mahigpit na banta mamayang alas once gagahisin ako.
Maria.--?Ano ang sinabi? ?Bakit di sinabi sa iyong asawa ang masamang nasa n~g kanyang kasama.
Soledad.--?Hindi ko maatim! maniwala Maria ang bigyang?damdamin asawa kong sinta.
Maria.--Diwa'y ibig mo, eh?
Soledad.--?Oh Maria! ako'y iyong turuan n~g makaligtas sa?kamay n~g halimaw.
Maria.--Kung gayon tayo na sa loob at lihim nating pag-usapan _aalis ang dalawa lalabas si Agong, Bakokoy at Pedro waring nagbubulun~gan_.
ESCENA XII.
Agong.--Talastas na ninyo ang inyong gagawin ang magdadala?n~g tampipe, ikaw; ang maleta, ikaw; ihahatid ninyo sa tren huag kayong aalis sa estacion hangang hindi umaalis ang tren niyang sinasakian, at walang sala mamiyang gabing mag aalas once, kayo din ang aking katulong.
Pedro.--N~gunit.....
Agong.--Walang n~gunit, ang malalaking bagay na aking na isip ay nasusunod, ?ito ba lamang ang hindi? kapag kayo'y hindi sumunod sa nais ko, susumpain kayo n~g Bayan? ?Hindi ba ninyo alam p��g hindi ninyo tinupad ang bilin ko ipa boboycotage ko kayo at ako ang inyong pun?? kung ang sambayanang tawo sumusunod sa bawat maibig ko ay kayo pa bang susuay, hindi mangyayari at saka natin tignan.
Bakokoy.--Naku parang kung ito'y magalit sa akin ay?natatakot ako.
Agong.--Gayon din sabihin sa ating kapanalig, na sa lahat n~g botohang ating gagawin ako ang inyong iboto, gayon din na inyong papilmahan sa lahat ang papel na ito sa pan~galan ko.
Pedro.--?Ano ba iyan?
Agong.--Huag n~g ipabasa, ang nakatalata diyan ating?paa-alisin sa tungkol si Doctor dahil sa siya'y bubulong.
Pedro.--?Baka ikaw ay namamali?
Agong.--?T��o Pedro! ?Tio Pedro! huag ninyo akong?pagsusuman~gin ako ang ilagay ninyo sa tungkol niyang taglay, sapagka't ak�� ang inyong puno. Lalabas si Vico.
Vico.--M~ga kasama ako'y nahuli sa primer viahe kaya't sa?segundo na ako sasakay.
Agong.--Sa bagay pala'y ikaw ay naparoon na.
Vico.--Oo katoto.
Agong.--Yayakapin ?Oh! napakas��kap na aking kasama; kasama, kong magandang puso, _sa bawat koma ay wun~gol si Pedro at si Bakokoy_ kasama kong mapagtapat.
Pedro.--N~g ipagbili ni Judas si Jesus ay niyakap muna.
Agong.--Kasama kong pinaglagakan n~g aking pagkakatiwala, at kasam�� kong ...
Pedro.--Kasam��.
Vico.--?Baka tanghaliin ako kasam��.
Agong.--Bueno Bakokoy ang tampipe, Pedro, ang maleta samahan ninyo ang aking kasam��.
Vico.--Bueno kasama adios _aalis ang tatlo urong n~g urong si Agong hangang sa matihaya sa Palihan at puro adios ang sinasabi_.
Agong.--Adios, adios, adios, adios. _Pagkatihaya mutaci��n?calle Lalabas si Ludovico, Pedro at Bakokoy_.
Bakokoy.--Ludovico kung sa hanga po n~g akin ay hindi co po ibig ang ikaw ay umalis sa gabing ito: dahil nabalitaan ko po sa isang kaibigan na lolooban ang inyong oficina kapag kayo'y umalis.
Vico.--Nariyan naman ang aking kasama upang magtangol.
Pedro.--Inaakala mo bang inaaring tawo n~g lahat ang iyong?kasama? kilala na n~g lahat ang pagka ap?-ap? niyan, ang sabihin mo'y dahil pa sa tawong iyan kaya lolooban ang oficina; kaya't akong may sabing huag kang magtuloy; manubok ka n~gayong alas once n~g gab�� at walang salang di may saka mangyayari; sa kali't wala kang makita magpatuloy ka bukas n~g pag-alis.
