Ang mga Anak Dalita

Patricio Mariano
Ang mga Anak Dalita, by
Patricio Mariano

The Project Gutenberg EBook of Ang mga Anak Dalita, by Patricio
Mariano This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and
with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away
or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org
Title: Ang mga Anak Dalita
Author: Patricio Mariano
Release Date: July 22, 2006 [EBook #18888]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG MGA
ANAK DALITA ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Handog ng
Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga ng
panitikang Pilipino. (http://www.gutenberg.ph)

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit.]

=ANG M~GA=
=ANÁK DÁLITA=
(NOBELANG TAGALOG)
SINULAT NI
Patricio Mariano
UNANG PAGKALIMBAG
=MAYNILA: 1911=
=Limbagan at Aklatan ni I.R. Morales Liwasang Miranda, 11-13,
Kiyapo.=

=Sa mañga binibining manggagawa.=
Sa inyóng may mura at mahinang bisig na maghapong araw, sa sipag,
ay gamit, sa inyó ko handóg yaríng aking awit, bilang paghan~ga ko sa
pagmamasákit na inyóng itanggól, sa tulong n~g pawis, ang sariling
búhay at tagláy na linis.
Pat. MARIANO.

=Sa bábasa.=
Kaibigan ka man ó di kapanalig, kasuyo ó hindi, kaaway ó kabig, di ko
hiníhin~ging huwag mong isulit, sa akin, ang pula na ibig ikapit.

Di ko mawiwikang ipagpaumanhín ang mali ó lisya na iyong mápansín,
sabihin mong lahát ang ibig bangitín; may kalayaan ka, di ko sinisiíl.
Di akó gagaya sa ibáng katulad na hihin~ging awa ó ipahahayag na
kutád ang isip at bubót ang hagap; kapós palá'y ¿bakit nan~gahás
sumulat?
Kaya n~ga't antáy ko ang iyong pasiya yamang ikáw'y siyang susuri't
lalasa; n~guni't ang hilíng ko'y pintás pantás sana ang iyong gamitin sa
m~ga mábasa.
Di ikasásama nitóng kalooban, pintasán man itó, n~guni't tama lamang;
ang dáramdamín ko'y ikáw ang wikaang: mangmáng palá'y ibig
magdunóng-dunun~gan.
Kaya n~ga't bago ka magsabi n~g hatol ay magnilay muna, gamitin ang
dunong (kung matalino ka) at saká ipatong ang wíwikain mong di na
mahahabol.
Dapwa't, kung sakali, namáng, ang mangyari'y dúdulutan akó n~g
iyóng papuri,...... ¡Maraming salamat! (maraming marami) n~guni't
nilayin din na lubhang mabuti.
Pagka't ang tawa man, kapág nábulalás ay hindi na tawa kung hindi
halakhák; labis na puri'y, karaniwang banság, kung minsan ay tuya't
kung minsan ay libák.
ANG KUMATHA.

=Ang mañga anák dálita.=
I.
SI TETA.
Sa isáng tahanang lubhang marálita na áalan~gán pa sa pan~galang
dampa'y may isáng babaing yayát at matandá na wari'y may sakít,

kaya't nakahiga.
Sa kaniyang siping, na abót n~g kamáy, ay may isáng mangkók na
lugaw ang lamán at sa dakong paa'y mayroong uupán na wari'y gawa
pa n~g amáng si Adán.
Ang tan~ging kasama n~g sangkáp na itó ay isáng tampipi't isáng baul
mundo, isáng panahian, kaputol na kayo at ilang balumbón n~g sutlang
naguló.
Ang lahát n~g iyo'y siyáng kayamanan niyóng maralita't babaing may
damdám kung di mápupuná ang isáng larawan n~g himalang gandá na
nasa batalán.
Isáng binibining ang tindíg at anyo, ay nakaáakay sa gawang sumuyo at
ang kanyáng titig na lubhang maamo ay makabibihag sa alín mang
puso.
Yaóng m~ga pisn~gí, na nagnakaw mandín n~g kulay sa rosa't sa
magandáng jazmin, ay natítimban~gán n~g matáng maitím na wari'y
hahalay sa m~ga bituín.
Ang isáng makapál at mahabang buhók na nábabalumbón sa malakíng
pusód ay inalong dagat ang nákakaayos dahilán sa inam n~g
pagkakakulót.
Itó ang himalang hindi nábibilang sa m~ga nákita na hiyas sa bahay,
kahit masasabing sa kahalagahan ay siya ang lalong palamuting mahál.
Lalo't kung mabatíd na siya ang anák n~g babaing iyong sa sakít ay
lagmák, at siya ang isáng tan~ging naghahanap at nagmamasakit sa
buhay na salát.
Siya ang paroon, siya ang parito, gawa niya yaón, gawá niya itó, sa
maghapong araw, ang mahinang butó, ay di natitigil n~g kahit gaano.
At sa dinádaláng sadyáng kaliksiha'y kasangkáp na tagláy iyóng
kabaitan, kaya't kahit sinong magíng kapanayám, ay nan~gawiwili na

siya'y pakingán.
Sa unang sandaling ating pagkákita ay damít ang pigil at siya'y naglabá
at nang makatapos, tinignán ang iná kung sa pagkáhiga ay
nakaban~gon na.
N~guni't nang inabot ang ináng may sakít ay di kumikilos sa hihigáng
baníg, kaya't tinulun~gan, sa gawang pagtindíg, upang ang pagkain ay
huwag lumamíg.
Kanyáng iniupo ang ináng may damdám, at saká kinuha ang laang
linugaw; --Kumain ka iná--ang wikang tinuran-- n~g upáng lumakás
ang iyong katawán.
--Ay giliw kong bunso--ang sa ináng turing-- kung tayo'y mayaman, di
mo sasapitin ang hirap na itóng wari'y sapínsapín na nagpapasasang sa
ati'y umiríng.
Kundi bagá gayó'y
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 17
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.