng canyang 
pagsumaguin ang walang hadlang na anó mang pagtatamasa ng mga 
calayàan sa España, at ang capanyarihang calakilakihan ng mga fraile 
sa Filipinas, na siyang bumíbigti sa lahing cáymangui. Pinagpilitan 
niyang makilala ang anyô ng mga iba't ibang "partido político"[27] sa 
España at napag-unawa niyang hindî carapatdapat purihin ang m~ga 
europeo tungcól sa bagay na ito. Nakita niyang ang bawa't partido, ang 
lahat ng partido ay may magaganda at cainam-inamang mga 
palatuntunan; datapwa't nahiwatigan niyáng baga man may 
mangisan~gisang nagpapagal sa udyok ng lalong wagás at dalisay na 
hangád, nguni't hálos ang lahat ay walang pinagsisicapan cung dî ang 
saríling cagalingan. Samantalang hindî pa nangapapahalál sa matataas 
na catungculang minimithî, totoong sinusuyò ang m~ga táong 
manghahalál, at sa canila'y ipinangangacò ang lubhang maraming 
bagay, at cung macamtan na ang han~gád ay hindî guinaganap ang 
pangacò at linilimot na tikís ang mga naghalal sa canila. Marami sa 
m~ga manghahalal na ibinibigay ang caniláng voto, hindi sa táong 
tunay na may carapatán, cung dî sa nakiusap sa canila n~g hindî nilá 
mahiyáng canilang pinapanginoon; na hindî ang tunay na may mga 
nagawang cagalingan ng isang táo sa bayan ang canilang tinitingnan, 
cung dî cung ang taong iya'y mainam magsasalitâ, marikít 
magtalumpatì, magalíng sumúyo ó nacagaganting pálà n~g salapî ó iba 
pang pagbibiyayâ; na ang    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