Vico.--Bahala na at aking iisipin paalam m~ga kapatid?aalis.
Bakokoy.--Hindi rin tayo pinakingan.
Pedro.--Paanong ating gagawin kung gagahisin na si Soledad?
Bakokoy.--Babalugbugan ko. ?Ikaw paano pong nasa sa loob mo?
Pedro.--Nasa sa loob ko kapag pinagpahamakan niya ang puri?n~g ating kasamahan ay hambalusin ko _lalabas si Agong kasama ang m~ga panday._
Agong.--Tio Pedro ?Ano napilmahan na ba ang pinapipilmahan ko sa inyo?
Pedro.--Mayroon n~g man~gisan~gisang nakapilma.
Agong.--Tinamaan n~g bagkat na, ?Hindi ba sinasabi ko sa?inyong sa ayaw at sa ibig ay pilitin mo?
Bakokoy.--Napakahigpit n~g orden.
Agong.--Malapit n~g halinhan ang Presidente pag hindi akong nalagay patay kayong lahat, pag hindi ako naguing consejal, patay kayong lahat, pag hindi akong naguing pun? ninyo, patay kayong lahat, pag hindi akong nahalili kay Doctor ... sa masarap niyang tungkol, kayong bahala; at ma-aari bang hindi akong malalagay pag kayong lahat ang naglagay sa akin? kaya Bakokoy pilma na Pipilma si Bakokoy ikaw; ikaw _papipilmahin ang lahat ikaw, ikaw n~g ikaw ang sasabihin_.
Bakokoy.--Naku linsiok Ap?-Apoan n~ga pala, makago san?Quinton. Lalabas si Totong.
Pedro.--Naito si Totong at dumaratin ito ang ayaw pumilma.
Agong.--Pumilma ka dito't akong ilagay mo
Totong.--Ang laya n~g tawo dapat mong igalang pumili n~g ibig kanyang maibigan ang isang pilma ko'y mahalagang tunay at sa mapag apo'y hindi gumagalang.
Agong.--?Diyata't ikaw ang tatangui sa ako ang ibig n~g?bayan?
Totong.--?Ito'y hindi ko masabi?
Agong.--Sukat mong tantoin ako'y siyang puno
laging ginagalang siyang apo-apo?kahima't gawin ko'y ang paliko-liko?susuko kang pilit n~gayon ay yuyuko.
Totong.--Ang katuwiran ko'y hindi matatan~gay
tan~gain n~g agos n~g apo-apoan?yaong casiquismo'y dapat mong ilagan?pagka't itong siyag sa iyo'y papatay.
Sa awa at tulong mabuting Gobierno?binibiguiang laya ang lahat n~g tawo?tumupad sa matuid.....
Agong.--Sukat ka na lilo. at masusunod din bawat maibig ko.
Totong.--Masusunod mo n~ga bawat mahagap
n~guni't huag gawin sa nan~gadidila?kung ang palagay mo ang bayan ay bulag?itan~gi ang ila't di mo malalahat.
Agong.--Ako'y siyang hari.
Totong.--Noong m~ga pipe.
Agong.--Siyang masusunod.
Totong.--N~g bulag at bin~gi,
itan~gi ang iba't di mo mabibili?marunong magtangol sa sariling puri.
Agong.--M~ga kapatid sumpain natin ito _walang kikibo kahi't isa paliliitin ang voces ni Bakokoy_.
Bakokoy.--Ikaw ang dapat sumpain.
Agong.--M~ga kapatid mamatay ang ayaw pumilma sa aking nais Hindi kikibo ang lahat si Bakokoy lalong paliliitin ang voces.
Bakokoy.--Ikaw ang dapat mamatay.
Agong.--?Hindi ba ninyo ako nakikilala? _Hindi kikibo ang?lahat nakatitig lamang si Bakokoy paliliit ang voces_.
Bakokoy.--Kilal�� na kita ikaw

Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.