Ang Mananayaw 
 
The Project Gutenberg EBook of Ang Mananayaw, by Rosauro 
Almario This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and 
with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away 
or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included 
with this eBook or online at www.gutenberg.net 
Title: Ang Mananayaw 
Author: Rosauro Almario 
Release Date: January 25, 2005 [EBook #14794] 
Language: Tagalog 
Character set encoding: ISO-8859-1 
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG 
MANANAYAW *** 
 
Produced by Tamiko I. Camacho and PG Distributed Proofreaders. 
Produced from page scans provided by University of Michigan. 
 
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is 
marked as ~g.] 
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa 
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay 
hindi na ginagamit.]
Ros. Almario 
ANG MÁNANAYAW 
Aklatang Bayan I Aklát 
Limbagan at Litograpía 
NI 
JUAN FAJARDO 
Daang Carriedo Blg. 101, Sta. Cruz. 
MAYNILA--1910 
 
ANG MÁNANAYAW 
Ros. Almario 
UNANG PAGKALIMBAG 
MAYNILA 
=LIMBAGAN NI JUAN FAJARDO 
Daang Carriedo Blg. 101, Sta. Cruz 
1910.= 
* * * * * 
=Aklatang Bayan.= 
Sa gitnâ ng masinsíng úlap na sa kasalukuya'y bumábalot sa maynós na 
langit n~g Lahíng Tagalog, ang «Aklatang Bayan» ay lumabás.
_¿Layon? Iisáng iisá: makipamuhay, ibig sabihi'y makilaban pagkâ't 
ang pakikipamuhay ay isáng ganáp na pakikitunggalí, isáng lubós at 
walâng humpáy na pakikibaka_. 
At makikibaka kamí laban sa masasamâng hilig, mga ugali't paniwalà, 
magíng tungkól sa polítika, magíng sa relihión at gayón sa karaniwang 
pamumúhay; yamang ang mga bagay na itó'y siyáng mga haliging 
dapat kásaligan ng alín mang bayan: tatlóng lakás na siyáng bumúbuó 
ng káluluwá ng alín mang lahì. 
At upáng malubós ang pagpapakilala ng adhikâng itó sa aming 
mangagiging, mangbabasa, kung sakalì, ngayón pa'y malugód na't 
magalang na ipinatátalastás namin sa kanïlá ang m~ga aklát na sa 
kasalukuya'y niyáyarì sa loób ng Aklatang itó: 
=Ang Mánanabong, Ang Pangginggera, Bagong Hudas, Ang Sakim, 
Bagòng Parì at ibá't ibá pa.= 
Pan~ganay na anák n~g Aklatang itó «Ang Mánanayaw», na ngayó'y 
bagong kalúluwál pa lamang sa larangan ng Panunulat. Kulang sa katás 
marahil, marahil ay gayón din sa lusóg ng pan~gangatawán, bigláw na 
bunga palibhasà n~g isáng panitik na salát sa ilaw ng talino at dahóp 
sa yaman ng pananalitâ. 
Magsísitulong sa aklatang itó ang mga katoto ko't kaadhikâng Faustino 
Aguilar, namámatnugot sa TALIBA, Carlos Ronquillo, 
punòng-mánunulat sa náturan ding páhayagán at mga ibá pang gurò ng 
panitik, na sa pamamagitan n~g limbagan at papel ay magsásabog, 
hanggáng sa lalòng lihim na pook ng Katagalugan, ng makákaya 
niláng pangliwanag na ilaw sa mga kalahìng nan~gan~gailan~gan 
nitó. 
=Ros. Almario,= 
Taga-pamahalà n~g Aklatang Bayan. 
Maynilà, 30 V-1910.
* * * * * 
Ang Mánanayaw. 
Jóvenes qué estais bailando, al infierno vais saltando. 
=SIMULA= 
Pati: Mánanayaw. Alan~ganing tindíg; ni mababà ni mataas; katawáng 
malusóg, makatás, sariwà; m~ga matáng malalaki't bugháw, dalawáng 
bintanàng pinanúnungawan ng isáng káluluwáng nag-iinit, nag-aalab sa 
ningas n~g apóy n~g isáng damdaming batis na dinádaluyan ng alíw, 
alíw n~g sandalî na nakalúlunod, nakaíinís at nakamámatáy sa bawà't 
káluluwáng maligò sa kanyá. 
Sawî: Túbong lalawigan, binatàng nag-aaral sa Maynilà. Buhat sa 
mabuting lipì, angkán ng mga mayaman, si Sawî ay isáng binatàng 
lumakí sa lilim n~g pananaganà: kimî, mahihiyâin, ugalìng babae, si 
Sawî ay hindî kaparis ng mga binatàng walâng ibáng minimithîmithi 
kundî ang mátulad sa isáng paróparó, sa isáng bubuyog, na tuwîna'y 
hanap ang mga bulaklák, upáng simsimín ang kaniláng bangó, 
Tamád: Isáng hampás-lupà, isáng hampas-bató, na gaya n~g tawag sa 
kanyá n~g madlâ. Ulila sa amá't ulila, sa iná. Walâng asawa, ni anák, ni 
kapatid, ni kamaganakan kungdî ... si «Ligaya»; ligayang pará sa 
kanyá'y hindî natatagpô sa alín mang dako, sa alín mang poók, máliban 
sa mga bilyar, sabun~gán, pangginggihan, bahay-sáyawan at mga 
bungan~gà ng impierno na sa bálana'y laging nakaumang. 
--Tamád, ¿kumusta ang ibon? 
--Mabuti, Pati, maamò na n~gayón. 
--¿Handâng pumasok sa kulun~gán? 
--¡Oh, walâng pagsalang hindî siyá pápasok! 
--¿Anó ang sabisabi niyá sa iyó tungkól sa akin?
Paris din ng mga unang salitâ na náiukol ko sa iyó nang tayo'y unang 
magkátagpô sa isáng handáan: na, ikáw ay magandáng katulad ni Venus, 
paris n~g Talà sa umaga. ¡Umiibig na sa iyó! Maáasahang siyá'y bihag 
mo na.... 
Binuksán ni Pati ang kanyáng dalawáng labì na nagpúpulahan upáng 
paraanín ang isáng matunóg na halakhák. 
--Con qué, umiibig na sa akin, há? 
--At pagháhanapin ka mámayâ. 
--¿Saán? ¿saan mo akó itinurò? 
--Sa bahay-sáyawan. 
--Sa makatwíd palá ay nálalaman nang akó'y mánanayaw? ¿at anó ang 
sabi sa iyó? ¿hindî ba niyá nábabasa ang m~ga páhayagáng, hindî 
miminsan at mámakalawáng nagsásabog diyán ng m~ga balitàng 
diumanó'y hindî mga babae ang mga mánanayaw sa «suscrición» kundî 
isáng tungkós na mga talimusák? 
--Medio ... medio sinabi niyá sa akin ang ganyán; n~gunì't tinugón ko 
siyáng ang gayóng balità'y mangyáyaring    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
