hambalusin ko _lalabas si Agong kasama ang 
m~ga panday._ 
Agong.--Tio Pedro ¿Ano napilmahan na ba ang pinapipilmahan ko sa 
inyo? 
Pedro.--Mayroon n~g man~gisan~gisang nakapilma. 
Agong.--Tinamaan n~g bagkat na, ¿Hindi ba sinasabi ko sa
inyong sa 
ayaw at sa ibig ay pilitin mo? 
Bakokoy.--Napakahigpit n~g orden. 
Agong.--Malapit n~g halinhan ang Presidente pag hindi akong nalagay 
patay kayong lahat, pag hindi ako naguing consejal, patay kayong lahat, 
pag hindi akong naguing punô ninyo, patay kayong lahat, pag hindi 
akong nahalili kay Doctor ... sa masarap niyang tungkol, kayong bahala; 
at ma-aari bang hindi akong malalagay pag kayong lahat ang naglagay 
sa akin? kaya Bakokoy pilma na Pipilma si Bakokoy ikaw; ikaw 
_papipilmahin ang lahat ikaw, ikaw n~g ikaw ang sasabihin_. 
Bakokoy.--Naku linsiok Apô-Apoan n~ga pala, makago san
Quinton. 
Lalabas si Totong.
Pedro.--Naito si Totong at dumaratin ito ang ayaw pumilma. 
Agong.--Pumilma ka dito't akong ilagay mo 
Totong.--Ang laya n~g tawo dapat mong igalang pumili n~g ibig 
kanyang maibigan ang isang pilma ko'y mahalagang tunay at sa mapag 
apo'y hindi gumagalang. 
Agong.--¿Diyata't ikaw ang tatangui sa ako ang ibig n~g
bayan? 
Totong.--¿Ito'y hindi ko masabi? 
Agong.--Sukat mong tantoin ako'y siyang puno 
laging ginagalang siyang apo-apo
kahima't gawin ko'y ang 
paliko-liko
susuko kang pilit n~gayon ay yuyuko. 
Totong.--Ang katuwiran ko'y hindi matatan~gay 
tan~gain n~g agos n~g apo-apoan
yaong casiquismo'y dapat mong 
ilagan
pagka't itong siyag sa iyo'y papatay. 
Sa awa at tulong mabuting Gobierno
binibiguiang laya ang lahat n~g 
tawo
tumupad sa matuid..... 
Agong.--Sukat ka na lilo. at masusunod din bawat maibig ko. 
Totong.--Masusunod mo n~ga bawat mahagap 
n~guni't huag gawin sa nan~gadidila
kung ang palagay mo ang bayan 
ay bulag
itan~gi ang ila't di mo malalahat. 
Agong.--Ako'y siyang hari. 
Totong.--Noong m~ga pipe. 
Agong.--Siyang masusunod.
Totong.--N~g bulag at bin~gi, 
itan~gi ang iba't di mo mabibili
marunong magtangol sa sariling puri. 
Agong.--M~ga kapatid sumpain natin ito _walang kikibo kahi't isa 
paliliitin ang voces ni Bakokoy_. 
Bakokoy.--Ikaw ang dapat sumpain. 
Agong.--M~ga kapatid mamatay ang ayaw pumilma sa aking nais 
Hindi kikibo ang lahat si Bakokoy lalong paliliitin ang voces. 
Bakokoy.--Ikaw ang dapat mamatay. 
Agong.--¿Hindi ba ninyo ako nakikilala? _Hindi kikibo ang
lahat 
nakatitig lamang si Bakokoy paliliit ang voces_. 
Bakokoy.--Kilalá na kita ikaw ang apô-apô kapatid n~g
lapo-lapo. 
Agong.--Tayo na Hindi kikibo ang lahat tayo na kayo. 
Bakokoy.--Sumulong ka n~g mag-isa. 
Agong.--Diyan na kayo kung ayaw kayo. 
Bakokoy.--Adios tio Agong. Aalis si Agong padabog. 
Pedro.--Umalis na parang hilong banak si Tio 
Agong; ako sa inyo'y may sasabihin, tayong
lahat ay m~ga 
mangagawa ni tio
Agong, kung ang isa ba sa atin ay apihin
niyan, 
¿anong mabuti nating gawin? 
Lahat.--Pag-isahan nating iwan. 
Totong.--Pagka't panahon n~g ating ipamalas 
ang kahalagahan mangagawang lahat
n~g huag apihin tanang
mahihirap
na anak n~g pawis, sadlakan n~g saklap. 
Ang magtatrabaho'y palagui n~g yukô
samantalang siyang laguing 
bumuboô
sunodsunuran na sa pamimintuhô
siya pang lakpakan n~g 
pakasiphayô. 
Kaya't panahon n~g kanyang makilala
yaong kalayaan n~g isa at isa
bawa't ipag-utos tayo'y tumalima.
sakali't lalabis, suman~gín 
pagdaka. 
Pedro.--Kung gayon humanda kayong lahat, mamayang á las once n~g 
gabi ay walang salang di pan~gan~gahasan ni Tio Agong, ang asawa 
n~g ating minamahal na si Ludovico nauukol ang ating ipagsangalang 
¿conforme kayong lahat? 
Lahat.--Oo. 
Pedro.--Kung gayon tayo na kayo _mag-aalisan ang lahat
lalabas si 
Ludovico_. 
Vico.--Puso ko'y kumakaba, dibdib ko'y tumatahip, kaya't
paparoon 
ako n~g matanto ang kahulugan. _Aalis mutación Sala rica nacahiga sa 
cama si Soledad madilim ang escena mayroong Quingque may ilaw, 
lalabas si Pedro at Bacocoy may m~ga garrote_. 
Pedro.--Bakokoy dito ka _iuupo sa tabi n~g escena_, ka pag
ang 
babaye ay pumayag sa bakan mo n~g alis, sakaling hindi pumayag at 
pipilitin, lambanuguin mo na, at babalugbugang ko naman. 
_uupo sa isang tabi dadating si Agong magdaraan sa bintana 
nacasun~gaw lamang bababang marahan lalapitan ni Bakokoy tampalin 
sa balicat magugulat si Agong magcucumpasan iuupo ni Agong sa 
isang tabi at lalapit cay Soledad marahang marahan lalapitan naman ni 
Bakokoy at babatukan si Agong magugulat matatacot pagcakitang si 
Bakokoy ang bumatoc sa canya magagalit_. 
Agong.--Mabuti igapos ko ito, _lalapitan si Bakokoy at
tatalian pag
catali icucubli sa loob n~g bastidor biglang baban~gon si Soledad 
tahimik mahihiga ulî_. 
Agong.--N~gayon hindi kana makalapit sa akin _Lalapitan si
Soledad 
dahan dahan lalapitan ni Pedro at babatukan magugulat si Agong ititiric 
ang mata ni Pedro babatukan sa cabilang tabi pabulong_. ¿Sinong 
bumatok sa akin? 
Pedro.--Pasigao. Akoy hindi makababatok sa iyo pagka't ako ay 
komang. 
Agong.--Huag kang sumigaw dito ka _itatabi sa tabi ng
bastidor 
pagcaladcad tatan~gnan sa tain~ga lalapit na dahan dahan cay Pedro_ 
Pakiram-daman mo kung sino ang darating. 
Pedro.--Pasigao_. Ooooo mahaba magigising si Soledad waring 
magugulantang uupo sa silla malungkot._ 
Soledad.--Oh panaguinip kong 
                     nag  bigay  bagabag 
                     sa  pananahimik 
                     n~g  pusong  may     
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.