Ang Singsing nang Dalagang 
Marmol 
 
The Project Gutenberg EBook of Ang Singsing nang Dalagang Marmol 
by Isabelo de los Reyes This eBook is for the use of anyone anywhere 
at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, 
give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg 
License included with this eBook or online at www.gutenberg.net 
Title: Ang Singsing nang Dalagang Marmol 
Author: Isabelo de los Reyes 
Release Date: February 21, 2005 [EBook #15129] 
Language: Tagalog 
Character set encoding: ISO-8859-1 
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG 
SINGSING NANG DALAGANG MARMOL *** 
 
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG 
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by 
University of Michigan. 
 
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is 
marked as ~g. Mistakes in the original published work have been 
retained in this edition.] 
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa 
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay 
hindi na ginagamit. Hinayaang manatili sa edisyong ito ang mga
pagakakamali sa orihinal na pagkakalimbag.] 
=Kathâ ni ISABELO DE LOS REYES= 
=ANG SINGSING= 
NANG 
DALAGANG MARMOL 
[Larawan: Isang binibini] 
Ó SI 
LIWAYWAY NG BALIWAG MGA NANGYARI SA 
PAGHIHIMAGSIK Ipinagbibili ng 20 cts. sa daang P. Rada, 467, 
Tundo. 
[Patalastas: La Concepcion; Sanglaan ni Fausto O. Raimundo] 
ANG SINGSING 
NANG 
DALAGANG MARMOL 
Man~ga nangyari sa Paghihimagsik 
SINULAT MUNA SA WIKANG TAGALOG N~G 
KAGALANGGALANG NA ISABELO DE LOS REYES SA 
PAHAYAGÁNG Ang Kapatid ng Bayan, BAGO ISINALIN NIYÁ SA 
WIKANG KASTILA SA PINAKA FOLLETIN NANG El Grito del 
Pueblo NOONG TAÓNG 1905. SAPAGKÂ'T NAWALÂ ANG 
UNANG ORIGINAL, AY MULING SINALIN SA WIKANG 
TAGALOG 
NI 
CARLOS B. RAIMUNDO 
MANILA 1912 
TIP SANTOS Y BERNAL Ave. Rizal 414 Sta. Cruz 
[Larawan: Hon. Isabelo De Los Reyes] 
SA KAY LIWAYWAY N~G BALIWAG. 
_Magandáng Binibini_: 
Sa bilang n~g páhayagáng tagalog _Ang Kapatid ng Bayan na nauukol 
sa iká 14 n~g Septiembre n~g 1905, nábasa ko ang isáng lathalà na 
ganitó ang sinasabi: 
"Nagíng dahil n~g mapupusok na paghahakà ang mainam na kathà, 
(novela) na sa pamamagitan n~g lagdâ n~g isáng kilaláng mánunulat ay 
aming inihahayág, at ipinalalagáy n~g; iláng tiktik na ang Dalagang 
Marmol ay nanánagisag sa _kapalaran n~g Filipinas_, na bagama't 
ngayo'y tila tumatalikód sa kaawà-awà nating bayan, n~guni't sa wakás
ay gaganapin din ang kanyáng pakiki-isáng dibdib kay Pusò (táong 
may malakíng kabuluhán sa kathâ) na alinsunod sa m~ga tiktik ay 
nanánagisag naman sa kahulugán n~g Diwà ó n~g Mithî n~g bayang 
tagalog. 
"May balità kaming sinalin na raw sa wikàng ingles." 
"N~guni, sinasabi naman n~g m~ga tagá Bulakán na ang _Dalagang 
Mármol_ ay walâng ibá kundî si binibining Liwayway na tagá Baliwag, 
pagkâ't ang kanyáng m~ga kagandahang iginuhit ay siyá lamang 
tumútugón sa m~ga pagkakakilanlán sa katauhan n~g násabing 
binibini. 
"Talagáng túnay ngâng nakahahangà ang kagandahan n~g dalagang 
_Liwayway_, n~guni't dî namin nababatid kung síyá n~gâ ang 
tinútukoy n~g nasabing mánunulat, at ang amin lamang masasabi ay 
yumaon na itó sa España. Sa kanyá sana tayo makapagtanóng." 
At sa El Grito del Pueblo n~g ika 20 n~g sinabing buwán ay 
napalathalà naman, na dalawáng piling Gurô sa pagtugtog ay 
nagsikathâ n~g isáng "Tanda de Vals" na kuha sa guní-guní n~g 
kaniláng pagkabasa sa kathâng násabi at yaó'y sadyâng sa inyó nilá 
ipinatungkól. 
Ang m~ga balitàng it'óy nakaguló n~g aking isipan kayà akó humanap 
tulóy at nakakita namán sa m~ga natitipon n~g násabing Pahayagán 
n~g isáng aklát, na túnay n~gà't matatawag na m~ga nangyari sa 
Paghihimaksík natin n~g 1899 ang linálamán, n~guni't kun tátarukín ay 
makikitang kahalò ang isáng maliming pagaaral sa mahalagá at 
tan~ging ugali n~g ating m~ga kawiliwiling babai; kahit ang anyô ó 
ayos sa malayò pa'y naghihimatóng gawâ n~g isáng dakilàng 
mánunulat na may lubós kinabatirán sa ating m~ga kasaysayan. 
Ilinalahad n~g kathâ, na bagamán parang _mármól ó hielo_ ang 
babaing tagalog dalá n~g malaking kahirapan kun ligawan, dapwâ't 
kung umibig ay may káya namáng magtiís sa lahát n~g hirap. 
Akin n~gang tinagalog, at yamang ikáw pô ang itinuturó n~g inyóng 
m~ga kababayan na parang _Dalagang Mármol_, sa gayó'y walâ n~g 
ibá pang marapat paghandugán nitóng aking pinagpagalán kundî kayó, 
bagamán dì nìnyó kilalá ang aking katauhan. 
CARLOS B. RAIMUNDO. 
 
Ang Singsing
Nang Dalagang Marmol 
I. 
Matapus ang kasindáksindák na labanáng nangyari sa m~ga tagalog at 
americano sa Kin~gwá, lalawigan n~g Bulakán, n~g iká 23 n~g Abril 
n~g 1899, na siyáng ikinápatáy kay Coronel Stotsenburg, sa Capitán at 
ibá pang m~ga kawal americano, kamíng m~ga tagalog naman ay 
nagsiurong sa Sibul, at sa isáng bahay-gamutan n~g aming m~ga kawal 
ay nátagpuán ko ang isáng matapang na pinunòng tagalog na bahagyâ 
náng makagaláw at makapagsalitâ dahil sa marami niyáng súgat. 
Malakí ang awà sa kanyá n~g lahát n~g táong nan~garoroón at siyá na 
lamang ang    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
